|
||||||||
|
||
Fuchun River
Xin'an River
Ang Hangzhou, punong lunsod ng Lalawigang Zhejiang ng Tsina, ay matatagpuan sa masaganang rehiyon sa Yangtze River Delta. Mahigit 2200 taon na ang kasaysayan ng Hangzhou at ito ay isa rin sa 8 kilalang matatandang kapital ng Tsina. Sa kanyang pagbisita sa Hangzhou noong ika-13 siglo, tinukoy ito minsan ni Marco Polo, kilalang Italian traveler, bilang "finest and noblest sa mundo". Nababatay sa mahabang kasaysayan, malalimang kultura, masaganang yamang panturismo at walang humpay na pag-unlad ng kabuhayan, ang Hangzhou ngayon ay nagiging sentro ng pulitika, kabuhayan at kultura ng Lalawigang Zhejiang. Tinatawag rin itong "kabisera ng tsaa", "silk city", "paraiso sa lupa" at iba pa.
Qiandao Lake
Xixi Wetland Park
Sagana sa kabundukan at katubigan ang Hangzhou. Mahigit 130 ilog ang dumadaloy sa loob ng lunsod. Sa Hangzhou, may dalawang bantog na matulaing purok sa antas ng estado: Lawa ng Xihu, at "dalawang ilog at isang lawa" (Fuchun River--Xin'an River--Qiandao Lake). Dalawang pambansang natural reserve zones: natural reserve zone ng Tianmu Mountain at Qingliang Peak. At 6 na pambansang parke ng kagubatan-- Qiandao Lake, Bundok ng Daqi, Bundok ng Wuchao, Ilog ng Fuchun, Qingshan Lake at pambansang parke ng gubat ng Yaolin. Ang unang national wetland park ng bansa: Xixi national wetland park ay nasa Hangzhou rin.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |