|
||||||||
|
||
Ang 6 Chi Alley ay hindi talagang isang alley noon kundi isang pinagsamang mga bahagi ng lupain na pag-aari ng mga pamilyang Zhang at Wu. Ang chi ay isang yunit ng sukat sa Tsina at ang tatlong chi ay katumbas ng isang metro, kaya ang anim na chi ay katumbas ng dalawang metro.
Dahil nga ang lupaing ito ay nanggaling pa sa kanilang mga ninuno, hindi na tulo'y matukoy kung saan naroroon ang hanggahan ng lupain ng isa't isa.
Makaraan, binalak ng dalawang pamilya na magtayo ng bahay sa kani-kaning lupain, ngunit gusto ng pamilya Wu na itayo ang pader ng bahay nito sa lupain ng pamilya Zhang; gayun din naman ang pamilya Zhang, gusto nitong itayo ang kanyang pader sa lupain ng pamilya Wu. At dahil sa hindi magkasundo ang dalawang pamilya dito, sumulat ang anak ng pamilya Zhang sa tatay nito na si Zhang Tingyu na, noong panahong iyon ay Punong Ministro ng Beijing, upang humingi ng payo hinggil sa umiiral na problema.
Matapos mabasa ng ama ang sulat ng anak,sumagot ito at sinabing: "Nagpadala pa kayo ng sulat e ang layu-layo ng tinitirahan ninyo. Akala ko naman kung gaano kalaki ang problema. Problema lang pala sa hanggahan.Bakit hindi na lang kayo magbigayan? Umatras kayo ng tig-isang metro bago itayo ang pader. Isipin niyo na lang, nandyan pa din ang Great Wall kahit wala na sa mundong ibabaw ang mga nagpatayo nito na si Emperador Qin at ang kanyang dinastiya."
Ipinakikita lamang ng sulat na ito ang hindi pagsang-ayon ng ama sa kaisipan ng anak na makipagtalo sa kapitbahay hinggil sa hanggahan.Matapos matanggap ng anak ang sagot ng ama, nagdistansya ito ng 1 metro bago itinayo ang mga pader. Nagkatimo naman sa Pamilya Wu ang ginawa ng Pamilya Zhang kaya't nagdistansya din ito ng isang metro bago itinayo ang kanilang pader. At sa pagitan ng dalawang pader na ito lumitaw ang tinatawag ngayon na 6 Chi Alley.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |