Ang sky screen sa Times Square ay isang modernong elemento sa Suzhou. 500 metro ang haba, 32 metro ang lapad at 21 metro ang taas ng naturang sky screen na itinuturing na siyang pinakamalaki sa buong daigdig. Idinidispley sa sky screen ang mga vedio hinggil sa magagandang tanawin sa iba't ibang sulok ng mundo at ang serye ng mga larawan na kinokontrol at ipinakikita ng computer ay lipos ng atmospera ng pamumuhay. Si Shawn James ay isang manlalakbay na galing sa Estados Unidos. Nakakita na rin siya ng mga sky screen sa ibang lugar, pero ikinagulat niya ang napakalaking screen sa Suzhou. Sa tingin niya, mas maraming nilalaman ang screen dito. Inilalarawan nito ang kuwento at imahe ng Suzhou at ipinakikita ang katangian ng lunsod.
Online video clip ng pelikula sa sky screen