Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Blind Date

(GMT+08:00) 2011-03-26 13:57:13       CRI

Ernest: Magandang magandang gabi mga giliw na tagasubaybay. Welkam muli sa programang "Kaalaman sa Tsina" dito sa himpilang sapul sa inyong pulso, ang Serbisyo Pilipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito po si Ernest at ngayong gabi, makakapiling muli natin si Rhio, isa sa ating mga mamamahayag at Sissi, ang kilalang DJ ng programang "Pop China" ng Serbisyo Filipino. Magandang gabi, Rhio at Sissi.

Rhio/Sissi: Magandang gabi, Ernest.

Ernest: Mga kaibigan, ang tampok na paksa natin ngayong gabi ay tungkol sa blind date sa Tsina.

Rhio: Ah, mukhang magandang topic iyan ah! Oh, huwag na nating patagalin at umpisahan natin ang usapan

Sissi: Oo. Bilang isang expert sa love song at love problems. Excited na nga ako eh

Part I - Ano ang mga nilalaman ng blind date sa Tsina?

Ernest: Sige na nga. Noong unang panahon, bago ang ika-80 dekada ng nagdaang siglo, ang malayang paghahanap ng asawa ay popular sa pagitan ng mga batang Tsino, pero ngayon, nagiging popular ang blind date sa Tsina.

Rhio: Hmmm… mayroon din ng ganyan sa Pilipinas, at sa katunayan, noong nasa college pa ako, nag-blind date din ako. Eh, ikaw Sissi, nakapag-blind date kana rin ba?

Sissi: Aba! Oo, naman. Noong mas bata pa ako ay nasubukan ko na rin iyan Hehehe…actually ang kasalukuyang fiancé ko ay naging isa sa mga ka-blind date ko. Hehehe…

Rhio: Eh, si Ernest, nasubukan na kaya niyang mag-blind date? Hehehe…

Ernest: Oo naman. Nag-blind date na ako, pero, hanggang ngayon ay wala pa rin akong nobya eh Hehehe…

Rhio: Sissi, hanapan natin ng nobya si Ernest ah. Iyan ang ating misyon sa buwang ito Hehehe…

Sissi: Korek. Sige at kakaririn natin iyan Hehehehe…

Ernest: Kayo talaga, puro kayo biro. Mabalik tayo. Tulad ng alam ng lahat, ang Spring Festival ay ang pinakamahalagang tradisyonal na pestibal ng mga Tsino para makapiling ang buong pamilya, pero, kahit sa panahon ng ganitong mahalagang pestibal, maraming Tsino ang nakikipag-blind date. Ayon sa balita mula sa dyaryo ng lalawigang Zhejiang, mula unang araw hanggang ika-3 araw ng Spring Festival season, isinasagawa ng isang lalaking nagngangalang "Zhang Weiwei" ang 4 na ulit na blind date.

Rhio: Wow! Baka naman masyadong mapagod si Mr. Zhang sa ganyang karaming date? Hehehe…

Sissi: Oo nga! Kasi tiyak na nakakapagod at magastos ang apat na blind date noh… Hehehe…

Rhio: Eh, ano naman ang karaniwang ginagawa ng mga babae at lalaking Tsino kapag blind date?

Sissi:Unang-una, dapat ay alamin muna ng mga babae ang mga importanteng impormasyon hinggil sa lalaki, bago mag-blind date. Kung baga ay background check para makasiguradong safe ang mga kababaihan. Kapag nasa date na, karaniwang nagpupunta ang mga Tsino sa mga sinehan, parke at restaurant.

Rhio: Ah, wala palang pinagkaiba sa Pilipinas. Ganito rin ang karaniwang ginagawa ng mga kabataan sa Pilipinas kapag nagba-blind date

Ernest: Pero dapat alalahanin ng mga lalaki na magdala ng sapat na pera, kasi sila ang magbabayad sa buong gastos ng date.

Rhio:Hahaha… Siyempre, dapat ipakita ng mga kalalakihan ang kanilang pagkamaginoo, kaya, dapat sila ang sumagot sa gastos ng date. At saka ang mga kababaihang Tsino ay super cute at mahinhin, kaya dapat lang na ipakita ng mga lalaki ang kanilang pag-aalaga sa kanila

Sissi: Hehehe… Sa ngalan ng kababaihan ng Tsina, salamat po sa iyong ambag sa paglaki ng kabuhayang Tsino. At heto pa. Dito sa Tsina, nakaugalian na rin na kapag nag-share ang isang babae sa bill sa restaurant, ibig sabihin nito, hindi niya nagustuhan ang lalaking kanyang ka-date. Pero, sometimes, ayaw ko sirain sila.

Rhio: Ah! I see. Ganito rin halos sa Pilipinas.

Ernest: Kapag ganito ang situwasyon, malas ang isang lalaki Hehe

Sissi: Don't pinch fist, Ernest. Ang pinakamahalagang bagay sa blind date ay ang pagpapakita ng katapatan at pagkamaginoo para magustuhan ka ng iyong ka-date

Rhio: Tama ka diyan, Sissi. Pero, ano ang mga importanteng dapat tandaan kapag makikipag-blind date, Ernest, Sissi?

Sissi: Katulad nga ng sinabi ko kanina, bago ang date, dapat ay alamin ng dalawang panig ang mga impormasyon hingil sa isa't-isa sa pamamagitan ng intermediary person. Kailangan ito para makasigurado ang bawat panig sa pagkatao ng ka-date. Pero, sa tingin ko, sa panig ng mga babae, ang pinakamahalaga ay ang pagkatao ng lalaki. Ito ang magsasabi kung angkop ang isang lalaki o hindi.

Ernest: Oo nga. Ang kalooban ay pinakaimportante, at kahit na mahalaga rin ang mga bagay na gaya ng bahay, suweldo, at kotse, ang mga ito ay makukuha sa pamamagitan ng pagsisikap, pero, ang character ng isang tao ay hindi kinikita at mahirap na mahirap na baguhin.

Rhio: Teka muna. Paano ang hitsura?

Sissi: Dapat ay guwapo at macho. Biro lang.

Ernest: Mas maganda kung maganda at sexy siya Ano sa palagay mo, Rhio?

Rhio: Aba! Siyempre naman Pero, lalong mas maganda kung maganda ang kanyang kalooban Hehehe…

Part II: Ano ang mga papel ng blind date sa Tsina?

Ernest: Kayo po ay nakikinig sa programang "Kaalaman sa Tsina" dito sa Radyo Internasyonal ng Tsina. Kasama ko pa rin po sina Rhio at Sissi sa pagpapatuloy ng ating paksang blind date sa Tsina.

Rhio, kahit kamakailan ka pa lang dumating dito sa Tsina, pero may nobya kana. Ikuwento mo naman sa amin kung paano kayo nagkakilala ng nobya mo?

Sissi: Alam ko na meron isang nobyang Tsino, Rhio, hindi ko alam ang iyong love story.

Rhio: Salamat Hehehe… Naku! Mukhang mahabang kuwentuhan ito ah Hehe… Noong 2009, ipinadala ako ng noon ay Office of the Press Secretary (OPS) at ngayon ay Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa Malacanang sa isang seminar para sa mga journalists dito sa Tsina. Sa ilalim ng pamamahala ng State Administration of Radio Film and Television (SARFT), inilibot kami sa ibat-ibang communication infrastructures ng Tsina, gaya ng CCTV at CRI. At nang dumalaw kami sa CRI, nakilala ko ang aking nobya Matapos ang tatlong linggong seminar dito sa Beijing, umuwi ako sa Pilipinas, pero hindi naputol ang aming komunikasyon. Halos araw-araw kaming nag-uusap sa pamamagitan ng MSN at cellphone, habang nasa Maynila ako. At sa di-inaasahang pangyayari at pagkatapos ng isang taon, narito na ako sa Tsina at dito na rin ako nagtatrabaho. Masayang masaya ako

Sissi: Ako naman, nagkakilala kami ng aking asawa sa pamamagitan ng blind date.

Ernest: Kaya si Sissi ay isang victory girl haha

Rhio: Victory girl? Ano ang ibig-sabihin nito?

Sissi: Hehehe… Ito ang tawag sa mga leftover girls na nakahanap ng asawa

Rhio/Ernest: Ah. Congratulations, Sissi!!

Ernest: Nalulungkot ako Malas yata ako. Ilang bese na akong nag-blind date, pero hanggang ngayon, single pa ako.

Rhio: Oh, huwag kang mag-alala, siguadong makakahanap ka ng isang maganda at mabait na nobya. Tutulungan ka namin Mamaya ay iaanunsiyo ulit natin ang iyong cellphone number para marami ang mag-text sa iyo Hehehe…

Sissi: Oo. Ipapakilala kita sa mga kaibigan kong babae. Confident ako na makakahanap ka ng nobya, Ernest

Ernest: Maraming salamat Hehehe… Eh ano naman ang palagay ninyo sa papel ng blind date sa pagbibigay-tulong sa paghahanap ng nobya o nobyo?

Rhio: Si Sissi muna Ladies first

Ernest: Oh, gentleman ka talaga Rhio, Mga kaibigan, ito po ang dahilan kung bakit siya nakanahap ng nobya nang walang tulong ng gayuma

Sissi: Ah, sa palagay ko, hindi kailangan ni Rhio ang "gayuma." Hehehe…

Rhio: Sa totoo lang, mahal ang ginagamit kong gayuma Hahaha…

Sissi: Okay. Malaki ang naibigay na tulong ng blind date sa akin. Dahil uri ng ating trabaho, naging mas kaunti ang aking oras sa malayang pagkilala sa mga kalalakihan. Sa pamamagitan ng blind date, nakatipid ako ng oras at nagkaloob ng mas maraming pagkakataon sa pagkakilala ng mga lalaki.

Rhio: Teka. Bakit ka nakatipid sa oras?

Ernest: Kasi sa Tsina, ang halos lahat ng mga intermediary person ay kanilang mga magulang, kamag-anak at matalik na kaibigan. Kaya hindi na kailangang ikabahala ang katotohanan ng mga impormasyon ukol sa iyong blind date

Rhio: Ah, I see. Mas maganda kung ganoon, at mas sigurado ka sa iyong blind date Pero, ang blind date ay ang first step pa lamang, at sa susunod, kailangang isagawa ang mas malalim na pag-unawa sa isa't isa. Tulad nga ng sinabi ni Ernest, ito ay tungkol sa character, at ang character ng isang tao ay mahirap baguhin.

Sissi: Tama ka diyan, Rhio. Dahil mabilis ang ritmo ng pamumuhay ngayon, ang pinakamalaking ambag ng blind date ay ang pagkakaloob ng mas maraming pagkakataon upang magkakilala ang mga lalaki at babae.

Ernest: Sa katotohanan, kahit pagod galing sa trabaho, dapat laging mag-participate ang mga Tsino sa outdoor sports, ito'y hindi lamang pagpapabuti sa kalusugan, kundi maging sa pagdaragdag ng pagkakataon sa pagkilala ng mga bagong kaibigan.

Sissi: Ernest, huwag kang mag-alala, ipapakilala ko ang aking mga kaibigan sa iyo.

Ernest: Salamat…kelan at saan?

Sissi: Anytime you like.

Riho: Eh, paano naman ako? Hehehe…

Sissi: Hindi kana puwede. Mayroon ka nang nobya.

Ernest: Oo nga. Ako lang at hindi ka kasali Hahaha…

Rhio: Kawawa naman ako Hehehe…

Ernest: Mga giliw na tagapakinig, hanggang diyan na lang po muna ang ating programa ngayong linggo. Kung mayroon po kayong suggestion o reaksiyon, huwag po kayong mag-atubiling sumulat sa amin sa filipino_section@yahoo.com o mag-iwan ng mensahe sa aming website na Filipino.cri.cn. Hanggang sa muli. Sa ngalan ni Rhio at Sissi, ito po si Ernest. Magandang gabi

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>