Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop china ika-10 2011

(GMT+08:00) 2011-03-21 11:29:26       CRI

Kumusta po? Mga katoto at kapanalig. Naririto po ako, ang inyong Happiest DJ-sissi at tuwang-tuwang makapiling kayo sa labing limang minutong masayang panahon ng paglilibang tuwing Linggo ng gabi. Pagkaraan ng Ilang oras, sasalubungin na naman natin ang bagong linggo ng pagtatrabaho, hurry up and have fun together.

Noong Biyernes, nakatanggap ako ng di-inaasahang tawag mula sa isang kaibigan. Nakabili ka ba ng asin? I heard na, nag-sold-out ang asin sa lahat ng supermarket, dahil sa nuclear radiation mula sa Hapon. Ang ‎Iodine salt ay maaring gamiting panlaban sa radiation at posibleng ma-contaminate ng radiation ang dagat pati ang mga salt na pinoprodyus ng seawater. Ilang minuto lamang, sabi sa akin ni madder, sa lupang tinubuan daw namin, isang maliit na lunsod sa gawing hilagang kanluran ng Tsina, dumadagsa raw ang mga tao sa supermarket para bumili ng asin. Parang nagkataon naman na naubusan kami ng asin sa bahay at nang pumunta sa supermarkt, laking gulat ko nang makitang halos walang asin, toyo, salted vegetables at ilang uri ng frozen foods. Nang sumunod na araw, napuna kong kulang sa alat ang mga pagkain sa CRI canteen at ang isang tiyuhin naman ay bumili ng 50 kilo ng asin sa salt factory. Luckily, 2 araw na ang nakararaan, nasira ang rumor at nagbalik-normal ang suplay ng asin sa mga tindahan. Sabi naman ng salt company, walang epekto ang iodine salt sa radiation at karamihan sa asin na kinakain natin ay mineral salt, kaya hindi ito apektado ng nuclear incident sa Hapon. I am just wondering, paano kayang gagamitin ng uncle ko ang 50 kilo ng asin? Ayon sa calculation ko, sapat ito para gamitin sa loob ng 20 taon!

The rumour stops when it comes to a wise person. Hindi ako matalino, but mahina, mahina lalo't ang kalaban ay salt buyers.

Mga tagapakinig ng pop music maaring maging BIG STARS? Bilang pagsalubong sa second anniversary ng Pop China, mula sa Martes, magkakasunod na patutugtugin ng Pop China ang mga classic hits na binigyang-buhay ng mga karaniwang pinoy. Kung mahilig kayo sa pop music at sa pagkanta, welcome kayong magpadala ng audio file sa aming mailbox: filipino_section@yahoo.com. Pipiliin namin ang winner base sa husay ng pagkakakanta, ganda ng projection, etc. Ipagdiwang natin ang ikalawang taong anibersaryo ng Pop China sa pagkakantahan. Happy Birthday, Pop China.

Kayo'y nasa China Radio International, programang Pop China na inihahatid sa inyo ng inyong happy DJ na si Sissi. Ngayong gabi, iri-reveal natin ang limang pinakapopular na kanta noong nakaraang linggo.

Sa ika-3, "Touch My Heart", na kaloob ng king of the dance floor na si Show Luo, sana ay ma-touch din ang inyong mga puso sa awiting ito.

Ika-2, "Wanted" na inawit ng very hot na hip-hop boy nating si Wilber Pan.

Ang winner is…kantang "Because of Love" na ibinigay nina Faye Wang at Eason Chan. Hindi nagtatapos ang ating love sa paglipas ng panahon; sa halip ay mas lumalalim pa nga.

Hindi maganda ang koment sa dating album ni Jay Chow. Kahit patuloy na ipina-publisize ang isang album bawat taon, abalang-abala rin si Jay Chow bilang actor, director, composer, producer, TV host at sinasabi ng kanyang mga kritiko na inuulit lang niya ang kanyang istilo. Inaamin naman ni Jay na siya ay hindi isang superman. Pagpasok ng taong 2011, nanahimik si Jay. Bukod sa paghahanda para sa kanyang world tour, gumawa lang siya ng isang bagong commercial jingle-Battle- para sa Sprite.

Pay attention, iyong husky at powerful voice na nakikipag-usap kay Jay ay sa super super basketball player- Kobe, Flying Warrior, Kobe Bryant.

Isang big breakthrough ang kantang "Battle" para kay Jay. Maraming electronic sound. Sa unang pakinig, maari mong isipin na iyon ay kinatha ni Wilber Pan. Pero, nananatili doon ang istilong Jay. Bukod sa electronic sound, makakarinig din kayo ng traditional Chinese musical instrument, inyong dong dong dong dong, bilang metronome sa kanta. Ok, jump-ball, dribble, shoot, scoring, Let's Play~

Pagkaraan ng isang grueling fight sa basketball court, umupo tayo at tumahimik nang isang sadali. Ang kantang "Old Boy" ay isang popular na kanta sa Internet users na Tsino na kinanta ng dalawang kabataan. Posibleng pamilyar kayo sa melody dahil ito ang kantangありがとう, Thank U na unang kinanta ni Takuya Ohashi noong 2003, isang kantang nagpapahayag ng pasasalamat sa mga magulang. Ngayon, sa muling pagbibigay-buhay ng bandang "Brother chopstick," ang kantang ito ay isa nang pelikulang nagpapaalala sa high school life.

Natatandaan pa ba ninyo ang inyong pangarap noong bata pa? Naisakatuparan ba niyo ito? Kasabay ng pag-ala-ala sa inyong kalaro, kaklase at sa school life, tinatapos natin ang ating programa sa gabing ito. Kita kita tayo habang nakikinig kayo sa programang Pop China sa aming website: filipino.cri.cn at welcome na bumoto para sa pinakapopular na kanta o singer sa pamamagitan ng pag-iiwan ng mensahe sa aming message board o pagteteks sa 09212572397. Welcome rin kayong magpadala ng audio file ng inyong kanta o mensahe bilang birthday gift sa Pop China.

World peace and love you all, bye~

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>