|
||||||||
|
||
Ernest: Magandang magandang gabi sa iyong lahat, mga giliw na tagasubaybay. Sa binagong programang Kaalaman sa Tsina ng Radyo Internasyonal ng Tsina, tatalakayin natin ang mga bagay bagay na nangyayari sa Tsina ngayon, tulad ng pulitika, kabuhayan, kultura at iba pa. Ito si Ernest at ngayong gabi, makakapiling nation ang isang Pinoy na kasalukuyang nagtratrabaho dito sa Beijing. Magandang gabi, Joshua.
Joshua: Magandang gabi, Ernest at magandang gabi sa lahat ng mga tagapakinig ng CRI. Ako po si Joshua, 22 years old, isang reporter at editor sa CRI. Walang asawa. Single and ready to mingle.
1. Ang alam ni Joshua hinggil sa presyo ng pabahay sa Tsina.
Ernest: Ang paksa natin ngayong gabi ay pabahay sa Tsina. Anu-ano ang alam mo hinggil dito?
Joshua: Sa aking pagkakaalam, sa mga nakalipas taon, biglang tumaas ang presyo ng real states sa Tsina, lalong lalo na sa Beijing. Kung hindi ako nagkakamali, ito iyong tinatawag na Bubble price kung. Ang sitwasyong ito ay naging problema ng karamihan.
Ernest: Tama ka diyan! Sakit sa ulo talaga ito, lalo na sa aming mga kalalakihan na ang dahilan malalaman mo rin mamaya. hahaha.
Joshua: I know what you mean. Hehe Kaugnay sa isyu ng pabahay, ano ba anglatest hinggil dito?
2. Ano ang NPC at CPPCC
Ernest: Sa ngayon, nagbabalak ang mga kinatawan ng NPC at CPPCC na iharap sa sesyon ng 2 kapulungan ang mga may kinalamang panukala at batas upang mapigilan ang mabilis na pagtaas ng presyo ng housing units.
Joshua: a…. hindi pa kasi ako masyadong pamilyar sa mga organisasyon ditto. Ano ba ang ibig-sabihin ng NPC at CPPCC?
Ernest: Ang NPC ay tumutukoy sa Pambansang Kongreso ng Bayan. Ito ang kataas-taasang organo ng kapangyarihan ng bansa. Sa kabilang banda, ang CPPCC ay tumutukoy naman sa Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino. Ito ay isang advisory Body.
Joshua: Ah, ngayon mas malinaw-malinaw na. Hindi ba't parang bawat taon yata ay may ganitong sesyon sa pagitan ng dalawang kapulungan, na kung saan sa dito inilalatag ang lahat ng problema ng bansa, at pinagususapan kung ano-anu ang maaring solusyon, hindi ba?
Ernest: tama ka diyan.;)
3. Kalagayan ng isyu ng pabahay sa Tsina.
Joshua: Kaugnay naman ng pabahay, narinig ko din na, sa kasalukuyang panahon, dito sa Tsina, ang isa mga hinahanap ng babae ng Tsina sa isang lalaki bago magpakasal ay bahay. Kung wala nito ang lalaki, hindi ito papayag? Totoo nga ba ito Ernest?
Ernest: E…Hindi ko masasagot iyan, dahil unang una na wala ako girlfriend at pangalawa, wala akong bahay. (hehehe) Sa totoo lang, mayroon ganyang mga babae sa Tsina, ngunit iilan lang sila. At sa tingin ko naman, kahit saan, siguro nangyayari ang ganitong sitwasyon.
Joshua: haha biro lang… wag kang defensive. haha
Ernest: Hahaha. Sa katotohanan, ang isyu ng housing dito sa Tsina ay hindi lamang may kinalaman sa pag-aasawa; ito ay isa na ring problema sa buong bansa na hindi malutas-lutas.
4. Mga kahirapan para sa mga mamamayang Tsino sa isyu ng pabahay.
Joshua: Talaga? Sa anu-ano bang aspekto nakakaapekto ang isyu ng bahay?
Ernest: Ang napakataas na presyo ng bahay ay nagdudulot ng malaking presyur sa pamumuhay ng mga Tsino. Para sa isang karaniwang tao na bumili ng bahay, at dahil nga sa kagustuhang makabili ng bahay, sila'y nangungutang. At ito'y nagiging mabigat na pasanin para sa kanila; para sa mga tao na hindi pa nakakabili ng bahay, bibilang sila ng ilang taon para nakaipon ng perang pambilii ng bahay. At kung iisipin natin, habang tumatagal, lalong tumataas ang presyo ng bahay. Which means lalong tatagal ang kanilang pag-iimpok.
Joshua: Bakit hindi sila umupa ng bahay kung hindi nila kayang bumili? Tulad na lang sa Pilipinas, dahil nga sa mahal ang lote condo o apartment ngayon, karamihan, lalo na sa mga kabataang nagtratrabaho ay nagrerenta muna ng condo o apartment. Pag-nakaimpok na sila ng sapat na pera tsaka nalang sila bibili.
Ernest: Pwede naman silang umupa ng bahay, at ito'y ginagawa ng karamihan sa mga Tsino, dahil wala na silang choice. Pero dahil sa pagtaas ng presyo ng bahay, tumataas din ang upa dito, kaya para sa mga tao na nagtatrabaho sa ibang lugar at wala pang sariling bahay, malaking bahagi ng kanilang kita ang napupunta sa upa.
Joshua: aaa…… okay…
Ernest: Kaya nga, para sa mga karaniwang mamamayan, may sariling bahay man o wala, ang sobrang taas ng presyo ng mga ito ay pawang mabibigat na pasanin. Dagdag pa dito ang pagtaas ng presyo ng mga paninda. Ito'y nangangahulugan ng dagdag pasanin o presyur sa pamumuhay.
Joshua: Oo nga, noh? Ang hirap talagang mabuhay sa mundong ito ngayon. Haha lahat nalang tumataas. Kaya nga, kahit dahil ang presyur sa pagbili ng bahay para sa mga mamamayang Tsino, nananatili pa ring maganda ang pagpili sa pagupa ng bahay.
Ernest: I think so, pero sa tradisyonal na ideya ng mga Tsino, ang pagkakaroon ng sariling bahay ay isa sa mga pundamental na sangkap ng pamumuhay at kung mag-aasawa ang sinuman, dapat ay may sariling bahay.
Joshua: Ah…kaya pala hanggang ngayon hindi ka pa rin nagkakagirlfriend. Ernest. Noh noh. Hahah
Ernest: hindi a… medyo.. haha
Joshua: Ngayon talagang naiintindihan ko na kung bakit ganun nalang ang pagkabahala ng mga mamamayang Tsino sa mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bahay.
5. Bakit tumaas ang presyo ng mga pabahay.
Joshua: Pero gusto ko lang malaman noh.. ano nga ba ang tunay na dahilan ng mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bahay? Kulang ba sa suplay ng bahay o may iba pang mga dahilan?
Ernest: Mahirap sagutin ito. Bagama't masasabing isa sa mga dahilan ng biglaang pagtaas ng presyo ng bahay ay ang ispekulasyon sa presyo ng mga ito.
Joshua: Talaga? Eh. Kung napakataas naman ng presyo ng mga bahay. Sino pa ang bibili ng mga ito? Para maibenta mo, kailangang ibaba mo ang presyo. Tama ba?
Ernest: Siguro nga, pero, ang katotohanan ay, ang napakataas ng presyo ng bahay ay naghihikayat ng maraming mamimili na gustong kumita mula sa ispekulasyon ng bahay, dahil hindi nangangamba angspeculators na walang taong bibili ng bahay, dahil ang mga uupa o bibili ay mangangamba na pagkaraan ng ilang buwan o taon, magmamahal pa lalo ang mga ito. Ito'y isa sa mga pangunahing elemento kung bakit nananatiling mataas ang presyo ng mga bahay.
Joshua: Tama nga noh. At sa dami ng tao sa Tsina, sa tingin ko hindi manganagamba ang mga mamimili o mga nagmamayari ng mga bahay na bumili o magpaupa sa ibang tao.
Ernest: Kaya nga sa isang dako, mabiling mabili ang mga bahay gaano man kataas ang presyo; sa kabilang dako naman, hindi kaya ng maraming tao na bumili ng bahay para tirahan lamang, kaya't sila'y napipilitang umupa muna.
6. Ang pagsisikap ng pamahalaang Tsino.
Joshua: Supply and Demand lang iyan. Kung malaki ang demand ngunit limitado ang supply cguradong tataas ang presyo ng mga ito. Pero Ernest, matanong ko lang, ano naman ang ginagawa ng pamahalaang Tsino bilang tugon sa isyung ito?
Ernest: Sa totoo lang marami nang ginawa ang pamahalan hinggil sa isyung ito.
Joshua: tulad ng ano?
Ernest: Halimbawa, noong 2010, isinapubliko ng pamahalaang Tsino ang pinakamahigpit na tadhana para mapigilan ang mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bahay, at sa taong ito, itinakda ng pamahalaang Tsino ang pagtatayo ng 10 milyong bahay sa buong bansa na gaya ng affordable housing at low-rent housing para sa mga mamamayang maliit ang kita. Sa aking palagay, ito'y magpapahupa ng malaki sa kahirapan ng mga karaniwang mamamayang Tsino sa isyu ng pabahay.
Joshua: 10 milyong bahay? Naisasakatuparan ba naman ito ng pamahalaang Tsino? Kailan naman daw ito matatamasa ng mga Tsino?
Ernest: Ayon sa balita, matatapos ito ngayong taon, ngunit walang katiyakan kung kalian matatapos at kung kalian ito matatamasa ng mga Tsino.
Joshua: a… Mas maaga mas mabuti.
Ernest: Yes.
Ernest: Diyan nagtatapos ang ating programa sa gabing ito. Kung gusto ninyong makilala nang lubusan ang ating poging bisita, na si Joshua, bisitahin ninyo lamang ang website ng Filipino service na www.filipino.cri.cn at mag-iwan ng mensahe sa message board o kung hindi naman, mag-e-mail sa filipino_section@yahoo.com.
Joshua: At kung gusto niyo naman po mas kilalanin ang gawapo nating host na si Ernest, magemail lang pos a… ano nga email ad mo?
hahaha
Ernest: Salamat uli sa iyo, Joshua, at salamat din sa inyong lahat, sa inyong walang sawang pagtangkilik. Kita-kits uli tayo sa susunod na idisyon ng Kaalaman sa Tsina sa susunod na linggo.
Bye-bye!
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |