|
||||||||
|
||
Ngayon sa Tsina, ang pinakamalaking hamon na kinakaharap ng pamahalaan ay kung papaano makakapagtamasa ang bawat mamamayang Tsino ng bunga ng pagpapaunlad ng lipunan at kabuhayan, sila man ay mayaman o mahirap. Dapat, lahat ng mamamayan ay magkaroon ng pantay na pagkakataon sa edukasyon, kalusugan at hanap-buhay. Kaya ang labis na malaking agwat sa pagitan ng mga mahihirap at mayayaman ay hadlang sa katatagan, kaunlaran at harmonya ng lipunan.
Ernest: Magandang magandang gabi po mga kaibigan. Welkam po sa bagong edisyon ng programang "Kaalaman sa Tsina" dito sa himpilang sapul sa inyong pulso at may pusong Pinoy, ang Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ako po si Ernest
Rhio: Magandang gabi po mga kaibigan. Naririto na naman po kami ni Ernest para sa isa na namang nagbabagang talakayan hinggil sa mga maiinit na isyung panlipunan dito sa Tsina. Ito po si Rhio.
Ernest: Rhio, ilang buwan kana rin dito sa Beijing, at nakabisita kana rin sa ibat-ibang lugar sa Tsina hindi ba? Ano ang naramdaman mo hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng bansa?
Rhio: Alam mo Ernest, talagang maunlad at napakalaki ng Tsina, at malayo na ang narating nito kapag ekonomiya ang pag-uusapan, lalung-lalo na ang Beijing. Sa palagay ko, isa ito sa mga pinakamauunlad na lunsod sa buong mundo. Pero, gaya rin ng iba pang mauunlad at malalaking lunsod sa daigdig, may mga bentahe at disbentahe ang pag-unlad na ito, katulad ng paglaki ng bilang ng mga mahihirap o iyong tinatawag na marginalized sector sa kalunsuran.
Ernest: Oo nga. Pamilyar na pamlyar kana sa situwasyon ng Tsina ah?.
Rhio: Hindi naman. Mahilig lang akong magbasa Hehehe…
Ernest: Mga kaibigan, sa programa ngayong gabi, tatalakayin po natin ang hinggil sa mga mayayaman at mahihirap na Tsino.
Rhio: Ah, tatalakayin pala natin ang hinggil sa iyong buhay, Ernest Hehehe…
Ernest: Ah, hindi. Ako ay isang karaniwang mamamayan lamang Ikaw talaga Hehehe… An gating paksa ay hinggil sa kung papaano makapagtatamasa ang bawat mamamayang Tsino ng bunga ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng bansa.
Rhio: Ah, akala ko ay tungkol sa iyo eh. Hehehe…
Part I: Ang dahilan ng agwat sa mga mayayaman at mahihirap.
Ernest: Sa mapayapang panahon, ang isyu ng agwat ng mayayaman at mahihirap ay madaling nagdulot ng pansin ng buong lipunan. Dahil ito ay nagiging dahilan ng kaguluhan at may mahigpit na kaugnayan sa pamumuhay ng mga karaniwang tao.
Rhio: Oo nga. Gusto kasi ng bawat tao na maging mas maganda ang kanilang pamumuhay.
Ernest: Oo. At kung inyo pong matatandaan, sa ating programa noong nagdaang linggo, tinalakay natin ang isyu ng mga "Second Rich Generation" (Rich 2G) at "Second Poor Generation" (Poor 2G). Rhio, bilang isa sa mga tao na di-katulad sa nasabing 2 uri, ano ang palagay mo hinggil sa kanila?
Rhio: Well, masuwerte ang mga Rich 2G, dahil hindi na nila kailangan pang magpunyagi sa buhay para magkaroon ng magandang inabukasan, pero para sa mga Poor 2G, salungat ang kanilang kapalaran. Kung patuloy na lalaki ang bilang ng mga mahihirap, mukhang di ito mabuti para sa kaunlaran at katatagan ng lipunan ng Tsina.
Ernest: Tama. Talagang kinakaharap ng pamahalaang Tsino ang hamon ng paglaki ng awgat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap.
Rhio: Oo. Sa palagay ko, hindi lang ang Tsina ang may problemang katulad nito. Ang ibat-ibang bansa sa daigdig ay kinakaharap din ang ganitong suliranin. Sa Pilipinas, patuloy din ang paglaki ng bilang ng mga mahihirap, at sa Kamaynilaan, makikita natin ang pagtaas ng bilang mga informal settlers na nagiging sakit ng ulo ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila.
Ernest: Ano ang palagay mong dahilan ng isyung ito?
Rhio: Sa totoo lang marami ang dahiln nito, pero ang pinakamalaking dahilan ay ang di-balanseng pagbahagi ng kayamanan at ang labis na kawalan ng pantay na pagkakataon sa disenteng edukasyon at trabaho. Isang halimbawa nito ay iyong tinalakay natin noong isang linggo na ang mga mahihirap ay nananatiling mahirap dahil hindi nila mapag-aral ang kanilang mga anak na nagiging dahilan ng poverty cycle.
Ernest: Oo, masasabing kulang sila sa pantay na pagkakataon sa kompetisyon at ang edukasyon ay isang masusing elemento. Halimbawa, sa pagpapa-aral ng mga anak, pumapasok sa pinakamahuhusay na paaralan ang 99% ng "Rich 2G," pero, sa kabila nito, di-lalampas sa 5% lamang ng mga "Poor 2G" ang kayang magpaaral ng kanilang mga anak. Kasabay nito, malayong maunlad ang pamumuhay ng mga "Rich 2G" sa mga "Poor 2G" sa laranagan ng katarungan at kakayahang pang-ekonomiya, na nagresulta sa obdiyektibong pagpapahigpit sa kanilang lakas na kompetetibo. Ito ay lalo pang magdudulot ng ibayo pang paglaki ng agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap sa hinaharap.
Rhio: Sang-ayon ako diyan, Ernest. Ang edukasyon ay nakakatulong nang malaki sa pagpapabuti ng pamumuhay at kung wala ito, magiging mahihirap ang isang tao. Katulad nga ng sinabi ko kanina, kung kulang sa edukasyon ang mga magulang, kung baga ay "no read, no write," dahil sa kahirapan, ito ay magreresulta sa mababang kalidad ng edukasyon ng kanilang mga anak, na magbubunga naman ng negatibong recycle.
Ernest: Aba! Siyempre!
Part II: Paraan sa paggarantiya ng pagtatamasa ng bawat tao ng bunga ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.
Ernest: Kayo po ay nakikinig sa programang "Kaalaman sa Tsina" dito sa Radyo Internasyonal ng Tsina. Kasama ko pa rin po si Rhio sa pagpapatuloy ng ating paksang pagpapaliit ng agwat sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap ng Tsina.
Minsan ay may nabasa akong ulat mula sa mga dayuhang media na nagsasabing ang Tsina ay nasasadlak sa isang mabigat na suliranin dahil sa unti-unting paglaki ng agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap.
Rhio: Alam mo, Ernest, sa isang banda tama rin iyong ulat na nabasa mo, dahil katulad nga ng binanggit natin kanina, hindi lang naman ang bansang Tsina ang mayroong ganitong suliranin eh, halos lahat naman yata ng bansa sa buong mundo ay ganito ang kinakaharap na problema.
Ernest: Oo nga, ito ay isang malaking isyung panlipunan sa buong daigdig. At sa palagay ko, kailangang magbigay pa ang pamahalaang Tsino ng mas malaking pansin sa paglutas ng isyung ito. Ikaw, Rhio, bilang isang dayuhan, papaano malulutas ang problemang ito?
Rhio: Sa palagay ko, dapat ay magkaroon ng mas malaking involvement ang lahat ng may-kinalamang panig bago ang pagpapatibay ng mga batas, puwede ring bigyang-pansin dito ang pampublikong opiniyon at kaisipan, nang sa gayon, magkaroon ng obligasyon ang mga pribadong mamamayan para sa pantay na pagbabahagi ng yaman sa pamamagitan ng donasyon upang maisaayos ang kalagayang panlipunan.
Ernest: Oo. Dito sa Tsina, may malaking espasyo para sa larangang ito, dahil ngayon, ang pamahalaan lamang ang gumawa ng malaking papel. Dapat ay gumawa rin ng mga hakbangin ang pribadong sektor para malampasan ang suliraning ito.
Rhio: Tama ka Ernest. Hindi lang dapat ang pamahalaan ang gumagalaw sa isyung ito, ang lahat ng mga mamamayan at lahat ng may-kinalamang panig ay dapat na nakakapit-bisig at nagtutulungan para malampasan ang pandaigdigang suliranin na ito.
Ernest: Oo. Ang pagpapataw ng inheritance tax ay isa ring hakbangin na lubhang makakabuti sa situwasyon, dahil ito ay lehitimong magpapanatili sa bahagi ng kayamanan ng mga mamamayan at ito ay magkakaloob ng mas maraming pondo sa pamahalaan at sa common wealth.
Rhio: At ayon sa mga may kinalamang karanasan ng mga mauunlad na bansa hinggil sa tax, maganda ang papel na ito sa pagsasaayos ng kayamanang panlipunan.
Ernest: Oo. Para sa pamahalaang Tsino, bukod sa pagbibigay-tulong sa mga mahihirap sa larangang material na gaya ng pondo, dapat din itakda ang mga patakaran at hakbangin para mas maiging matulungan ang mga mahihirap na Tsino.
Rhio: Sa isa pang banda, dapat ding bigyang-diin ng pamahalaan ang pagkakapantay-pantay para maiwasan ang negatibong epekto ng labis na pananabik ng mga entrepreneur sa kaunlarang dulot ng pagyaman.
Ernest: Oo. Ang pag-unlad ng isang bansa ay dapat magbibigay ng mas maraming pagkakataon sa pagpapabuti ng kabuhayan ng mga mahihirap, at dapat ay magkaroon din ng pagpapahalaga ang lipunan at pribadong sektor sa pagpapahigpit ng mainam na relasyon at pag-uunawan sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap.
Rhio: Tama. Dapat sumuporta ang lipunan sa hangarin ng pamahalaan na magkaroon ng maginhawang pamumuhay ang lahat ng mamamayan. Sa kasalukuyan, ang pinakamahalagang bagay ay ang pagpawi sa diskriminasyon at kawalang-katarungan, para maipakita sa mga mahihirap na mayroong katarungang panlipunan, at magkaroon sila ng kompiyansa na magkakaroon ng magandang hinaharap.
Ernest: Wow! Magaling ka rin pala sa sikolohiya ah? Hehehe…
Rhio: Tagala? Siguro, puwede rin akong maghanap ng part-time job bilang psychologist para kumita ng mas malaki Hehehe… Mahirap kasi ang maging dukha eh.
Ernest: Oo. Ako rin para maging mayaman tayo Hehehe…
Rhio: Eh, mayaman ka naman talaga eh Hehehe…
Ernest: Mayaman lang tayo sa pagmamahal at kaisipan Hehehe…
/end//
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |