|
||||||||
|
||
Baka tanungin niyo ako: "Nasaan si Kuya Ramon?" Er…Sorry to tell you, dahil si kuya Ramon…gustong maghanda para sa kanyang wedding…bising-busy siya at hindi isasahimpapawid ang Gabi ng Musika mula ngayong araw. hee hee, Happy Belated April Fool's Day. Biro biro biro lang ang ulat ng wedding ni Kuya Ramon. pero, totoong sobrang busy si Kuya Ramon kaya ilalagay namin ang kanyang Gabi ng Musika sa araw ng Linggo, nang sa gayo'y, magkaroon siya ng tuluy-tuloy na panahon ng pagpapahinga and at the same time, marinig ng mga fans niya ang kanyang boses as often as possible. Kaya, mula ngayong araw, welcome kayong makapiling ng Pop China tuwing Sabado at ng Gabi ng Musika kung Linggo.
Kahapon, April Fool's Day. May mga biniro ba kayo? May mga nagbiro ba sa inyo? Ngayong gabi, habang parelaks-relaks na nakikinig sa Pop Music, babalik-tanawin natin ang ilang pinakaimpluwensiyal na biro na naganap sa buong daigdig nitong ilang Apirl Fool's Day na nakalipas.
Inihandog ng BBC television program Panorama ang isang sikat na biro noong taong 1957, na nagpapakitang inani ng mga Swiss ang spaghetti mula sa mga puno. Dahil hindi pamilyar ang mga Britaniko sa putaheng Italyano noong panahong iyon at hindi nila alam na ang spaghetti ay gawa sa wheat flour, nakatanggap ang BBC ng maraming tawag na nagtatanong kung saan mabibili ang binhi ng spaghetti trees.
Mga tagapakinig ng pop music maaring maging BIG STARS? Bilang pagsalubong sa second anniversary ng Pop China, mula sa Martes, magkakasunod na patutugtugin ng Pop China ang mga classic hits na binigyang-buhay ng mga karaniwang pinoy. Kung mahilig kayo sa pop music at sa pagkanta, welcome kayong magpadala ng audio file sa aming mailbox: filipino_section@yahoo.com. Pipiliin namin ang winner base sa husay ng pagkakakanta, ganda ng projection, etc. Ipagdiwang natin ang ikalawang taong anibersaryo ng Pop China sa pagkakantahan. Happy Birthday, Pop China.
Kayo'y nasa China Radio International, programang Pop China na inihahatid sa inyo ng inyong happy DJ na si Sissi.
Noong 1998, habang binubuksan ng mga internet users ang website ng Massachusetts Institute of Technology o MIT noong April 1st, nagulat sila sa balitang sa halagang 6.9 billion dollars, binili ng Walt Disney ang MIT at ipapalit ang MIT sa Disney Park sa Orlando ng Estados Unidos at muling papaangalanang Disney Institute of Technology. Luckily, huwad ang balitang ito at sa halip na magprodyus ng iba pang Nobel Prize Winners, nakilala ito bilang Alma mater ng first class entertainers.
OK, iri-reveal natin ang limang pinakapopular na kanta noong nakaraang linggo.
Ika-3, kantang "Old Boy" na ibinigay ng bandang Brother Chopsticks.
Ika-2, "Battle", na kaloob ng Flying Warrior, Kobe Bryant at king of Pop,Jay Chow.
Ang winner is…kantang "Wanted" na inawit ng very hot na hip-hop boy nating si Wilber Pan.
Ano ang nararamdaman ng isang babae na nai-in love in sa isang lalaki? Matamis, masaya at iyong iba nininerbiyos kung nakikita nila ang kanilang lihim na minamahal. Isinilang noong 1991, bata, maganda ang body shape at katangi-tangi ang boses, si Gloria Tang ngayon ay pinakapopular na female singer sa mga puso ng indoor boys sa HongKong. Sa bagong kantang Secret, inilarawan ni Gloria, sa kanyang malinaw na tinig, ang tagpong ito: mahal na mahal ng isang babae ang isang lalaki, iniibig niya ang lahat sa lalaki, pero natotorpe siya at sa mula't mula pa'y, hindi niya masabi sa lalaki na: I Love You. Kung ako iyong babae, sasamantalahin ko ang April Fool's Day at magteteks ako sa lalaki: mahal kita. Mahal mo rin ba ako? Good chance, di ba?
Tiyak na makakaramdam kayo ng strange feeling kung mapapakinggan ang isang kantang pinamagatang "Sa bandang huling, ako ay napunta sa iba" na ibinigay ng isang male singer. Er, walang kinalaman ito sa inverted love. Nagsasalaysay lang ito ng isang totoo pero malupit na kuwentong ipinangako ni Jacky Xue sa kanyang kaibigan, heroin ng kuwento, na buong tiyagang susulat siya ng isang kanta bilang ala-ala sa kanyang relation at panahon. Ikinasal ako, pero, hindi ikaw ang napangasawa ko. Naghihintay…Naghihintay… Sa bandang huli, ako ay napunta sa iba.
Bago magtapos ang ating programa ngayong gabi, ibabahagi ko sa inyo ang isang birong inihandog ng Chinese media: noong April 1, taong 1994, inilathala ng China Youth Daily ang isang balita na nagsasabing pahihintuluan ng Chinese Gov ang mga tao na may doctorate degree na magkaroon ng dalawang anak. You know, due to family planning policy, maari lamang magkaroon ng isang anak ang mag-asawa. Bagama't nilinaw nila ang balitang ito noong sumunod na araw, hanggang ngayon, maraming pa rin Chinese ang naniniwalang totoo ang balitang ito.
OK, welcome na makinig sa programang Pop China sa aming website: filipino.cri.cn at welcome na bumoto para sa pinakapopular na kanta o singer sa pamamagitan ng pag-iiwan ng mensahe sa aming message board o pagteteks sa 09212572397. Welcome rin kayong magpadala ng audio file ng inyong kanta o mensahe bilang birthday gift sa Pop China.
Advance Happy Birthday sa Pop China!
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |