![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Ang Lalawigang Heilongjiang sa pinakahilagang Tsina ay isang mahiwagang lupa. Nagtatampok ito sa magandang likas na tanawin na gaya ng kagubatang may orihinal na ekolohiya, malaking damuhan at wet lands. Sapul noong 2009, isinasagawa ng lalawigang ito ang konstruksyon ng 12 pangunahing kilalang nayong panturista na kinabibilangan ng mga tourist spots ng Wudalianchi World Geopark, Jingpo Lake, Yabuli Skiing Resort, Ilog ng Tangwang at iba pa. Sa palatuntunan ngayong gabi, isasalaysay ko sa inyo ang ilang pinaka-katangi-tanging tampok ng naturang mga tourist spots doon.
Lawang Xingkai
Ang Lawang Xingkai sa purok-hanggahan ng Tsina at Rusya sa silangang Heilongjiang ay isang malaking freshwater lake. Pagpasok ng tagsibol bawat taon, nagsisilbing paraiso ng mga ibon ang lawang ito. Sunud-sunod na dumaan dito patungong Rusya o nag-iistay sa hene-henerasyon ang iba't ibang uri ng ibon, sa gayo'y nagiging masiglang masigla ang paglalakbay sa Lawang Xingkai. Ganito ang impresyon ng isang manlalakbay na si Guo Xiaoying sa Lawang Xingkai.
"Kahanga-hanga ang tanawin dito sa Lawang Xingkai. Hindi ko nakita ang ganito karaming ibon at ganito kalaking lawa noong nakaraan, parang dagat ang lawang ito at muling bibisita dito ako sa hinaharap kung may pagkakataon."
Bayang Duerbote
Ang taglamig ay pinakamalamig na panahon sa Lalawigang Heilongjiang, pero ang panahong ito ay nakakakita ng mas maraming paglalakbay sa hot springs doon. Nasa timog kanluran ng Heilongjiang ang Bayang Awtonomo ng lahing Mongolian ng Duerbote. Dito may pinakamalaking outdoor hot spring resort sa alpine region sa Tsina. Itinatag sa baybayin ng lawa ang mahigit sampung hot springs. Ang tubig ng mga hot springs ay nagmula sa lugar na halos 2000 metro sa ilalim ng lupa at nananatiling 45 centigrade ang temperatura nito sa apat na panahon sa buong taon. Sinabi ng isang bisita na,
"Talagang may kalamigan ang tubig nang biglang maglublob sa hot spring, pero hindi nagtatagal ay unti-unting nadarama ninyong tumataas ang temperatura at nagiging maginhawa, talagang excited na excited ang ganitong karanasan."
Wudalianchi Scenery Spots
Ang Wudalianchi Scenery Spots sa gitnang hilaga ng Heilongjiang ay mahalagang yaman na iniwan ng galaw ng bulkan sa sangkatauhan. Maganda ang bundok dito, matahimik ang tubig, nakatutuwa ang mga bukal, bato at kuweba at nagsilbi ngayon itong international tourist spots na may multi-punksyon na gaya ng paglalakbay na ekolohikal, paglilibang, pagpapalakas ng katawan at pagsasarbey na pansiyensiya at iba pa.
Ang Sakahan ng Qixing sa gitna ng Sanjiang Plain ay isa pang lugar na karapat-dapat na puntahan. Pagkakompleto ng mga pasilidad na panturista nitong nakalipas na 3 taon, inisyal na nagkaroon ang sakahang ito ng kakayahan sa malawakang pagtanggap ng mga bisita. Si Cui Linlin ay isang taga-Qixing at nagmedyor siya sa tourist marketing sa unibersidad. Dahil opitimistiko siya sa prospek ng turismo ng Sakahan ng Qixing, kaya pagkaraang magtapos sa unibersidad, bumalik siya sa lupang-tinubuan at nagbukas ng isang tindahan ng panindang panturista sa sakahan. Anya,
Magandang bulaklak sa Sakahan ng Qixing
"Marami ang pagpili ko nang magtapos sa unibersidad at may pagkakataon akong magtrabaho sa mga malalaking lunsod na gaya ng Haerbin at Dalian. Pero nakita kong napakalaki ng pagbabago ng lupang-tinubuan ko at may malaking espasyo ng pag-unlad, kaya ipinasiya kong simulan ang negosyo sa lupang-tinubuan ko. Nananalig akong magkakaroon ng mainam na pag-unlad dito."
Kung gusto ninyong maramdaman ang katangi-tanging tanawin at mahusay na serbisyong panturista, welkam sa Lalawigang Heilongjiang.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |