Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Output ng pagkaing butil, matatag sa taon ng tagtuyot

(GMT+08:00) 2011-02-17 18:39:37       CRI

Alam ng mga magsasaka sa Hilagang Tsina na pagkaraan ng Spring Festival, ang mga punla ng mga pangunahing panamin ng pagkain butil ay pumasok na sa panahon ng mabilis na paglaki, kaya, malaki ang pangangailangan sa tubig. Pero, mula noong Oktubre hanggang ngayon, nananatiling tuyot ang rehiyong ito na pinagtatamnan ng trigo. Nitong 7 nakalipas na taong singkad, nagkaroon ang Tsina ng masaganang ani. Sa taong ito, maaapektuhan ba ng tagtuyot ang output ng pagkaing butil? At anu-anong mga hakbanging isasagawa ng pamahalaang Tsino?

Ang propinsiyang Heilongjiang sa dulong hilaga ng Tsina ay pinakamalaking base ng produksyon ng butil ng bansa. Sa panahon ng pag-aani sa taglagas noong 2010, maagang dumating sa pamilihan ng pagkaing butil si Chang Zhan, isang magsasaka sa Heilongjiang. Sinabi niyang:

(sound 1)

"Medyo mabuti ang output, kung ikukumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon. Kikita kami sa taong ito ng mahigit 40 libong yuan RMB. "

Noong 2010, ang kabuuang output ng pagkaing butil sa Tsina ay umabot sa 540 milyong tonelada at lumikha ng rekorda sa kasaysayan. Ang masaganang ani ay di-lubos-maisip ni Chang Zhan, dahil ang Heilongjiang ay naapektuhan ng malamig na klima at pagbaha sa tagsibol ng taong iyon.

Sa taong 2010, paunlit-unlit na naganap ang mga likas na kalamidad, hindi lamang sa Heilongjiang, kundi maging sa iba pang mga lugar. Pero, naisakatuparan noong isang taon ang paglaki ng output ng pagkaing butil sa ika-7 taon. Bukod dito, nananatiling mabilis ang paglaki ng kita ng mga magsasaka nitong nagdaang 7 taong singkad. Papaanong naisakatuparan ang kapuwa paglaki ng output ng pagkating butil at kita ng mga magsasaka? Ayon kay Han Changfu, Ministrong Agrikultural ng Tsina :

(sound)

"Sa madaling sabi: salamat sa mga patakaran, salamat sa siyensiya at salamat sa pagdaragdag ng laang-guguling."

Nitong 5 taong nakalipas, tuluy-tuloy na ipinalabas ng sentral na pamahalaan ang isang serye ng preperensiyal na patakaran para sa mga magsasaka. Noong 2006, tinanggal ng Tsina ang lahat ng buwis sa agrikultura at samantala, itinatag din ang sistema ng pagbibigay ng subsidy sa mga magsasaka.

Sa nakaraan, ang tradisyonal na produksyong agrikultural ng Tsina ay may kahinaan. Lubos na umaasa ito sa lagay ng panahon at mababa ang kakayahan laban sa panganib. Nguni't, nitong ilang taong nakalipas, unti-unting pinabubuti ang produksyong agrikultural ng Tsina sa aspekto ng paggamit ng maknarya sa pagsasaka.

Ipinahayag ni Han Changfu, Ministro ng Agrikultura ng Tsina na noong 2010, ang contribution rate ng siyensiya at teknolohiya sa produkasyon ng pagkaing butil ay mahigpit sa 52% at ito'y isang palatandaan na pumasok na ang industriyang agrikultural ng Tsina sa yugto ng mechanization.

Ang paglaki ng kabuuang output ng pagkaing butil ay nakapagpahupa sa presyur ng implasyon ng Tsina sa iba't ibang digri. Noong 2010, ang Consumer Price Index (CPI) ng bansa ay lumaki ng 3.3% kumpara sa gayun ding panahon ng taong noong 2009, at halos 70% ng pagtaas na ito ay dulot ng pagtaas ng presyo ng pagkain. Ang pagtaas ng presyo ng mga produktong agrikultural, lalu-lalo na ang magkakasunod na pagtaas ng presyo ng trigo, mais at bigas ay lumikha ng bagong rekord sa kasaysayan. Ang balita ng masaganang ani ay nakabawas sa pagkakagulumihanan ng pamilihan sa kakulangan ng suply ng butil at sa patuloy na pagtaas ng presyo, at sa gayo'y, naigarantiya ang katatagan ng presyo ng pagkaing butil.

Samantala, salamat sa pagtaas ng presyo ng pagkaing butil, ang karaniwang kita ng mga magsasaka ng Tsina noong isang taon ay lumaki ng 766 yuan RMB bawat tao at ang aktuwal rate of increase ay umabot sa halos 11%. Pero, ang garantiya ng paglaki ng kita ng mga magsasaka at pagpapatatag ng presyo ng pagkain ay siguro may kontradiksyon.

Tungkol dito, ipinahayag ni Zheng Fengtian, propesor mula sa Renmin University ng Tsina na ang pagtaas ng presyo ng pagkaing butil na ito ay sumailalim sa "restorative raising". Aniya:

(sound)

"Tumaas ang suweldo ng migrant workers sa lunsod, tumaas din ang presyo ng lupa at hilaw na material at kung hindi tataas ang presyo ng pagkaing butil, relatibong bababa ang kita ng mga magsasaka. Sa tingin ko, ang pagtaas ng presyo ng butil ay restorative raising."

Kahit may patuloy na paglaki ng output nitong ilang taong nakalipas, nahaharap naman ang produksiyong agrikultural ng Tsina sa mga problema na kailangang lutasin. Noong 2010, sa napakagrabeng tagtuyot sa timog kanluran ng bansa at pagbaha naman sa iba pang lugar, lumitaw ang kahinaan na atrasado ang mga instalasyo ng patubig.

Ipinahayag ni Chen Xiwen, deputy director general ng Central Leading Group on Rural Work ng Tsina na:

(sound )

"Sa harap ng tagtuyot at pagbaha, napag-iiwanan ang mga instalasyon ng patubig at mababa ang kakayahan laban sa likas na kalamidad."

Noong unang dako ng taong 2011, ipinalabas ng sentral na pamahalaan ng Tsina ang na "Kapasiyahan hinggil sa pagpapabilis ng reporma sa patubig——unang dokumenton sa taong ito" . Ayon sa dokumentong ito, ginagawang pinakamahalagang tungkulin ng pagpapaunlad ng agrikultura ang konstruksyon ng instalasyon ng patubig at palalakihin ang laang-gugulin para sa instalasyon ng patubig sa sakahan.

Ipinalalagay ng mga eksperto na ang pagbibigay ng subsidy sa instalasyon ng patubig para sa pagsasaka ay makakapagpagaang sa pasanin ng mga magsasaka at ang konstruksyon ng instalasyon ng patubig ay makakatulong sa pagbawas ng pinsalang dulot ng likas na kalamidad.

Samantalang ipinapalabas ang naturang dokumento, kumakalat naman ang tagtuyot sa lalawigang Shangdong, Shanxi, Heibei at Henan, mga panguhaning rehiyong nagpoproduse ng pagkaing butil at ang kalagayan ng tagtuyot ay may malaking posibilidad na makakaaepekto sa output ng butil sa tag-init ng taong ito. kahit mayroon paglaki ng output ng Tsina noong nakaraang 7 taon, hindi madali ang pagsasakatuparan ang patuloy na masaganang ani sa taong ito. ipinahayag ni Tang Renjian, deputy director of the Central Rural Work Leading Group na, upang panatilihin ang tunguhin ng paglaki ng output ng butil, dapat gawing prayoridad ang pagsasagawa ng mga hakpangin sa mga sumusunod na aspekto, aniya:

(sound)

"Patuloy na palakihin ang laang-gugulin sa agrikultura, patuloy na palakasin ang mga patakaran ng pagbibigay ng subsidy at gantimpala sa produksiyong agrikultural at gawing priyoridad ang konstruksyon ng patubig sa mga kanayunan. "

Kahit kinakaharap pa rin ng pag-unlad ng agrikultura ng Tsina ang mga kahirapan, sa Tsina na may mahigit 1.3 bilyong populasyon, ang pagpapakain ng mga mamamayan at sariling suplay ng bansa ay pagbibigay na rin ng ambag sa daigdig.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>