|
||||||||
|
||
Magandang magandang gabi po, mga kaibigang Pinoy. Magandang gabi Pilipinas. Linggo na naman ng gabi at tuwang-tuwa si Ate Sissi, ang inyong super happy DJ, na makapiling kayo sa kanyang programang Pop China.
Mula noong Huwebes, ika-20 ng Enero, nagsimula na ang Spring Festival travel season sa Tsina. Ayon sa pagtaya, aabot sa 2.85 bilyong person/tme ang naglalakbay sa iba't ibang lugar ng Tsina. That means, mahigit 2 beses ang bawat Tsino. Actually, bukod sa mga turista, ang nakararami ay migrant workers na kinabibilangan ni Sissi. Hindi sa lahat ng panahon makakauwi tayo sa ating lupang tinubuan lalo na kung nagtatrabaho tayo sa ibang lugar ng bansa. Pero, sa Lunar New Year, panahon ng family reunion, wala tayong ibang naiisip kundi umuwi, umuwi at umuwi nang mas maaga at mas madali. Baka hindi alam ng mga dayuhan ang mga bagay na ito, pero, para sa mga pinoy, lalong lalo na sa mga overseas Filipinos, tiyak na ganung-ganon ang nararamdaman nila kung papalapit ang Pasko. OK, sana mananatiling ligtas at maalwan ang kanilang landas patungo sa kani-kanilang pamilya.
Balik tayo sa Music Time~ Mula noong isang linggo, magkakasunod na binabalik-tanaw natin ang mga super, super winner ng Super Voice-- pinakamalaki at pinakasikat na singing contest ng Chinese mainland para sa mga babae-- at kanilang popular na popular na obra. Tuloy tayo sa pagsasalaysayn hinggil sa kanila.
Si Laure Shang ay naging kampeon sa Super Vioce noong araw. Bago pumasok sa sirkulong musikal, siya ay nagsilbi bilang isang propesyonal na tagasalin sa Pranses at pagkaraang kantahin ang French version ng theme song ng sikat na pelikulang "If You Are the One," na prinodyus ni Xiaogang Feng natamo niya ang mainit na pagtangap ng mga kompanyang Pranses. Naging endorser ng maraming French Brands na tulad ng BAILEYS at Guy(gy) Laroche. Noong Shanghai World Expo, bilang isang taga-shanghai, tinanggap niya ang paanyaya ni Jean(shon)-Francois(franshua) Maljean(malshon), sikat na musican ng Belgium para kumanta ng theme song ng Belgium Pavillion ng Shanghai World Expo-"Our Song" na sinulat sa Chinese, English at French.
Kumpara kay Laure, napakapropesyonal ni Sitar Tan. Noong 16 na taong gulang pa lamang, pumasok na si Sitar sa music school at natutuhan mula sa sikat na professor ang pagkanta ng mga folk song, at bago pa man lumahok sa Super Voice, nagdaos na siya ng pribadong konsiyerto sa kanyang lupang-tinubuang Sichuan. Hanggang noong taong 2006, nang maging second placer sa Super Vioce, nagsimula siyang kumanta ng pop music at natamo niya ang mainit na pagtanggap ng mga kabataang Tsino. Ang pinaka-interesting sa lahat, noong maging "big star" na siya, madalas siyang bumisita sa homes for the elderly at orphanages. Minsan, habang nagsasagawa siya ng charity work, nakatagpo niya ang aking kasamahan na si Vera. Walang media at walang sensationalization.
Ang tagumpay ni Jade Liu ay isa pa ring istori ng Super Voice winner. Siya ay third placer sa nabanggit na kontes. Habang nagsu-shoot ng isang advertisement, nasugatan ang kanyang paa at dapat siyang manatili sa ospital at pagkatapos sa bahay nang kalahating taon. Pagkaraan, sumapi siya sa bagong music company at naging kasamahan ng S.H.E. at Wu Zong. Sa bagong idol drama ng S.H.E., nakita ninyo ang performance ni Jade bilang kalaban sa pagmamahalan ni Ella. Kasabay nito, narinig din ninyo ang theme song na "idolatry" na kinanta niya. Ito ang isa sa mga pinakapaborito kong background music. Siyembre, pamilyar na pamilyar kayo sa kantang ito, di ba?
Bago lumahok sa Super Vioce, si Laure ay isang propesyonal na tagasalin sa Pranses, si Sitar ay isang prepesyonal na singer at si Jade liu ay isang intern student sa TV station. Pero, ang paglahok sa Super Voice ay nagpabago sa kanilang destiny. Bagama't bata pa sila at merong iba't ibang posibilidad, sumasagi rin sa isip nila sina Auti Susan at Paul Potts, winner ng Britain's Got Talent. Kung magsisisi sila sa kinabuksan o hindi dahil nawala ang happiness bilang isang karaniwang tao, only they themselves know it. Ok, anong masasabi ninyo sa mga TV show, singing contest. Welkam na ibahagi ang inyong wisdom kay Sissi sa pag-iwan ng mesahe sa aming website:Filipino.cri.cn o pagteteks sa 09212572397.
diyan natatagpos ang progremang Pop China ngayong gabi, I am just thinking, kung idadaraos ng CRI ang kaparehong singing contest, lalahukan ba ninyo? God Bless, love you all.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |