|
||||||||
|
||
(Host si Kuya Ramon at ang mga guest ay sina Jade at Rhio.)
Magandang-magandang gabi. Ito si Ramon Jr., kasama sina Jade at Rhio, para sa bagong pogramang Deretsahan.
Mula't sapul, ang malalaking lunsod ng mga bansa, lalo na ng mga umuunlad na bansa, ay minamakmak na ng hindi malutas-lutas na mga problema na tulad ng paglobo ng populasyon, pagsisiksikan ng populasyon dahil sa pandarayuhan, pagsisikip ng trapiko, polusyon at kakulangan sa pinagkukunang-yaman para sa desenteng pamumuhay.
Ano ang negatibong epekto ng mga problemang ito sa pamumuhay ng mga residente ng mga lunsod? Ano ang implikasyon nito sa mga residente sa karatig? Ano ang mga isinasagawang hakbangin para malutas ang mga problemang ito? Ano ang ultimong kalutasan?
Isang ilog sa Manila
Part I: Mga problema sa mga malaking lunsod, nakakaapekto sa pamumuhay ng mga tao
1. Rhio, alam natin na eksistido ang mga nabanggit na problema sa Maynila, pero, gaano katindi ang mga ito?
2. Ganito rin ba ang nangyayari sa Beijing, Jade?
Kalye sa Manila
3. Ano ang masasabi ninyong negative effects ng mga problemang ito sa pamumuhay ng local residents. Ikaw, Rhio, sa Maynila. Jade, sa Beijing?
4. Ano ang implikasyon ng mga problemang ito sa mga kanugnog na purok ng mga lunsod? Sabihin natin sa ibang lunsod ng Kalakhang Maynila, Rhio?
Kalye sa Beijing
5. Kapareho ba ang situwasyon sa Beijing, Jade?
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang episode sa gabing ito ng programang Deretsahan. Sa ngalan nina Jade at Rhio, maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr., na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik…
Gabi ng Beijing
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |