|
||||||||
|
||
Tanawin ng Lunsod ng Fuding sa gabi
Fuding, sa baybayin ng East China Sea
Ang Fuding ay isang lunsod ng Lalawigang Fujian at ito ay 299 na kilometro sa hilaga ng Fuzhou, punong lunsod ng lalawigang ito. Ang Fuding ay baybaying-lunsod at sa gawing timog silangan nito ay East China Sea. Bagama't maliit ang saklaw ng lupa ng Fuding, malawak ang rehiyong pandagat nito na mas malaki ng 10 beses kaysa saklaw ng lupa at marami ring mga isla sa karagatan.
Bundok ng Taimu
Mga taluktok na nababalutan ng makakapal na ulap
May isang bantog na lugar na panturista sa Fuding at ito ay ang Taimu Mountain. Ang bundok na ito ay 45 kilometro sa timog ng kalunsuran ng Fuding at napapaligiran ng dagat sa tatlong gilid. Ang mga may kakaibang hugis na malaking bato, nagdadamihang kuweba, mga ilog at talon at mga taluktok na nababalutan ng makakapal na ulap ay nagsisilbing mga pangunahing tanawin ng bundok. Dahil sa mga magagandang tanawing ito at posisyong heograpikal, ang Taimu Mountain ay tinaguriang "Paraiso sa dagat".
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |