Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, muling nagpataas ng pensiyon sa mga retirado

(GMT+08:00) 2011-01-25 13:59:27       CRI

Para sa mga retirado ng bahay-kalakal ng Tsina, tumanggap sila noong unang araw ng taong 2011 ng isang espesyal na regalo mula sa pamahalaan para sa bagong taon: ika-7 beses na tumaas ang kanilang pensyon. Nakinabang dito ang ilampung milyong retiro sa buong bansa at ibayo pang bubuti ang kanilang pamumuhay.

Si Wang Junhua ay isang karaniwang retiradong manggagawa ng Beijing. Mayaman ang kanyang pang-araw-aaw na pamumuhay na gaya ng pagluluto, pag-aalaga sa kanyang apo, pagshopping kasama ng kanyang asawa at aktibong paglahok sa mga aktibidad na pangkultura sa kanyang pitbahayan. Sinabi niya na salamat sa patakaran ng pamahalaan, puwede siyang makapagtamasa ng masayang pamumuhay sa nalalabing buhay. Sapul noong 2005, nagpataas bawat taon ang pamahalaang Tsino ng pensyon, lalo na sa mga retirado mula sa bahay-kalakal. Kaugnay nito, sinabi niya na

"Nagretiro ako noong 1998 at ang aking pensiyon noon ay mahigit 600 yuan RMB. Ngayon halos 2000 Yuan RMB na ito. Hindi ko kailaman ikinababahala ang gastos ng pamumuhay. Masayang masaya ako at ikinasisiya ang kasalukuyang pamumuhay."

Mahigit 40 milyong nagretirong manggagawa sa buong Tsina na tulad ni lola Wang. Sapul noong 2005, itinataas ng pamahaalang Tsino ang pensyon ng mga retirado mula sa mga bahay-kalakal nitong nagdaang 7 taong singkad.

Kaugnay nito, ipinalalagay ni Xie Ming, propesor mula sa Renmin University ng Tsina, na sa kalagayan ng masyadong mabilis na pag-unlad ng kabuhayan, isinasaayos sa angkop na panahon ng pamahalaang Tsino ang pensyon sa mga retirado mula sa bahay-kalakal. Ito'y hindi lamang nakakatulong sa paggarantiya ng pamumuhay ng naturang mga retirado at pangangalaga sa katatagan at harmonya ng lipunan, nagapapakita rin ito ng ideya ng pamahalaan na 'put people first' at ng aksyon nito sa paglutas sa mga isyu na may pinakamahigpit na kaugnayan sa mga mamamayan. Kaugnay nito, sinabi niya na

"Maraming ulit na nagpataas ang pamahalaan ng pensyon sa mga retirado. Ito'y nagpapakita ng pagbibigay-pansin nito sa isyu ng pamumuhay ng mga mamamayan at ideya ng paglilingkod para sa mga mamamayan. Sa kasalukuyang kalagayan na mabilis na pagtaas ng presyo ng mga paninda, ang pagpapataas ng pensyon ay nagpapabuti ng kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at nakakatulong sa pagpapasulong ng pangangailangang panloob."

Sapul nang isagawa ng pamahalaang Tsino ang patakaran ng pagpapataas ng pensyon ng mga retirado mula sa bahay-kalakal noong 2005, ang patakarang ito ay malawakang tinanggap ng iba't ibang sirkulo ng lipunan. Gayuman, sa nakaraang mahabang panahon, malaki ang agwat ng pensyon at iba pang mga kapakanan sa pagitan ng mga retirado mula sa mga bahay-kalakal, departamento at organisasyon ng pamahalaan. Kaugnay ng isyung kung papaanong mapapaliit ang agwat na ito, ipinalalagay ni propesor Xie na kailangan pang magkasamang magsikap ang pamahalaan at lipunan para rito. Sinabi niya na

"Nagbigay ang naturang mga retirado ng malaking ambag para sa pag-unlad ng lipunan at kabuhayan, pero hindi masyadong mataas ang kanilang pensyon, ito'y malaking isyung panlipunan. Kahit gumawa ang pamahalaang Tsino ng malaking pagsisikap para sa isyung ito, sa tingin ko, kakailangan pang pataasin nang mas malaki ang pensyon ng mga retirado. "

Ang isyu ng mga matatanda ay isang mahalagang isyung panlipunan ng Tsina. Para sa naturang mga retirado, hindi lamang dapat pataasin ang kanilang pensyon, kundi dapat pa lutasin ang mga kahirapan nila sa ibang mga larangan. Kung gayon, magiging mas matatag at maharmonya ang buong lipunan.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>