![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Mga babae ng Etnikong She
Ang Etnikong She ay isa sa mga pambansang minorya ng Tsina at ang mga lugar sa timog silangang Tsina ay ang pangunahing purok-panirahan nila. Kabilang dito, halos 40 libong She ang naninirahan sa Fuding.
Maaring ituring ng mga bumibisita sa Fuding na kaakit-akit ang pagdalaw sa mga She villages. Maari ninyong makita ang mga babaeng She na nakasuot ng kanilang makukulay na katutubong kasuutan at abala sa trabaho. Maoobserbahan din ninyo ang mga may edad nang babae na gumagamit ng lumang istilong habihan sa paghahabi ng tela.
Alak-bigas ng Etnikong She
Magaling ang Etnikong She sa paggawa ng alak-bigas. Katangi-tangi ang kanilang alak dahil nilagyan ng mga damo at bulaklak na galing sa bundok sa proseso ng ferment. Kaya, karapat-dapat na tikman ang ganitong alak sa panahon ng pagbisita sa mga She villages.
Palabas ng pagsayaw at pag-awit
Ang Etnikong She ay mahihilig ding kumanta at kumakanta sila habang nagtatrabaho, habang sumasalubong sa mga bisita at kung nagdaraos ng mga rituwal ng pag-aalay ng sakripisyo. Sa She villages sa Fuding, maari ring panoorin ng mga turista ng palabas ng pag-awit ng Etnikong She.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |