Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-11 2011

(GMT+08:00) 2011-03-27 18:22:34       CRI

Kumusta po, Philippines! Mabuti naman ako at sana mabuti rin kayo. Sa hanging kasama ng araw at init, talagang tuwang-tuwa akong makapiling ang music fans tuwing Linggo ng gabi. Ako si Sissi, ang inyong ever ever happy DJ, ang inyong ever ever close friend.

Hindi ko alam kung paano ko maipakikita ang pagmamahal ko sa tag-sibol sa mga kaibigang Pilipino. Bilang mga mamamayang naninirahan sa rehiyong tropikal na hindi nakakaranas ng pagkalanta ng mga halaman sa tag-lagas at walang kaalaman sa ilampung centimetrong lalim na niyebe, baka hindi ninyo maunawaan ang excitement ko habang nararamdaman ang init ng araw na palakas nang palakas.Nakikita ko na rin ang unang bulaklak sa magkabilang pampang ng kalye na parang sumisibol sa loob lamang ng isang gabi. Samantala, puwede nang hubarin ang mga makapal at matingkad na kulay na damit at isuot ang mga manipis at makulay na blusa. I Love Spring~!

Isang lalaking dayuhan, matapat na iniligtas ang taong nabuwal sa subway. Nang tanungin siya ng police hinggil sa kanyang motivation, ang sagot niya: nangangamba akong baka nahuli sa trabaho at mawawala ang aking Perfect Attendance Award.

Kagabi, nakabasa ako ng ilang interesting news sa Internet. Isa-isang ibabahagi ko sa inyo.

Mga tagapakinig ng pop music maaring maging BIG STARS? Bilang pagsalubong sa second anniversary ng Pop China, mula sa Martes, magkakasunod na patutugtugin ng Pop China ang mga classic hits na binigyang-buhay ng mga karaniwang pinoy. Kung mahilig kayo sa pop music at sa pagkanta, welcome kayong magpadala ng audio file sa aming mailbox: filipino_section@yahoo.com. Pipiliin namin ang winner base sa husay ng pagkakakanta, ganda ng projection, etc. Ipagdiwang natin ang ikalawang taong anibersaryo ng Pop China sa pagkakantahan. Happy Birthday, Pop China.

Kayo'y nasa China Radio International, programang Pop China na inihahatid sa inyo ng inyong happy DJ na si Sissi.

One day, nag-away ang isang lalaki at ang kanyang asawa. Lumuha ang kanyang asawa, umalis ng bahay at hindi bumalik nang gabing iyon. Kinaumagahan, nagpalagay ng adz ang lalaki sa isang giant screen sa pinakabising lugar sa kanyang lunsod at sinasabi, "Sorry, it's my fault, honey. Alas-6 ng gabi, pick you up under the TV screen. At dumating ang oras. May dalang bulaklak, pumunta ang lalaki sa binanggit na lugar. Pitong babae ang nakita niya doon lahat-lahat.

OK, iri-reveal natin ang limang pinakapopular na kanta noong nakaraang linggo.

Ika-3, "Battle", na kaloob ng Flying Warrior, Kobe Bryant at king of Pop,Jay Chow.

Ika-2, "Wanted" na inawit ng very hot na hip-hop boy nating si Wilber Pan.

Ang winner is…kantang "Old Boy" na ibinigay ng bandang Brother Chopsticks.

Nagpatay ka ba ng ilaw kagabi? Earth Hour, isang mungkahing itinangkilik ng World Wide Fund For Nature. Ito ay umaasang makakapagpatay ng ilaw ang mga indibiduwal, komunidad, kompanya at pamahalaan mula 20:30 hanggang 21:30 tuwing pinakahuling linggo ng Marso bawat taon bilang palatandaan ng kanilang pagkatig sa pagharap sa pagbabago ng klima. Ayon sa estadistika, ang koryenteng matitipid sa isang oras ng Earth Hour ay sapat na para gamitin ng isang karaniwang pamilya ng 40 taon. Ang kantang "Turn off the lights" ay theme song ng katatapos na Earth Hour na kinatha at kinanta ng bandang Yu Quan. Isang munting gesture, makakapagpabago ng buong daigdig.

Sa unang pagkarinig ng kantang "Ready Or Not", naniniwala akong nakararaming music fans ang nagiisip na ito ay isang bagong obra na inibigay ni Lady Gaga. Actually, ganun nga ang iniisip ko sa simula at totoong nabanggit ang lady gaga sa lyrics. Ang bagong kantang "Ready Or Not" ni Miriam Yeung, actually, ay isang kantang nagbibigay-katwiran sa mga kababaihan. Who says, walang kasiyahan ang isang mapayat na babae? Who says, tiyak na magiging leftover ladies kung kayo ay 30 taong gulang pataas? Who says, hindi puwedeng maging magandang mader and at the same time isa ring competent office lady. Kung gusto, everything is possible. Um, pangarap ko, pawing maging isang mabuting wife, magandang mader at isang happy DJ.

Isang gabi, sabi sa kanyang asawa ng isang babae: hi, honey, kumusta ang panahon bukas, I heard na, may malaking discout sa department store. Kulang ako sa isang skirt, isang legging, isang blouse, isang …blur blur. Sinagot ng asawa: oh, sobrang masama ang panahon bukas, may typhoon, baha, landslide at earthquake. OK…Kasabay ng isang di-insteresting joke, tinatapos natin ang ating programa sa gabing ito. Welkam na nakikinig sa programang Pop China sa aming website: filipino.cri.cn at welcome na bumoto para sa pinakapopular na kanta o singer sa pamamagitan ng pag-iiwan ng mensahe sa aming message board o pagteteks sa 09212572397. Welcome rin kayong magpadala ng audio file ng inyong kanta o mensahe bilang birthday gift sa Pop China. Dalawang linggo na lang ang natitira. Hurry up~

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>