Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Barbecue vendor, nakaantig ng netizens ng Tsina

(GMT+08:00) 2011-02-15 14:31:46       CRI

Si Arim ay isang Chinese Uygur na nagtitinda ng barbecue sa lunsod ng Bijie ng lalawigang Guizhou sa dakong timog kanluran ng Tsina. Dahil sa kanyang pagbibigay-tulong sa mga mahihirap na estudyante at kasunod ng pagkalat ng kanyang mga karanasan sa pamamagitan ng internet, siya ay naging bayani sa puso ng mga mamamayang Tsino.

Si Arim ay 39 na taong gulang at siya ay mula sa bayan ng Hejing ng rehiyong awtonomo ng Xinjiang ng Tsina. Nagpunta siya sa Bijie noong 2001, at noong bagong dating pa lamang siya doon, hindi siya kaagad nakakita ng trabaho at medyo mahirap ang kanyang buhay. Pero, sa tulong ng isang mamamayang lokal na hindi niya kilala, nakapagtinda siya ng barbecue na siya niyang ikinabubuhay. Sa kanyang pakikipag-ugnayan sa mga mamamayang lokal, naramdaman ni Arim ang kanilang kabaitan.

Dahil dito, ipinasiya ni Arim na magbigay-tulong sa mga mahihirap na estudyante sa lokalidad bilang pagganti ng utang na loob sa lipunan. Si Zhou Yong ay isa sa mga mahihirap na estudyante ng Bijie University na laging tinutulungan ni Arim sa pera. Sinabi ni Zhou na:

"Ako ay isa lamang sa mga mahihirap na estudyanteng tinutulungan ni Arim. Nakikinabang din ako nang malaki sa diwa ni Arim na ang mga tao ay dapat umasa sa sarili at magbigay-tulong sa iba."

Noong 2006, nag-abuloy si Arim ng 5000 yuan RMB sa Bijie University para tulungan ang mga mahihirap na estudyante doon at ang pondong ito ay ipon mula sa kanyang araw-araw na pagtitinda ng barbecue. Kaya, ang kanyang kilos ay nakaantig sa mga guro ng Bijie University at ginamit nila ang pondong ito para itatag ang "Arim's Students Fund". Sinabi ni Tang Yuhua, namamahalang tauhan ng pamantasang ito, na:

"Karamihan sa mga pera na ibinibigay namin kay Arim ay barya-barya lang at may kasama pang amoy ng barbecue. Sa Bijie, 50 cent RMB ang isang barbecue, kaya ang pera na ito ay nangangailangan ng mahabang panahon para ipunin.."

Sapul noong 2006, natutulungan ng Arim's Student Aid ang 20 mahihirap na estudyante bawat taon at dahil maraming tao ang tumutulad sa aksyon ni Arim na nag-aabuloy ng pera sa Bijie University para tulungan ang mga estudyanteng walang pantustos sa pag-aaral, ang pondong unang naiabuloy sa paaralang ito ay nagsampung ibayo.

Sapul noong 2001 nang dumating si Arim sa Bijie, 80% ng kita niya na nagkakahalaga ng mahigit 100 libong yuan RMB ay ginagamit niya para tulungan ang mahigit 100 mahihirap na estudyante. Bukod dito, aktibo rin siyang nag-aabuloy para sa mga mamamayang nasalanta ng kalamidad sa iba't ibang purok ng Tsina. Halimbawa, sa malakas na lindol sa Yushu ng lalawigang Qinghai ng Tsina na naganap noong 2010, nag-abuloy siya ng 8 libong yuan RMB na halaga ng relief supplies para sa nilindol na purok at lumahok siya mismo sa gawaing panaklolo doon.

Sa kasalukuyan, nakatira si Arim sa isang 40 metro kuwadradong bahay at simple lang ang kanyang pang-araw-araw na pamumuhay. Pero, ang gawain niya ay nakakaantig sa mga mamamayang lokal at ng buong bansa. Kasunod ng pagkalat ng kanyang karanasan sa internet, nag-uunahan ang mga netizen sa pagpapadala ng e-mail para purihin siya. Sinabi ng isa sa mga netizen na:

"Dapat tularan namin ang aksyon ni Arim na buong sikap na nagbibigay-tulong sa mga taong nangangailangan ng tulong."

Sa kasalukuyan, kilala si Arim ng halos lahat ng mga mamamayan sa Bijie at mabiling mabili ang kanyang barbecue. Gayuman, patuloy pa rin siyang nagbibigay-tulong sa mga mahihirap na estudyante. Dahil sa kanyang ipinakitang halimbawa, ang mga estudyante sa lokalidad ay natutong aktibong makilahok sa mga gawain ng pagpapaganda ng kapaligiran ng lunsod at pagtulong sa kapuwa.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>