|
||||||||
|
||
Ngayong episode, hahanapin natin ang solusyon sa problema ni Jerry.
Bakit mataas ang upa?
Tulad ng sabi ni Jerry, alam nating nagsisikap ngayon ang pamahalaang Tsino para makontrol ang mabilis na pagtaas ng presyo ng mga tirahan. Ginamit nito ang iba't ibang paraang tulad ng pagtataas na interest rate ng pautang, itinakdang dapat ay dalawang housing units lamang ang bawat pamilya at para sa mga outsider, dapat magpakita sila ng katibayan ng pagbabayad ng buwis at social security. Tapos, itinakwil ng maraming tao ang pagbili ng bahay. Tapos, pumunta sila sa rent market. Tapos, tumataas ang upa.
Bakit napakataas ng upa sa Wudaokou?
Una, napakaginhawa ng komunikasyon doon. May subway at maraming bus na puwedeng magtravel sa iba't ibang kanto ng Beijing. Second, napakasagana ng kapaligiran roon, maraming tindahan, book store, restarant, samantala, the most important, ito ang lugar kung saan nagtitipun-tipon ang maraming first class na elementary school, high school at pamantasan ng Tsina, tulad ng Tsinghua University, Peking University at Beijing Language and Culture University na gustong enrolan ng mga overseas student.
Paano makakaupa ng isang magandang bahay sa Beijing?
Para sa katulad ng poging si Joshua na marunong mag-Chinese, puwede siyang pumunta sa real estate agency o website para pumili ng matitirahang bahay. Para naman doon sa mga Pilipino na hindi nakakapagsalita ng Chinese, puwede silang lumapit sa mga kaibigang Chinese at mga may karanasang kababayan. Halimbawa, dun sa mga Pilipino na kararating lang ng Beijing, puwede silang humingi ng tulong kay Joshua o kay Sissi. At kung wala sa mga kaibigan mong marunong ng Chinese, puwede rin nilang bisitahin ang mga website at agency na may English Service tulad ng www.cityweekend.com.cn at homelink. Marunong mag-Ingles ang karamihan ng mga Pilipino.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |