|
||||||||
|
||
Special Thanks Sa Mga Messagers:
919 302 3XXX: Happy Valentine's Day sa Pop China at kay Ate Sissi! Wishing you the best of luck!
921 577 9XXX: Let the love begin with your lovely music. Happy Valentine, Pop China!
0086 135 204 37XXX: Kumusta ba ang loe day sa Beijing? Happy Music playing sa Pop China!
Limang kantang inirekoment para sa this week:
"Wanted" na inawit ng ating hip-hop boy na si Will Pan.
"Homesick" na inawit ng grassroot singer na si Ren Yueli.
"Waiting for You To Love Me", classic na theme song na muling binigyan-buhay ni Eason Chan
"Naturally", Love can not be bought or sold, cannot be abandoned or picked up as you wish; make it happen "naturally", kaloob ni Tiger Wong.
"Believe in U", ang mga playboy man ay meron ding taong pinagpipitaganan, na ibinigay ni Csun Yuk Chang
Sa panahong hindi tayo magkapiling sa himpapawid, dumaan ang dalawang importanteng kapistahan. Ang una ay Valentine. HAPPY belated VALENTINE! Sana matamis ang bawat sandali at bawat minuto ng mga tagapakinig kasama ang kanilang mga loved ones. Ah, walang mga. Isa lang. Iisa lang. At ang isa pang pangunahing festival ay Lantern Festival. Noong Huwebes, pinanood ko ang maraming parol sa Qianmen Street na napakalapit sa Tiananmen Square. Mas marami pa sa parol ang mga tao noong mga oras na iyon. Sa simula, I even could not move through the crowd. Luckily, sa bandang huli, napanood ko rin ang magagandang kumukutikutitap na parol at maliwanag na buwan, at pagkatapos, kumain ng masarap na hotpot sa gabi ng tag-sibol-- na may kalamigan pa rin.
Ok, ok. Ayon sa iskedyul, limitadong limitado ang oras natin, kasi dapat na mai-recommend ko ang limang Chinese hottest hits ngayong gabi. Habang nag-e-enjoy ang lahat ng mga mamamayan ng kanilang Spring Festival holiday, wala rin namang pahinga ang mga Pop Star at nag-publisize sila ng maraming hottest hits. Kasiyahan natin…~
Passionate na electronic sound, gagawing pang-warm-up ng Pop China ngayong gabi ang kantang "Wanted" na inawit ng ating hip-hop boy na si Will Pan. Halos dalawang taong hindi narinig, nananatiling sexy at fashionable ang kanyang boses, di ba?
Sa nagdaang special program tungkol sa evening gala ng Spring Festival, isinalaysay ko ang hinggil sa grassroot singer na si Ren Yueli. Dahil sa video clip ng kanyang gigs sa underpass na inirekord ng isang passer-by, naging popular siya sa internet, at sa bandang huli, nagkaroon ng pagkakataong mag-perform sa evening gala ng Spring Festival bilang kinatawan ng mga kabataang nagsisikap para sa kanilang pangarap. Ang naririnig niyo ay ang kanyang pinakahuling obrang "Homesick". May nagsasabing, dahil sa kanya, mas dumami pa ang nagkagustong kumanta sa underpass.
Nitong 12 taong nakalipas, o noong 1998, naging popular na popular ang isang TV Series na may pamagat na "Cherish Our Love Forever," na tinatawag na kauna-unahang tunay na idol dramang gawa sa mainland ng Tsina. Ang love story sa pagitan ng leading actor at actress ay naging isang pangunahing ala-ala ng mga kabataang Tsino na isinilang pagkaraan ng 1970s at 1980s. Sa nagdaang Valentines' Day, pagkaraan ng 12 taon, muling nagpatuloy ang love story nila sa pelikula at muling kinanta ni Eason Chan ang classic theme song nito—ang "Waiting for You To Love Me".
Dito sa Tsina, kung hindi ka nagsosolo, noong Valentine's Day, nagpunta ka sana sa sinehan at habang pinanonood ang "Cherish Our Love Forever", nag-enjoy ng pakikinig sa kantang "Waiting for You To Love Me"; pero, kung noong time na iyon, wala kang kasama, walang chocolate at roses, nakinig na lang ng kantang "Naturally" na binigyang-buhay ni Tiger Wong. Love can not be bought or sold, cannot be abandoned or picked up as you wish; you can only make it happen naturally.
Hu…finally, punta na tayo sa ating last song para sa gabing ito-- ang kantang "Believe in U" ng playboy na si Csun Yuk Chang. Ang mga playboy man ay meron ding taong pinagpipitaganan, at sa kaso ni Csun Yuk Chang, ito ay ang kanyang kapatid. Ang kantang ito ay may kinalaman sa paniniwala sa pagitan ng dalawang magkapatid na lalaki.
Mahirap patugtugin ang limang kanta sa loob ng 15 minuto at kung gusto niyong marinig nang buung-buo ang mga kanta at ang kumpletong edisyon ng aking Pop China, bumisita sa aming website:Filipino.cri.cn, sa kanan ng ating front page, makikita niyo ang linkage ng Pop China at welcome na bumoto para sa pinakapopular na kanta o singer sa pamamagitan ng pag-iiwan ng mensahe sa aming message board o pagteteks sa 09212572397. Kasabay ng kantang nagbibigay-puri sa friendship and fraternity, magandang magandang gabi po sa lahat ng mga kaibigan. See you again next week.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |