Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

0308Diretsahan

(GMT+08:00) 2011-03-15 17:09:22       CRI

Program: Diretsahan

Airing Date: Tuesday, March 8, 2011

Hosts: Jade, Joshua, and Rhio

Jade: Magandang gabi po mga kaibigan at mga kapanalig. Ito po si Jade, kasama si Rhio at Joshua, at kami po ang inyong mga makakasama sa bagong-bagong programang "Diretsahan" ng Serbisyo Filipino.

Rhio: Magandang gabi, Pilipinas! ito po si Rhio, at welkam po sa programang sapul sa inyong pulso. Samahan po ninyo kaming pag-usapan ang mga napapanahong mga isyu sa ating bayan at lipunan na nakakaapekto sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.

Joshua: Magandang gabi po mga tagasubaybay. Tuwing Martes, dito sa "Diretsahan" ay tatalakayin natin ang hinggil sa iba't ibang mainit na usap-usapan sa Tsina at daigdig.

Rhio: Tama po si Joshua. At mag-iimbita rin po tayo ng iba't-ibang eksperto at personahe upang magbigay ng kanilang mga palagay, kuru-kuro, at suhestiyon sa mga isyung ating tatalakayin.

Jade: Opo. At para sa gabing ito, ang ating topic ay ano Joshua, Rhio?

Rhio/Joshua: Drunk-driving.

(Sound "I'm not drunk…ah!")

Joshua: Oh, accident! Pinakaayaw makita ng mga tsuper iyan!

Rhio: Oo. Hindi lamang ng mga tsuper, pati na rin ng mga may pribadong sasakyan.

Jade: (Kayo ba ay nagmamaneho? Nakaranas na ba kayo ng aksidente sa kalsada?) Alam po ninyo, dito sa Tsina, ang pinakamaraming kaso ng aksidente sa kalsada ay idinulot ng drunk driving. Heto't pakinggan natin ang mga datos:

(Balita Ayon sa datos ng Ministry of Public Security ng Tsina, mayroong 10.9 libong kaso ng drunk-driving bawat taon nitong nakalipas na 5 taon na ikinamatay ng 4054 katao at ikinasugat ng 11.6 na libong iba pa. Ito ang lumilitaw na pinakamahalagang dahilan ng mga car accident. Bukod dito, ang consequence ng aksidenteng dulot ng drunk-driving ay pinakamasama kumpara sa ibang aksidente sa lansangan. Ayon sa datos, nitong nakalipas na 5 taon, bawat car accident ay ikinamatay ng 0.37 katao at ikinasugat ng 1.06 na iba pa. Ibig sabihin, bawat 3 drunk-driving accident, may namamatay na isang tao. )

Joshua: Uy! Ganoon pala karami ang drunk driving accident dito sa Tsina!

Jade: Oo. Parang Chronic illness. Eh, sa Pilipinas, ganito rin ba?

Rhio: Mabuti at nabanggit mo ang situwasyon sa Pilipinas Jade. Heto at pakinggan natin ang mga impormasyon tungkol dito. (Material )

Joshua: Hulaan ko, isa sa mga dahilan ng drunk driving-related accidents dito sa Tsina ay ang drinking habit ng mga Tsino. Tama ba, Jade?

Jade: Tama! Ang pag-inom ng alak ay isa kasing mahalagang bahagi ng kultura ng Tsina. Umiinom ang mga tao kapag may pagsasalu-salo, mabuti o masamang balita, at iba pang mga okasyon. Para naman sa maraming matatanda, lagi silang umiinom kapag kumakain.

Joshua: Ah, siguro, umiinom din ang mga Tsino kapag nagkikita-kita ang mga magkakaibigan, magkaka-opisina, at magkakamag-anak. Gusto ng mga tao na uminom para mas maging mahigpit ang relasyon ng bawat isa, o iyong tinatawag na mas malaks na bonding.

Rhio: Ah, umiinom pala ang mga Tsino sa maraming okasyon. Sa palagay ko, ang isa pang dahilan ng pag-inom ay may kinalaman regulasyon ng pamahalaan.

Jade: Yes! Hindi kasi mahigpit ang mga regulasyon. Pero ngayon, bilang tugon sa lumalalang isyung ito, nagpalabas ang Tsina ng mga bagong karagdagan sa Penal Law. Pakinggan natin.

(Balita Naprobahan noong ika-25 ng Pebrero 2011 ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) ang Amendment 8 ng Criminal Law ng Tsina na kauna-unahang nag-aakusa sa drag-racing at drunk-driving at nagtatadhana rin ng mga sumusunod:

Itinatadhana ng kasalukuyang Criminal Law ang standard sa akusasyon sa malalaking car accident, hit-and-run at iba pang aksyon. Ayon sa Amendment 8, may detention at penalty ang sinumang mahuhuling gumagawa ng drag-racing at drunk-driving. Subalit, kapag ang isang drag-racer o drunk-driver ay gumawa pa ng ibang krimen, paparusahan siya alinsunod sa mas mabigat na tadhana. )

Rhio: Ah, Ayun naman pala. Sa ilalim ng dating Penal Law, aakusahan lamang ng drunk driving ang isang nakainom na driver kung magdudulot ng malubhang bunga ang kanyang aksyon, gaya siguro ng pagkabangga o aksidente. Ngayon, mas mahigpit na ang batas hinggil dito. Kahit walang malubhang bunga, puwede nang magkaroon ng kaso ang isang nagmamanehong nakainom. Napakaganda nito para maiwasan ang mga aksidente sa kalsada.

Jade: Tama. Rhio, at alam mo ba ang parusa sa mga drunk-driver sa Pilipinas?

Rhio: Mayroon akong datos tingkol diyan. Tingnan natin: (Material)

Joshua: Wala palang detention para sa mga drunk-driver sa Pinas, fine at suspension lang. Eh, dito sa Tsina, mabigat ba ang parusa sa mga drunk-driver?

Rhio: Sa palagay ko ay hindi rin. Pero alam po ninyo mga kaibigan, ang drunk-driving ay talagang napakamapanganib, hindi lamang sa buhay ng nagmamaneho, kundi sa buhay din ng mga tao sa paligid. At kahit hindi ito nagdulot ng disgrasya, bawal na bawal pa rin ito. Sa tingin ko, dapat ay pareho ang parusa para sa mga drunk-drivers, nagdulot man o hindi ng disgrasya.

Jade: Tamang tama. Katulad ng palagay ni Rhio, sabi ni Li Gang, abogadong Tsino, na iminungkahi na sa NPC na dagdagan ang criminal liability ng drunk-driving sa Penal Law. Sinabi niyang "ang drunk-driving ay nakakapinsala sa lahat ng tao, at ang karagdagang criminal liability sa Penal Law hinggil dito ay angkop sa pag-unlad ng bansa. Kung alam ng mga tsuper na ang drunk-driving ay may posibilidad na mag-iwan ng masamang rekord sa kanyang buong buhay, magiging mas maingat sila."

Joshua: Pero, kung mag-iiwan naman ito ng masamang rekord sa kanilang buong buhay, baka naman mas dumami ang hit-and-run.

Rhio: Sa palagay ko, hindi naman siguro. Dapat mas mabigat nga ang parusa sa mga drunk-drivers, tulad sa bansang Hapon.

Jade: May punto kayo diyan. Pero sa mga bansa sa daigdig, iba't-iba ang parusa sa isyung ito. Karamihan kasi sa mga may kotse ay may-kaya sa buhay, kayadapat ay mas mabigat ang parusa sa kanila. Halimbawa, sa Finland, ang fine ay depente sa kita. Ang fine ng overspeeding ng isang pangalawang presidente ng NOKIA ay 110 libong Euro!

Joshua: Wow. Malaki ang multa.

Rhio: Wow!Dapat, ganayan din ang gawin sa Pinas para mas maging pantay-pantay ang lahat.

Jade: Pakinggan naman natin kung anu-ano ang mga parusa sa drunk-driving sa iba pang bansa.

(Material Dahil sa masamang consequence ng drunk-driving, inaakusahan sa korte ang nakainom na driver sa Espanya. Sa Estados Unidos naman, kung magdudulot ang drunk-driving ng pagkamatay, aakusahan ang nakainom na driver ng Intentional Homicide. Kahit iba't iba ang batas ng mga states ng E.U., zero-tolerant ang lahat ng states sa drunk-driving. Ang pinakamahigpit na parusa ay 500 dolyares na fine, 6 na buwan na suspensiyon ng license o imprisonment.)

Joshua: Ay! Kumpara sa mga regulasyon ng iba't ibang bansa, hindi mabigat ang parusa sa Tsina.

Jade: Pero sa kabilang banda, ang mga parusang ito ay nakakabuti rin sa mga tsuper.

(Lubos na kumakatig ako sa bagong karagdagan sa Penal Law. Ang mahigpit na regulasyon ay mas makakabuti sa pagpigil ng ganitong mga illegal na aksyon. Ito rin ay magandang excuse para tanggihan ang pag-inom ng alak. Hindi ako mahilig sa pag-inom pero kung minsan, sa mga okasyon, i have to. Kung hindi maiiwasan na ako ay umiinom, sisiguraduhin ko na hindi ako magmamaneho pagkatapos, at papayuhan ko rin ang iba na huwag uminom ng alak at pagkatapos ay magmamaneho. )

Jade: Mga kaibigan, mabigat man o magaan ang parusa sa drunk-driving, maliwanag ang layon nito: ito ay upang maigarantiya ang kaligtasan ng bawat tao sa lansangan.

Rhio: Tama. Kaligtasan ng mga naglalakad kalye, ng iba pang nagmamaneho ng sasakyan, ng mga ari-arianng pribado at pampamahalaan, at ng nakainom na driver din.

Joshua: Sana ay maging mabisa ang karadagang probisyon sa Penal Law. At sana, ay dumating ang araw na hindi na kailangan ang anumang parusa kasi everybody obeys the law.

Jade: Oo. Sana nga ay dumating ang araw na iyon. Okay. Hanggang diyan na lang po muna ang ating talakayan sa gabing ito. Magkita-kita po muli tayo sa susunod na Martes sa isa na namang makabuluhang talakayan tungkol sa mga importanteng isyu sa lipunan, bayan, at daigdig. Magandang gabi, ito po si Jade.

Rhio: Kung mayroon naman po kayong anumang palagay o mungkahi hinggil sa drunk-driving, huwag po kayong mag-atubiling mag-iwan ng mensahe sa aming website na filipino.cri.cn. Ito po si Rhio, nag-iiwan ng mapayapang gabi.

Joshua: Maraming salamat po sa inyong walang-sawang pakikinig, good night. Ito po si Joshua.

/end//

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>