Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Spring Festival, nagtitipun-tipon ang buong pamilya ng Tsina

(GMT+08:00) 2011-02-01 10:45:42       CRI

Ang ika-2 ng Febrero ng 2011 ay spring festival eve sa lunar calendar ng Tsina at sa susunod na araw, ika-3 ng Febrero, ang Tsina ay pumasok sa taon ng kuneho ng lunar calendar at ang araw na ito ay spring festival, isa sa mga pinakamahalagang tradisyonal na pestibal ng Tsina.

Para sa mga mamamayang Tsino, ang pestibal na ito ay nangangahulugan ng pagtitipun-tipon ng buong pamilya, kaya, saan man sila naroroon, dapat umuwi ang mga mamamayang Tsino sa tahanan ng kanilang mga magulang para magkakasamang magpalipas ng pestibal na ito. Bukod dito, ang pestibal na ito ay mahalagang araw para idalangin ng mga mamamayang Tsino ang pagiging mas maganda at masaya ng kanilang pamumuhay sa bagong taon. Kaya, ang spring festival sa Tsina ay parang Christmas sa mga bansang kanluranin.

Sa ideya ng mga mamamayang Tsino, ang pamilya ay nagsisilbing pundasyon ng lipunan at ang hapunan sa spring festival eve ay itinuturing na mahalagang paraan sa pagpapakita ng paggagalangan at pag-ibig ng mga miyembro ng pamilya sa isa't isa at pagpapahigpit ng ugnayan nila. Sa hapunang ito, nagtitipun-tipon ang buong pamilya. Masayang masaya ang mga magulang na makita ang lahat ng kanilang mga anak na nakatabi sa kanila at para sa mga anak naman, puwede samantalahin ang pagkakataong ito para magpakita ng kanilang pagmamahal sa mga magulang. lDahil palagiang pinahahalagahan ang harmonya ng pamilya at debosyon sa mga magulang sa kulturang Tsino, ang hapunang ito ay may mahalagang katuturan para sa mga mamamayang Tsino.

Katulad ng di-mawawalang turkey, smoked and cooked ham at red wine sa Christmas dinner, sa hapunan ng spring festival eve, hindi dapat walang dumpling sa dakong hilaga ng Tsina at wonton at sweet dumpling sa dakong timog ng Tsina. Sa tradisyonal na kaugaliang Tsino, ang mga pagkaing ito ay nagpapahiwatig na maganda ang lahat ng bagay-bagay, makapiling ang mga miyembro ng pamilya at masaya ang pamumuhay.

Bukod dito, para sa mga mamamayang Tsino, ang hapunan sa spring festival eve ay isang mahalagang pagkakatoan din para magkuwentuhan ang mga miyembro ng pamilya at magbahaginan ng kani-kanilang karanasan noong isang taon.

Kasunod ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino at pagtaas ng lebel ng pamumuhay ng mga mamayang Tsino, naging masagana ang mga putahe ng hapunan sa spring festival eve na gaya ng mga isda, hot pot, karne, prutas at snack. Gayuman, gusto ng mas maraming mamamayang Tsino na maghapunan sa restawran sa spring festival eve. Bukod dito, maaaring humiling sa mga restawran na ipadala ang mga pagkain sa tahanan. Si Ms Zhao ay taga-Beijing at gusto ng kanyang pamilya na maghapunan sa restawran sa spring festival eve. Sinabi niya na

"Noong unang panahon, naghapunan ang aking pamilya sa loob ng bahay sa spring festival eve, pero pagod na pagod ang paghahanda para sa hapunan at paglilinis pagkatapos nito. Sa taong ito, ipinasiya ng aming pamilya na kumain sa restawran sa spring festival eve, kasi normal na tumaktabo ang mga restawran sa araw na iyan, maaari pa kaming kumain ng mga pagkain na may katangian ng iba't ibang lugar ng Tsina at hindi kailangan namin ang paghahanda at paglilinis para rito. Gayuman, ang mas mahalagang bagay ay puwede pagsamahin ang aming pamilya para ipagdiwang ang iyong mahalagang pestibal."

Oo nga, para sa mga mamamayang Tsino, ang pinakamahalagang bagay sa spring festival ay makapiling ang buong pamilya.

Halimbawa, si lola Zhang at ang kanyang asawa ay nakatira sa Yinchuan ng rehiyong awtonomo ng Ningxia ng Tsina, pero ang 2 anak na lalaki nila ay nagtatrabaho at namumuhay sa Beijing. Dahil pagod sa trabaho, puwede pumunta ang kanilang mga anak at manugang sa Yinchuan sa spring festival. Sinabi ni lola Zhang na bago ang pestibal na ito, naghanda na sila ng kanyang asawa para magkakasamang magpalipas sila ng kanyang mga anak at manugang sa pestibal na ito. Sinabi niya na

"Dahil abalang-abala ang aming anak, walang bakasyon sila para umiwi sa Yinchuan sa karaniwang araw at iilan beses naming pinuntahan sila sa Beijing. Dahil ang spring festival ay mahalagang tradisyonal na pestibal ng Tsina at tiyak na silang umuwi para sa pestibal na ito. Umaasa kaming magpapalipas ang buong pamilya sa pestibal na ito at nagpapahiwatig ito na magkasiya-siya ang pamumuhay sa buong taon."

Para sa naturang mga matatanda na may mga anak na nagtatrabaho sa ibang purok, umaasa sila lamang na malusog ang kanilang mga anak, maayos ang trabaho at uuwi para magpalipas ng spring festival. Gayuman, para sa mga batang Tsino na nagtatrabaho sa ibang purok, palagiang pinauukulan nila ng malaking pansin ang kalagayan ng kanilang mga magulang at saan man sila naroroon, buong sikap silang umuwi para makapiling ang kanilang mga magulang sa spring festival.

Bukod sa mga batang Tsino na nagtatrabaho sa ibang mga purok, marami pa ang mga mamamayang Tsino sa ibayong dagat na hindi kayang umuwi sa spring festival. Sa kabutihang-palad, kasunod ng mabilis na pag-unlad ng siyensiya, teknolohiya at kabuhayan ng Tsina, unti-unting kumakalat ang internet sa libu-libong pamilya ng Tsina at sa gayo'y lumitaw ang isang bagong uri ng paraan para sa pagsasamahan ng buong pamilya, ito ang pagbati para sa spring festival sa pamamagitan ng mga instant messaging software na gaya ng MSN, QQ at iba pa.

Si Fan Hualiang ay matagal na nagtatrabaho sa isang bahay-kalakal ng Tsina sa Ehipto. Dahil pagod sa kanyang gawain, hindi kaya niyang bumalik sa loob ng bansa sa spring festival ng taong 2011. Pero, balak niyang magkaroon sila ng kanyang magulang ng isang online conversation sa spring festival eve. Sinabi niya na

"Sa spring festival eve, makikita ko ang aking 1 taong gulang na anak, asawa, mga magulang at kamag-anak sa pamamagitan ng audio service ng MSN at maghuhuntahan kami. Kahit malayo ako sa kanila, pero sa pamamagitan ng internet, ako ay parang nasa paligid nila."

Sa sandaling ito, nag-eenjoy ang mga pamilya ng Tsina ng isang masayang festival season at siguro may mga tao ay nagmamadali sa kanilang biyehe papunta sa kanilang lupang tinubuan. Umaasang maligtas at maagad na uuwi ang bawat mamamayang Tsino para magpalipas ang buong pamilya ng isang masasayang spring festival.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>