Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Panahon na ng pagtaas ng suweldo

(GMT+08:00) 2011-03-29 20:22:39       CRI

Jade: Magandang magandang gabi po, mga giliw na tagasubaybay. Ito po si Jade. Kumusta po kayo? Sana ay manatili kayong malusog at maligaya. Welcome sa aming palatuntunang "Diretsahan" tuwing Martes, at ngayong gabi, makakasama natin si Rhio.

Rhio: Magandang gabi po mga kaibigan, ito naman po si Rhio. Samahan po ninyo kami ni Jade sa isa na namang mainit na talakayan na may kinalaman sa mahalagang isyung panlipunan.

Jade: Siguro ay excited na kayong malaman kung ano ang paksa natin ngayong gabi. Pero, bago natin iyan sabihin, pakinggan muna natin ang kaukulang interview:

(voice clip)

Jade: Iyan. Bilang isang karaniwang mamamayang Tsino, ganito rin ang aking nararamdaman at nararanasan. Mukhang pataas nang pataas ang presyo ng mga bilihin, pati iyong presyo ng upa at bahay, pero, ano pa ang naiiwan sa ating suweldo? Mga giliw na tagasubaybay,

welcome sa ating "Diretsahan" sa gabing ito. Ang ating paksa ay may kinalaman sa pagdaragdag ng suweldo ng mga mamamayang Tsino. Ang suweldo na tinutukoy natin dito ay kinabibilangan ng wage o pera at non-wage benefits o social protection. Rhio, bilang isang dating empleyado ng DOLE, ano ang masasabi mo?

Rhio: Tama ang sinabi mo Jade. Dalawa nga ang bahagi ng suweldo ng bawat mamamayan, ang unang bahagi ay iyong perang tinatanggap natin tuwing buwan o iyong take-home pay at pangalawa ay iyong social protection benefits o non-wage benefits . Ito po iyong mga segurong katulad ng hospitalization, insurance, at marami pang iba.

Jade: Kumapara sa Maynila, paano ang pamumuhay dito sa Beijing?

Rhio: Sa totoo lang, dahil bago pa lang ako dito sa Beijing, ang tanging comaparison na maibibigay ko ay iyong upa sa pabahay. Sa tingin ko, may kataasan ang upa sa Beijing, kumapara sa Maynila. Halos 35% kasi ng aking take-home pay kada buwan ang napupunta sa pagbabayad ng upa. Mataas hindi po ba?

Jade: Sa totoo lang, ang nabanggit mong isyu ng upa o pagbili ng pabahay ay karaniwan ding kinakaharap na problema ng maraming Tsino, lalung-lalo na iyong mga taga-malalaking lunsod. Narito ang may-kinalamang ulat:

(Voice clip)

Jade: Bukod dito, nalaman ko rin mula sa internet ang karaingan ng maraming Tsino hinggil sa mataas na presyo ng pagkain,

(Voice clip ni Andrea)

Rhio: Bukod sa mga mamamayang Tsino, ipinalalagay din ng ilan sa mga kaibigan kong dayuhan na dahil sa taas ng gastos sa Tsina, dapat ay itaas na rin ang pasuweldo.Heto ang sinabi nila:

(Interview)

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>