|
||||||||
|
||
Let the music fly, let the music shine, let the music fill the air waves on Pop China. Mga giliw na tagasubaybay, kumusta po kayo? Siyempre mabuti, di ba? Ah… kung hindi, sana masaya kayo habang nakikinig sa Pop China-iyong paboritong Chinese Pop Music na inihahatid sa inyo ni Happy DJ-S-I-S-S-I, sissi~
Noong isang beses, habang naghahanap ng ilang materyal sa Internet, nasumpungan ko ang isang website na nagtuturo sa mga dayuhan kung paano magpahayag ng pagmamahal sa Pilipino at gumawa sila ng listahan ng sampung pinaka-romantic na Tagalog phrases. Sa unang paragraph, sabi ng editor: Want to impress your Filipino girlfriend, boyfriend, husband or wife? Make an effort to learn a few romantic words and phrases in Tagalog! At bilang Filipino native speaker, alam ninyo ba kung anu-ano ang most romantic phrases na ito?.
Tingan natin:
1. Mahal kita. Most common way of saying 'I Love You.' that can be used with anyone, from your grandfather (Mahal kita, Lolo) to your child (Mahal kita, Anak).
2. Iniibig kita. This is a very dramatic way of declaring your love for someone.
3. Miss kita. Miss na miss kita. Miss kita talaga.
4. Ingat ka. It sounds so much better than the English translation. Iba iba ang pagsasalita tulad ng "Mag-ingat ka. Lagi kang mag-ingat. Ingat ka lagi."
5. May gusto ako sa iyo.
6. Gusto kita. Gusto kitang makita. Gusto kitang tawagan.
7. Iniisip kita. Lagi kitang iniisip. Iniisip kita lagi.
8. Hihintayin kita.
Nothing melts a Filipina's heart like this expression of patience.
9. Huwag kang mag-alala. Akong bahala.
Whether a small matter or a big one, tell her you'll take care of it and do! Let her sit back and relax.
10. Ikaw ang lahat sa akin. Tell her how much she means to you.
Ang lahat ng mga ito ay simple, tulad ng love itself, simple, pure and sincere.
Mga tagapakinig ng pop music maaring maging BIG STARS? Bilang pagsalubong sa second anniversary ng Pop China, mula sa Martes, magkakasunod na patutugtugin ng Pop China ang mga classic hits na binigyang-buhay ng mga karaniwang pinoy. Kung mahilig kayo sa pop music at sa pagkanta, welcome kayong magpadala ng audio file sa aming mailbox: filipino_section@yahoo.com. Pipiliin namin ang winner base sa husay ng pagkakakanta, ganda ng projection, etc. Ipagdiwang natin ang ikalawang taong anibersaryo ng Pop China sa pagkakantahan. Happy Birthday, Pop China.
Tulad ng patalastas na narinig ninyo, ang ika-14 ng Abril ay ika-2 birthday ng Pop China. Welcome kayong magpadala ng audio file ng inyong kanta o mensahe bilang birthday gift sa Pop China. Hihintayin ko.~
Ok, bilang bagong simula ng year of the rabbit, noong isang linggo, pinatugtog ko ang limang hottest hit ngayon sa Tsina at bumuto na ba kayo para sa pinakapopular na kanta sa inyong puso?
Sabi ni francy: hi kay ate sissi! pop china talaga, ha? loyalist kami!
Sabi naman ni lilibeth: kumusta, kuya rj! send my love and hello 2 ate sissi and her pop china!
Ika-3, "Believe in U", ang mga playboy man ay meron ding taong pinagpipitaganan, kaloob ng playboy na si Csun Yuk Chang.
Ika-2, classic theme song—ang "Waiting for You To Love Me" na kinanta ni Eason Chan.
Ang winner is…"Wanted" na inawit ng ating hip-hop boy na si Wilber Pan.
Kung sa MTV box, may isang uri ng kanta na popular na popular, that is, duet, partikular na, para sa mga lalaki at babae na falling for each other, dapat may isang kantang nagpapakita ng kanilang hamony at sweetness. Ngayong gabi, iri-recommend ni Sissi ang dalawang duet. Isang serious at deep love na tumagal nang mahabang panahon at nakaranas ng maraming pangyayari at paulit-ulit na pag-i-split at reunion. Isang naughty love, sariwa, bata, cute at kaibig-ibig. Eh…ano ang gusto mong unang marinig? Naughty love? Sorry, dun muna tayo sa serious at deep love.
Tulad ng kantang "Waiting for You To Love Me", "ang kantang "Because of Love" na ibinigay nina Faye Wang at Eason Chan, ay isa pang theme song ng pelikuang "Cherish Our Love Forever". Noong bata pa tayo, ang ating pag-iibigan ay walang kasing init, kaya madalas kaysa hindi ikaw lamang ang laman ng aking isipan. Sa gitna ng aking awitin, naroon ang iyong larawan at kung hindi mo natutugon ang aking mga mensahe, madali akong masiraan ng loob. Pero ngayon, tayo ay nasa hinog na gulang na para tumayo sa ating mga sarili. Kung ako ay aawit ng awit ng pag-ibig, mas kasisiyahan ko pa ito bilang musika sa halip na mag-isip tungkol sa iyo. Pero di naman ito nangangahulugan na wala na akong pagtingin sa iyo.
Bata pa, kaya, puwedeng madaling mag-fall-in-love at paulit-ulit na itanong sa sarili: What is love? Where is my love? At, Do you love me? Iyan ang "Asking For Love" na magkasamang ibinigay nina Cream Jin at Rhino. Pag naririnig ang kanilang kanta, parang bumabalik sa high school life. Sino ang iniibig mo noong panahong iyon? Pakisabi sa akin, at tiyak na sasabihin ko it sa iba.
Ok, limitadong limitado ang oras natin. Kung gusto niyong marinig nang buung-buo ang mga kanta at ang kumpletong edisyon ng aking Pop China, bumisita sa aming website:Filipino.cri.cn at welcome na bumoto para sa pinakapopular na kanta o singer sa pamamagitan ng pag-iiwan ng mensahe sa aming message board o pagteteks sa 09212572397. Welcome rin kayong magpadala ng audio file ng inyong kanta o mensahe bilang birthday gift sa Pop China. Muli, salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. Ito muli si Sissi. Ito muli ang Pop China. Bye~
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |