|
||||||||
|
||
Bundok Longmian
Ang Tongcheng ay isang maliit na lunsod sa Lalawigang Anhui sa Silangang Tsina at may mahigit 1200 taong kasaysayan. Bukod sa mga likas na tanawing gaya ng Bundok Longmian at Lawang Xizi, marami ring matatandang arkitektura dito sa Tongcheng: halimbawa, Temple of Confucius na may mahigit 600 taong kasaysayan, mahigit 140 taong gulang na Zilai Bridge, matandang kalye ng mga arkitektura noong Ming Dynasty at Qing Dynasty at iba pa.
Temple of Confucius
Zilai Bridge
Noong Qing Dynasty nitong nakalipas na 300 taon, maraming kilalang men of letters, artista at estadista ang taga-Tongcheng, kaya hanggang ngayon, makikita ninyo ang nakararaming matandang bahay, hardin, academy, pribadong aklatan at iba pang arkitektura na iniwan ng naturang mga kilalang personahe.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |