|
||||||||
|
||
you make me happy when skies are grey
you'll never know, dear, how much i love you.
Alam ba ninyo how much I love you? Siyempre, nararamdaman ninyo, di ba? Magandang magandang gabi po sa lahat ng mga katoto at kasangga sa lahat ng dako ng daigdig. Ito po si Sissi, iyong inyong happy Dj, at kayo ay nakikinig sa Pop China, ang inyong paboritong Chinese Pop Music. Bago ang lahat, advertisement muna…
Mga tagapakinig ng pop music maaring maging BIG STARS? Bilang pagsalubong sa second anniversary ng Pop China, mula sa Martes, magkakasunod na patutugtugin ng Pop China ang mga classic hits na binigyang-buhay ng mga karaniwang pinoy. Kung mahilig kayo sa pop music at sa pagkanta, welcome kayong magpadala ng audio file sa aming mailbox: filipino_section@yahoo.com. Pipiliin namin ang winner base sa husay ng pagkakakanta, ganda ng projection, etc. Ipagdiwang natin ang ikalawang taong anibersaryo ng Pop China sa pagkakantahan. Happy Birthday, Pop China.
Makaraan ang isang buwan, sa ika-10 ng Abril, magdiriwang ang Pop China ng kanyang second birth anniversary. Welcome kayong magpadala ng audio file ng inyong kanta o mensahe bilang birthday gift sa Pop China at may pagkakataong makatanggap ng regalo na ipapadala ng programang ito. Kung malakas ang tiwala ninyo sa inyong mga boses at music skill, puwede ninyong ipadala kay Sissi ang inyong mga kanta. Pero, kung talagang nahihiya kayong kumanta, maari na lang kayong magpadala ng audio message. Puwede rin namang kami ang magrekord ng inyong kanta o audio message sa pamamagitan ng telepono. Ang ika-2 birth anniversary ng Pop China ay isang malaking party para sa ating lahat. Kung wala kayo, wala rin kami. Hihintayin ko ang inyong lovely voice.
Kayo'y nasa China Radio International, programang Pop China na inihahatid sa inyo ng inyong happy DJ na si Sissi. Sabi ni Katrina: good shot! pop china is real good shot! i like jolin tsai and wilber pan! Sabi naman ng mobile phone user….maraming maraming salamat sa inyong walang sawang pakikinig at maraming, maraming, maraming salamat sa inyong pagkatig nitong 2 taong nakalipas. Susunod, iri-reveal natin ang limang pinakapopular na kanta para sa nakaraang linggo..
Ika-3, "Believe in U", ang mga playboy man ay meron ding taong pinagpipitaganan, kaloob ng playboy na si Csun Yuk Chang.
Ika-2, kantang "Because of Love" na ibinigay nina Faye Wang at Eason Chan. Hindi nagtatapos ang ating love sa paglipas ng panahon; mas lumalalim pa nga.
Ang winner is…"Wanted" na inawit ng hot to death na hip-hop boy nating si Wilber Pan. Walong taong nananatili sa sirkulong musikal, nakapag-publisize siya ng walong album, na ang pinaka-latest ay pinamagatang 808. Isang linggo lamang, natamo ng kanta niyang ito ang walong first places sa mga music chart. By the way, isinilang si Wilber noong Agosto ng taong 1980. totoong espesyal ang kanyang relasyon sa number 8. di ba?
Kahit hindi pa tuluyang naglalaho ang lamig ng winter sa Beijing, tahimik namang dumarating ang tagsibol ayon sa kalendaryong lunar ng Tsina at kung hihinga ka nang malalim at lalanghap ng preskong hangin, maaamoy mo ang katangi-tanging samyo ng tagsibol…ang kantang "Sa tag-sibol", actually, hindi isang bagong kanta na unang na-publisize noong taong 2009. pero, dahil sa re-interpretation ng isang bandang binubuo ng dalawang migrant workers sa katatapos na Spring Festival Evenning gala, ito ay naging hottest hit ngayon sa Tsina. Ngayong gabi, naririnig mo ang edisyong ibinigay ng original singer, pati composer nito na si Wang Feng. Sabi ng lyrics: Noong mga tag-sibol, wala akong credit card, walang 24 hour hotwater na bahay, walang kaibig na ibig na anak na babae, isang guitar lang, masayang masaya ako. One day, kung mawawala ang lahat sa akin, mananatili ang aking ala-ala hinggil sa mga nakaraang tag-sibol at kung ako ay mamamatay, please bury me sa tag-sibol. Isang a little sad na kanta, but full of memories.
Para kay Wang Feng, ang ala-ala ng noong mga tag-sibol ay katangi-tangi at para sa mga music fans, Si Show Luo, king of the dance floor, ay iisa at katangi-tangi, tuwing marinig ang tempo ng kanyang mga dance music, agarang nagiging restless ang mga toes. Pero, sa katunayan, hindi mahusay ang mga dance music ni Show Luo, kundi rin ang mga slow drags, love song niya. Ang bagong kantang "Touch My Heart" ay isang commercial jingle, easy to sing and easy to remember. Sana, tulad ng kanyang mga dance music, ma-touch din nito ang inyong mga puso.
Ok, kung gusto niyong marinig nang buung-buo ang mga kanta at ang kumpletong edisyon ng aking Pop China, bumisita sa aming website:Filipino.cri.cn at welcome na bumoto para sa pinakapopular na kanta o singer sa pamamagitan ng pag-iiwan ng mensahe sa aming message board o pagteteks sa 09212572397. Welcome rin kayong magpadala ng audio file ng inyong kanta o mensahe bilang birthday gift sa Pop China.
Sana maging bright and sunny ang inyong mood, malusog at matatag ang inyong pamumuhay, sweet at rich ang inyong love. God bless, see u next week.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |