Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi'an, umaasang maisasagawa ang pakikipagpalagayang panturista sa mga bansang ASEAN

(GMT+08:00) 2011-01-26 18:19:59       CRI

Isang taon na ang nakararaan sapul nang isaoperasyon ang China-ASEAN Free Trade Area o CAFTA. Noong isang taon, nakalikha ang Tsina't ASEAN ng iba't ibang rekord sa kasaysayan sa aspekto ng kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan. Ang Xi'an, punong lunsod ng Lalawigang Shaanxi sa hilagang kanluran ng Tsina, ay isang matandang lunsod na lipos ng kasiglahan, kasabay ng pagsasagawa ng inobasyon sa pag-unlad ng kabuhayan, inaasahan ng naturang matandang lunsod na magkakasamang mapapalalim ang pagpapalitan nila ng mga bansang ASEAN sa yamang pangkultura at panturista.

Noong sinaunang panahon, naging sentro ng pulitika, kabuhayan at kultura ng Nasyong Tsino ang Xi'an. Nag-iwan ang mahabang kasaysayan ng masaganang yamang pantursita sa lunsod na ito. Bilang isa sa mga kilalang lunsod na panturista sa Tsina, ang Xi'an ay hindi lamang mahalagang pinupuntahan ng mga manlalakbay ng Timog Silangang Asya, kundi pinanggagalingan ng manlalakbay rin para sa mga bansa sa Timog Silangang Asya. Kaugnay nito, inilahad ni Ginoong Zhou Aiquan, direktor ng Kawanihan ng Turismo ng Xi'an na,

"Para sa mga manlalakbay na Tsino, lalong lalo na, mga manlalakbay mula sa kanlurang Tsina, ang pinakakaakit-akit na tampok ng mga bansang ASEAN na gaya ng Malaysia at Indonesya ay ang tanawing pandagat nila. Ang Xi'an naman ay kumakatawan sa kasaysayan at kultura ng Tsina. Para sa mga dayuhang manlalakbay, kung gusto nilang malaman ang kasaysayan at kultura ng Tsina, ang Xi'an ay karapat-dapat na puputahan."

Bilang isang mahusay na lunsod na panturista, dapat pataasin ang performance to price ratio ng mga produktong panturista sa lokalidad, lalong lalo na, ang ginhawa ng trapiko, para makahikayat ng mas maraming bisita. Isinalaysay ni Ginoong Zhou Aiquan na sapul nang itatag ang CAFTA, unti-unting naisakatuparan ang direktang flight sa pagitan ng Xi'an at mga bansang ASEAN, bagay na nakapagpasulong ng pag-unlad ng turismo ng Xi'an.

"Noong nakaraang Marso, naisaoperasyon ang direktang flight sa pagitan ng Xi'an at Kuala Lumpur, Bangkok at Singapore, mahalagang mahalaga ang katuturan ng pangyayaring ito. Buong lugod na nakikita naming salamat sa magkasamang pagsisikap ng kapuwa panig, nagiging istandardisado ang pamilihan, matatag na bumababa sa kabuuan ang presyo, bagay na direktang nakakapagpasulong ng pagbibisitahan ng mas maraming manlalakbay ng kapuwa panig."

Idinagdag ni Ginoong Zhou na,

"Noong 2009, umabot sa 27600 person-time ang bilang ng mga manlalakbay ng ASEAN sa Xi'an; noong unang 11 buwan sapul nang itatag ang CAFTA, umabot na sa 28900 person-time ang bilang na ito at lumitaw ang tunguhin ng malinaw na paglaki. Kasabay nito, sa kalagayang walang humpay na dinaragdagan ang bilang ng mga bansang mapupuntahan ng mga manlalakbay na Tsino, mas maraming taga-Xi'an ang naglalakbay sa 10 bansang ASEAN."

Binigyan ni Zhou Aiquan ng mataas na papuri ang katuturan ng paglagda ng kasunduan sa malayang kalakalan ng Tsina't ASEAN para sa industrya ng turismo ng Xi'an. Anya, ang mga bisitang komersyal ay mahalagang bahagi ng pagpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayan ng isang lugar na pantursita, pero maliit ang proporsyon ng bisitang komersyal ng Xi'an, unti-unting pabubutihin ng pagtatatag ng CAFTA ang kalagayang ito.

"Kahit matatag na lumalaki ang bilang ng mga manlalakbay sa Xi'an, maliit ang proporsyon ng mga bisitang komersyal. Ang paglagda ng kasunduan sa malayang kalakalan ng Tsina't 10 bansang ASEAN ay makakapagpasulong ng kooperasyon ng mga mahahalagang lunsod sa gawing kanluran ng Tsina at mga bansang ASEAN, makakapagpataas ng digri ng promosyong panlabas at makakapagpaunlad din ng kabuhayang panlabas, sa gayo'y makakapagpasulong din ito ng pagtaas ng bilang ng mga bisitang komersyal sa Xi'an."

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>