|
||||||||
|
||
Lele and Andrea: magandang gabi po. Magandang gabi kuya Ramon.
L: Alam mo ba, Andrea, kung ano ang mainit na usap-usapan ng mga these days?
A: Naku, marami, ah…
R: Hindi. Siguro ang ibig sabihin ni Lele, ay iyong pinakamainit o kung hindi naman e iyong talagang laman ng usapa n sa bawat kanto, hahaha. Ano ba sa tingin mo, Lele?
L: Cellpone.
R: Woah! Iyong tungkol dun sa pagpapakita ng identification card o whatever, sa pag-a-apply para sa telecommunication service?
L: Opo. Mobile Phone Identification Policy.
A: Wow! Updated ka sa mga balita, ha, Kuya Ramon?
R: Hehehe…Hindi, nagkataon lang na alam ko. Ang totoo,marami akong hindi alam, hahaha… Pero may balita ang ating Filipino Service hinggil diyan. Pakinggan muna natin.
Mula unang araw ng buwang ito, dapat ipakita ng mga mamamayang Tsino ang kanilang ID card kung mag-a-apply sila para sa lahat ng tele-communication services na gaya ng mobile phone, landline, broadband internet at iba pa. At para naman sa mga dayuhan, at least dapat ipakita ang passport kung walang ibang ID.
Napag-alamang ang hakbanging ito ay naglalayong mapigilan ang pagkalat ng spams at pornographic at fraudulent messages or calls.
A: Sa tingin ko, okey itong regulation na 'to! Alam ba niyo na halos araw-araw ay nakakatanggap ako ng kung anu-anong mensahe? Mga trash message ba. Minsan nga, sa maghapon lang marami kang maiipong ganyang mga mensahe, eh. Nakakainins!
R: Anu-ano naman ang laman ng mga mensahe? Baka naman may mga gusto lang makipagkaibigan sa iyo, o baka naghahanap ng makaka-teksmate?
A: Hindi, ah! Mga Ads galing sa real estate agencies, nag-aalok ng trabahao, o mga fake receipt, fake money, guns…etc.
L: Ako rin nakakatanggap ng mga tawag mula kung kani-kanino at kung anu-anong number. Kesyo nanghihiram daw ng pera, e di ko naman sila kilala. Wika nga, spam Talagang spam. Siguro nagbabakasakali baka makalusot.
R: Naku, huh. Ingatz tayo. Ingatz
A: Oo. Kaya nga kung maipapairal ang regulasyon na 'to, mapipigilan ang mga manloloko at mga manlilinlang na gawin ang kanilang mga binabalak.
R: May point ka diyan!
L: Mahirap lang pero tiyak namang makakakuha ng permission kung ipapakita ang ID card. Madali ring mag-aplay para sa serbisyo at hindi mahigpit ang proseso. Kung mag-aplay ako para sa isang cellpone number, puwede rin itong magamit ni Andrea.
A: Kahit mahirap, dapat din nating subukin. Bukod sa pag-a-aplay para sa tele-communication services, kasabay ng kahusayan ng 3G, mas maraming value-added services ang mangangailangan ng user authentication. Ito ang simula ng pagtatatag ng sistema ng kredito na mobile.
L: Ramon, may ganyang regulasyon ba sa Pilipinas?
R: Kung post-…, kailangan. Kung bayad bawat buwan, hindi.
L: Ang isa pang problema ng naturang regulasyon ay kapital-gugulin.
R: Mataas ba ang capital-gugulin?
L: Oo. Kasi mahigit 300 milyong users ang hindi pa gumamit ng ID card nang mag-aplay sila noon para sa serbisyo.
R: So, kailangan nilang mag-register.
A: Sang-ayon ako dito. Pero, sa pangmalayuang pananaw, mabisa nitong mapipigilan ang maliciously owing fees.
R: Sa pangmalayuang prospective, makakabuti ito sa mga tele-communication companies.
A: Totoo.
L: Hinggil sa paska sa gabing ito. Kinapanayam pa ni Kuya Ramon ang aming mga kaibigang Pilipino, pakinggan natin kung ano ang kanilang palagay hinggil dito.
R: At diyan nagtatapos ang discussion sa gabing ito, discussion ng aming tatlo, pero hindi natapos pa ang discussion para sa inyo. Kung mayroon kayong anumang palagay o mungkahi hinggil sa mobile phone identification policy, welkam sa inyong message o calls sa amin…
A: Maraming salamat po sa inyong walang sawang pakikinig.
L: Good night.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |