![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Ripping water shimmering on sunny day,
Misty mountains shrouded the rain;
Plain or gaily decked out like Xizi;
West Lake is always alluring.
Istatuwa ni Su Dongpo
West Lake
Ito ay tula na kinatha ni Su Dongpo, kilalang makatang Tsino noong Song Dynasty. Sa tulang ito, inihambing niya ang West Lake kay Dalagang Xizi, pinakamagandang babae sa Tsina noong sinaunang panahon. At ang West Lake dito ay tumutukoy sa isang lawa sa kanlurang kalunsuran ng Hangzhou. Halos 5.6 kilometro kuwadrado ang kabuuang saklaw ng lawang ito at naghahati ang dalawang causeways--Su Causeway at Bai Causeway, ng lawang ito sa 5 bahagi. Ang naturang dalawang causeways ay pinangalanang "Su" at "Bai" bilang paggunita kina Su Dongpo, makata na binanggit nauna rito, at Bai Juyi, isang pang makata noong Tang Dynasty. Kapuwa silang nanungkulan minsan bilang opisyal ng Hangzhou at nag-contribute sa lokalidad.
Tsaang Longjing
Nang mabanggit ang West Lake, ang Longjing tsaa o dragon well tea ay karapat-dapat na banggitin. Ang Longjing ay hindi lamang pangalan ng ganitong uri ng tsaa, kundi rin pangalan ng lugar sa West Lake na nagpoprodyus ng ganitong tsaa at pangalan ng isang bukal. May apat na katangian ang Longjing tsaa, at ang mga ito ay luntian ang kulay, mabango ang amoy, matamis ang lasa at maganda sa paningin.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |