Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Real estate ng Tsina, ano ang palagay ng mga karaniwang mamamayang Tsino hinggil dito?

(GMT+08:00) 2011-03-11 16:14:08       CRI

Ernest: Magandang magandang gabi sa iyong lahat, mga giliw na tagasubaybay. Welcome sa binagong programang Kaalaman sa Tsina ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito po si Ernest at ngayong gabi, makakapiling natin sina Joshua at ang popular na DJ ng Pop China na si Sissi. Magandang gabi, Joshua at Sissi.

Joshua: Magandang gabi, Ernest at magandang gabi sa lahat ng mga tagapakinig ng CRI

Sissi: Magandang gabi, Ernest at sa lahat din mga tagapakinig ng CRI. Inaanyayahan ko rin kayong makinigsa aking programang Pop China tuwing Linggo ng gabi.

Joshua: At maaari ring pakinggan ang Pop China sa website na filipino.cri.cn.

Ernest: Ok…ipromote na lang kaya natin ang programang Pop China.. haha

Sissy: Biro lang…Hahaha…

Ernest: Ngayong gabi, patuloy nating tatalakayin ang hinggil sa isyu ng pahabay sa Tsina. Sa kasalukuyan, idinaraos ang sesyon ng NPC at CPPCC sa Beijing at ang mga isyu hinggil dito ay malawakang pinag-usapan ng mga kinatawan ng dalawang kapulungan. Ito ay mahalagang bahagi rin ng government work report ni Premyer Wen.

Sissi: Talagang napakamahal naman ng presyo ng bahay ngayon at hindi ito makayanan ng karaniwang Chinese, kaya dapat lutasin ng pamahalaan ang isyung ito sa lalong madaling panahon.

Ernest: Tama ka diyan!!

Joshua: Pero sa tingin ko, ang mga isyu ng real estate market ay dapat lutasin sa pamamagitan ng regulasyon sa pamilihan.

Sissi: At sa tingin ko, ang pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan sa desenteng matitirahan ay tungkulin ng isang pamahalaan. Tulad ng sinasabi ni Premyer Wen sa kanyang work report, sa taong 2011, ibayo pang palalawakin ang saklaw ng indemnity apartments, patatatagin ang presyo ng mga pabahay, pabubutihin ang mga may kinalamang patakaran at pipigilan ang mga ispekulasyon sa pabahay.

Ernest: Gusto ko lang idagdag na ayon din kay Premier Wen, kung hindi mabuti ang gawain ng mga pamahalaan sa nasabing larangan, papapanagutin ang mga may kinalamang namamahalang tauhan.

Joshua: Ah, ito'y nagpapakita lamang ng determinasyon ng pamahalaang Tsino sa paglutas ng isyung ito. At bago ang sesyon ng NPC at CPPCC, nakabasa ako ng ilang balita sa internet na nagsasabing magkakasunod na isinapubliko kamakailan ng mga lunsod sa Tsina na gaya ng Beijing, Shanghai, Chongqing at iba pa ang mga tadhana na naglilimita sa pagbili ng mga bahay.

Sissi: Mukhang marami kang alam sa Tsina, ah. Alam mo naman kaya ang ibig-sabihin ng CPC at CPPCC?

Joshua: Kung hindi ako nagkakamali ang NPC ay National People's Congress at ang CPPCC nama'y Chinese People Political Consultative Conference. Tama ba?

Sissy: Korek!

Joshua: Sigurado ako diyan dahil nasabi na sa akin yan ni Ernest nung nagdaang programa e. haha

Ernest: Sa katotohanan, ang paglutas ng isyung ito ay nangangailangan, hindi lamang ng pagsisikap ng pamahalaan, kundi ng paglahok din ng NPC at CPPCC.

Sissi: Kaya ngat's nagkakaroon ng taunang sesyon upang mapabuti ang mga may kinalamang batas, makakuha ng mga mabuting mungkahi at iba pa. Dahil ang real estate ay may mahalagang katayuan sa pambansang kabuhayan at may mahigpit na kaugnayan ito sa pamumuhay ng mga mamamayang Tsino.

Joshua: Sa tingin ko, nararapat lamang na ang mga commercial action ay naaayon sa batas at hindi makakaapekto sa kapakanan ng karamihan ng tao at ang pamahalaan naman ay dapat magsabalikat ng responsibilidad sa paggarantiya ng maayos, normal at legal na commercial action. Di ba? Pero, talaga ba namang epektibo ang ginagawa ng gobyerno?

Sissi: Mahirap sagutin yan e. I think kung mataimtim na isasagawa ang naturang mga hakbangin, sa tingin ko lang, tiyak na matatamo ang magandang bunga sa hinaharap.

Joshua: Oo nga pala, ano naman ang papel ng NPC, CPPCC sa paglutas ng isyu ng pabahay?

Sissy: Ang NPC at CPPCC ay ang siyang nagsu-supervise sa mga patakarang pinapairal ng pamahalaan hinggil sa pabahay at higit pa nilang pinabubuti ang mga patakarang ito para sa ikabubuti rin ng mga mamamayang Tsino.

Ernest: Optimistiko ako sa mga ginagawa ng pamahalalaan, NPC at CPPCC, pero kailangan ng panahon para lubusang makita ang bunga ng naturang mga hakbangin. Ang nukleo ng isyung ito ay kung papaano lulutasin ng pamahalaang Tsino ang problema sa pagitan ng mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bahay at kahirapan ng mga karaniwang mamamayang Tsino sa pagbili ng bahay.

Joshua: Oo nga. Kung talagang magpapagawa ng maraming bahay ang gobyerno para sa mga karaniwang tao, sa tingin ko hindi na tataas nang biglaan ang presyo ng bahay. Siguro kailangan lang na siguraduhin ng gobyerno na ang mamimili ay totoong karaniwang tao na maliit ang kita.

Sissi: Agree ako, Dahil kung mayayaman din lang ang makakabili, aba, e, ganun din ang kalalabasan, uupa pa rin ang mga karaniwang tao.

Ernest: Tama, sana' dumating na ang panahon kung saan makakabili an ang halos lahat ng mga karaniwang Tsino ng bahay.

Sissi/Joshua: I hope so, hahahaha

(sound)

Ernest: Ok, magpapatuloy ang ating progamang Kaalaman sa Tsina hinggil sa isyu ng pabahay sa Tsina.

Ernest: Kahit marami nang nagawa ang pamahalaan para matugunan ang problemang ito, nandun pa rin ang katotohanan na mataas pa rin ang presyo ng pabahay.

Joshua: Oo nga! Curious lang ako, bilang isang karaniwang mamamayan na may katamtamang kita, ano kaya ang kanilang pananaw hinggil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pabahay? Kasi, lagi akong nakakabasa ng mga puna hinggil dito sa internet, dyaryo at iba pa, mukhang ang lahat ng mga mamamayang Tsino ay may mga compliants o kairingan hinggil dito. Umaasa pa ba sila na bababa nang malaki ang presyo nito?

Sissi: Sa tingin ko, hindi lahat ng mga karaniwang Tsino e umaasang bababa nang malaki ang presyo ng mga bahay.

Ernest: Joshua, alam mo okay lang kay Sissy kung tumaas man ang presyo ng mga apartment kasi maraming bahay iyan, eh.

Joshua: Talaga?Nakakainggit naman. Paano naman kami? Hehehe…

Sissi; Isang maliit na bahay lang, noh? Ang laki pa nga ng utang ko, eh.

Ernest: Sori…Biro lang… Ikaw naman, eh…Sa Pinas ba ganundin? Mabilis din ang pag-akyat ng presyo ng mga housing unit? Ano naman ang reaksiyon ng mga Pinoy dito?

Joshua: Sa tingin ko, unti-unti na ring tumataas, pero marami din namang ipinatatayong condo at apartment units sa Pilipinas. At para maging mas competitive, ibinebenta nila ito sa mas katanggap-tanggap na presyo. Marami ring naa-attrack na bumili kasi pwedeng hulugan.

Sissi: Hindi bale, kasi maliit na bahagi lang naman ng buong populasyon ng Tsina ang talagang nangangailangang bumili ng bahay para tirhan o kung mag-aasawa o iba pang dahilan.

Joshua: Ayon sa mga kaibigan kong Chinese, ang kanilang pamilya ay may sariling bahay o apartment, pero, sila mismo ay wala. Either na nakikitira lang sila sa mga parents nila o nagre-rent. Sabi din nila, yung mga walang apartments o nagsisiksikan sa isang maliit na apartment ay madalang.

Ernest: Sa totoo lang, ang dahilan kung bakit ang mga puna hinggil sa pabahay ay nakatutok sa napakataas na presyo sa halip ng kakulangan sa bolyum ay ang mataas na presyo ng bahay ay malaking presyur sa pamumuhay ng mga mamamayang Tsino at nakakahadlang sa kanilang pagsisikap na mapabuti ang kanilang pamumuhay.

Sissi: Tama ka, ikinababahala ko talaga ang aking utang sa pagbili ng bahay.

Ernest: Huwag kang mag-alala, kayang-kaya niyang bayaran iyon, hahaha.

Joshuaa: Alam ko na sa tradisyonal na ideyang Tsino, ang pabahay ay isang mahalagang pundamental na sangkap ng pamumuhay. Kaya, kung bababa nang malaki ang presyo nito, siguro malaki ang maitutulong nito sa mga karaniwang Tsino, di ba?

Ernest: Korek ka diyan. Ako, personally, umaasa na talagang bababa ang presyo ng housing units asap.

Joshua: Para makabili naman si Ernest ng bahay at magka-girlfriend na rin.

Sissi: Hoooy, hindi lahat ng mga babaeng Chinese e naghahanap ng boy friend dahil lamang sa bahay, no?

Ernest: Salamat sa pagpapaalala mo sa lovelife ko. Sa totoo lang, hindi gaanong nauunawaan ng mga karaniwang mamamayang Tsino ang ambag ng real estate sa pag-unlad ng bansa, pero, direkta at matindi ang reaksyon nila sa sobrang bilis na pagtaas ng presyo ng mga bahay, dahil para sa kanila, ang bahay ay gamit na tirahan.

Sissy: Every coin has two sides, Ernest, the good and the bad, hahaha…

Joshua: Agree ako diyan…

Ernest: At diyan nanaman nagtatapos….

Sissi/Joshua: tama ka!

-end-

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>