Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Rich II at Poor II

(GMT+08:00) 2011-03-31 15:33:19       CRI

Ang tunay na Tsina ay isang mabilis na umuunlad na bansa, ibig-sabihin, kasabay ng mga kapansin-pansing bunga sa mga larangan na gaya ng kabuhayan, lipunan, siyensiya at iba pa, lumitaw din ang mga malubhang problema sa lipunan. Sa programang"Kaalaman sa Tsina" ngayong gabi, tatalakayin natin ang isyu ng labis na malaking agwat sa pagitan ng mga mayaman at mahirap.

Ernest: Magandang magandang gabi po mga kaibigan. Welkam po sa bagong edisyon ng programang "Kaalaman sa Tsina" dito sa himpilang sapul sa inyong pulso at may pusong Pinoy, ang Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ako po ang inyong ever-single na host, si Ernest

Rhio: Ako naman po si Rhio. At sa gabing ito, ako po ang makakasama ni Ernest para pag-usapan ang isa na namang mahalagang isyung panlipunan dito sa Tsina.

Ernest: Yaman din lang at nabanggit mo ang mga isyung panlipunan, Rhio. Ngayong gabi, ang tampok na paksa ng ating programa ay tungkol sa mga laki sa layaw at laki sa hirap sa Tsina o iyong mga tinatawag na "jeproks at anak dukha.

Rhio: Mukhang magiging mainitan ang ating diskusyon ngayon ah?

Ernest: Tama ka diyan! Dahil ang tunay na Tsina sa kasalukuyan ay isang mabilis na umuunlad na bansa, ibig-sabihin, kasabay ng mga kapansin-pansing pag-unlad sa larangan ng kabuhayan, lipunan, siyensiya at iba pa, lumitaw din ang ilang malubhang problema sa lipunan.

Rhio:I see. Gaya ng paksa natin ngayong gabi hindi ba?

Ernest: Tama. Ngayong gabi, katulad ng sinabi natin kanina, tatalakayin natin ang labis na agwat sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap.

Rhio: Seryosong topic iyan ah?Hindi ba puwedeng blind date at leftover girls na lang ang pag-usapan natin? Hehehe…

Ernest: Hehehe… Sa susunod na natin ulit pag-usapan iyan. Hehehe…

Rhio: Sige na nga

Part I: Anu-ano ang mga katangian ng Rich II at Poor II?

Ernest: Alam mo bang Rich II at Poor II?

Rhio: Nabasa ko na minsan sa internet ang tungkol diyan. Ang Rich II at Poor II ay tumutukoy sa mga anak mayaman o "jeproks" at anak mahirap dito sa Tsina.

Ernest: Tama ka.

Rhio:Ernest, hindi ba, ikaw ay nabibilang sa Rich II o Laki sa Layaw? Hehehe…

Ernest: Ay naku! Hindi ah! Hehehe… Pangkaraniwan lang ako, at anak ako ng isang karaniwang pamilya. Pero, siguradong ang magiging anak mo ay "jeproks."

Rhio: Bakit?

Ernest: Kasi, ikaw ang "jeproks" eh. Hehehe…

Rhio: Aba! Bumabawi ah? Hehehe… Teka muna, Ernest, sa Pilipinas, mayroon ding mga anak ng mayaman at mahirap, pero, ang tawag namin ay laki sa layaw at laki sa hirap at hindi Rich II at Poor II.

Ernest: Ah, bago kasi ang taong 1978, isinagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas, umiral ang public ownership economy at nang panahong iyon, magkasintaas ang kita ng lahat ng mga mamamayang Tsino.

Rhio: Kaya, walang isyu ang agwat ng mayaman at mahirap, di ba?.

Ernest: Oo. At nang panahong iyon, masasabing pantay-pantay ang mga mamamayang Tsino, walang mahirap at walang mayaman. Ito iyong tinatawag na first generation.

Rhio: Aha. I see.

Ernest: Pero, sa pagdaan ng panahon at sa pag-unlad ng Tsina, nagkaroon na ng mga mayayaman at mahihirap, sila ang unang henerasyon ng mga Tsino pagkatapos ng pagbubukas sa labas at ang kanilang mga anak ay tinatawag na Rich II at Poor II.

Rhio: Eh, ano naman ang mga katanginan ng Rich II at Poor II?

Ernest: Para sa mga Rich II, ang ari ng kanilang mga magulang ay di-kukulangin sa 100 milyong yuan RMB o mahigit 10 milyong dolyares.

Rhio: Wow! Talagang mayaman sila ah?

Ernest: Oo nga. Para sa mga Poor II naman, ang pamumuhay ng kanilang pamilya ay nananatiling mahirap simula noong panahon, bago ang reporma at pagbubukas ng Tsina sa labas.

Rhio: Alam mo Ernest, sa itingin ko, malaki ang positibong epekto ng reporma at pagbubukas ng Tsina sa labas, dahil naging mas mabuti ang pamumuhay ng nakararaming Tsino at ito rin ang dahilan ng pag-unlad ng ekonomiya ng Tsina na tinatamasa ng bansa sa kasalukuyan. Subalit, sa kabilang dako, mayroon din itong negatibong epekto, dahil nagkaroon naman ng malaking agwat ang mga mayayaman at mahihirap. Eka nga, laging may dalawang side ang isang coin.

Ernest: Oo nga. Mukhang dalubhasa kana sa isyung Tsino.

Rhio: Hindi naman. Hehehe…

Ernest: Para sa mga Poor II, ang pinakamalubhang kahirapan ay ang kakulangan sa kakayahan at pagkakataon sa pagpapabuti ng kanilang pamumuhay, pangunahin na ang kakulangan sa edukasyon.

Rhio: I see. Dahil sa hirap ng pamumuhay at sa mababang kita, hindi sila nakapag-aral, at dahil dito, wala rin silang kakayahan para pag-aralin ang kanilang mga anak.

Ernest: Tama. Bukod pa diyan, dahil na rin sa pagbubukas ng Tsina sa labas, naging bukas ang mga batang Tsino, kaya, ang mga Rich II ay karaniwang nagpapakita ng yaman na hindi kayang ipakita ng mga mahihirap na bata.

Rhio: Gaya ng pagbili ng mga luxury cars hindi ba? Alam mo, ganito rin ang makikita natin sa Pinas. Ang mga jeproks ay talagang kakaiba sa mga anak dukha sa estilo ng kanilang pananamit, kilos, pananalita, at pakikitungo sa ibang tao.

Ernest: Tama ka Kasi, mayayaman sila at hindi nila alam ang buhay ng ordinaryong indibiduwal.

Rhio: Ikaw naman, Ernest. Balita ko, mayaman ka talaga eh Hehehe…

Ernest: Mayaman lang ako sa kaisipan

Rhio: Ako rin Hehehe… Mayaman ka rin sa pagmamahal hindi ba?

Ernest: Siyempre!:)

Part II: Ano ang mga palagay ukol sa isyu ng Rich II at Poor II?

Ernest: Kayo po ay nakikinig sa programang "Kaalaman sa Tsina" dito sa Radyo Internasyonal ng Tsina. Kasama ko pa rin po si Rhio sa pagpapatuloy ng ating paksang Rich II at Poor II. Rhio, ano ang kalagayan ng Pilipinas hinggil sa isyung ito?

Rhio: Sa Pilipinas, matagal na rin itong problema. Dahil, mula't sapul ay bukas ang Pilipinas sa labas, naging malaki ang agwat ng mga mayayaman at mahihirap. Karaniwan mo itong makikita sa mga kabataang nag-aaral sa eksklusibong paaralan at mga subdibisyong reserbado lamang sa mga mayayaman. Ang masakit dito, hanggang ngayon ay hindi pa rin masolusyunan ng pamahalaan ng Pilipinas ang isyung ito. Sana, sa lalong madaling panahon ay magawan ito ng solusyon ng administrasyong Aquino para naman maiangat, miski na kauti ang pamumuhay ng mga mahihirap sa Pilipinas.

Ernest: Sang-ayon ako diyan. Dito naman sa Tsina, dahil ang isyung ito ay isang bagong sibol na problemang panlipunan pagkatapos ng reporma at pagbubukas sa labas, masalimuot ang mga palagay hinggil sa isyung ito.

Rhio: Nakita ko ang mga balita ng pagtasa sa mga Rich II at Poor II ng Tsina. Mukhang halos lahat ay pinupuna ang mga Rich II.

Ernest: Oo. Dahil ang kanilang mga aksyon ay nagdulot ng ilang negatibong epekto. Halimbawa: hindi sila nagsisikap sa pag-aaral at hindi rin seryoso sa paghahanap ng trabaho o ayaw magtrabaho, dahil nagtatamasa na sila ng marangyang pamumuhay, o sila ay nakadepende sa kanilang mga magulang .

Rhio: Oo. Karaniwan nga itong nangyayari sa mga mayayamang kabataan. Nababawasan o nawawala ang kanilang pagpupursige sa buhay dahil nariyan naman si pader at mader, eka nga. Ito ang mga tinatawag na laki sa layaw at "jeproks" sa Pilipinas.

Ernest: Sa kabilang dako, dahil kailangan ang malaking puwersa para tulungan ang mga Poor II, kaya ang mga negatibong aksyon ng Rich II ay madaling nakatawag ng puna.

Rhio: Pero, alam mo, naniniwala akong hindi naman lahat ng Rich II ay masama, siguro, kailangan lang na magkaroon ang kanilang mga magulang ng oras upang turuan sila ng tamang asal upang maging kapaki-pakinabang din silang bahagi ng lipunan. Sa palagay ko, ang susi sa pagiging isang responsableng mamamayan ay ang pagtuturo ng mga magulang.

Ernest: Iyan talaga ang susi ng isyung ito! Pero, bukod pa diyan, dahil sa kanilang pagsisikap, nagtamo ang mga pamilya ng Rich II ng maraming ari-arian at salapi, at tinitingala at ginagalang sila ng lipunan. Dahil diyan, madali silang nakatawag ng pansin sa mga mamamayan at nakakaapekto ang kanilang mga aksyon at ideya sa lipunang Tsino.

Rhio: Tama ka. Eh, ano naman ang mga palagay hinggil sa Poor II? Nasabi natin kanina na kailangan silang bigyan ng tulong hindi ba?

Ernest: Tama. Tunay na kinakailangan silang bigyan ng tulong. Pero, ngayon sa Tsina, ang pamahalaan ay nagkakaloob lamang ng mga subsidy, sa halip na gumawa ng mga patakarang direktang makakapagbago ng pammuhay ng mga Poor II.

Rhio: Ibig-sabihin, nasa sariling pagsisikap ang pag-unlad ng sarili, tama ba?

Ernest: Oo. Pero, ang mga Poor II ay nangangailangan pa rin ng tulong galling sa lipunan at ito naman ay isang hamon sa pamahalaan .

Rhio: Sang-ayon ako sa iyo Ernest. Sa panig ng Pilipinas, sa tingin ko, dapat pang paigtingin ng pamahalaan ang mga hakbangin nito upang maprotektahan ang kapakanan ng mga mahihirap, gumawa ng mas maraming trabaho, isulong ang katarungang panlipunan, at alisin ang korapsiyon. Katulad ng sinabi ni Pangulong Aquino, "kung walang korap, walang mahirap." Sana ay mapanindigan mo iyan, mahal na pangulo.

Ernest: Kapwa may mga mayayaman at mahihirap ang Tsina at Pilipinas. Pero, para sa isang bansa, ang harmonya at pagkakapantay-pantay ay pundasyon ng isang matatag at maulad na lipunan. Ang ating pagtutulungan at pagkakapit-bisig sa pagresolba ng mga isyung kagaya nito ay napakaimportante sa pagpapanatili ng balanseng panlipunan. Kami po rito sa Radyo Internasyonal ng Tsina ay naniniwala na ang pamahalaang Tsino at Pilipino ay buong lakas na nagsisikap upang bigyang-tugon ang mga problemang ito.

Rhio: Tama kapatid. Hanggang diyan na lang po ang ating programa ngayong gabi. Hanggang sa muli nating pagkikita sa susunod na linggo. Ito po si Rhio, magandang gabi.

Ernest: Ito naman po si Ernest. Salamat po sa inyong walang-sawang pakikinig. Magandang gabi.

/end//

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>