![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Magandang magandang gabi po, mga music fans sa Batangas, Cagayan, Metro Manila, Zambales, ayon sa mga address na nagteks at nag-iwan ng mesahe sa Pop China, nakararami ang mga mamamayan mula sa nasabing mga probinsya. Muli, maraming maraming salamat po sa inyong paglahok sa espesyal na progrema ng Second Birth Anniversary at sana laging kinakatigan ang Pop China at inyong Happy DJ na si Sissi.
Sayang, natapos na ang masaya at masaganang Birthday Party ng Pop China noong Sabado at umalis na ang mga "Big Stars". Medyo malungkot ang pakiramdam ko. How much I hope that every day is a birthday, puwedeng magsalu-salo tayo araw-araw at lingo-linggo, puwedeng matanggap ang greetings bawat sandali at bawat minuto. Pero, kung magkakatotoo ang pangarap ko, iniisip kong tuwing maririnig ninyo ang boses ko, pinapatay ninyo ang inyong radyo at hindi ako pinapansin ng mga tao.
Kayo'y nasa China Radio International, programang Pop China na inihahatid sa inyo ng inyong happy DJ na si Sissi. Babalik tayo sa music chart at iri-reveal muna natin ang tatlong pinkapopular na kanta mga nakaraang linggo.
Ika-3, kantang "Old Boy" na ibinigay ng bandang Brother Chopsticks.
Ika-2, "Battle", na kaloob ng Flying Warrior, Kobe Bryant at king of Pop,Jay Chow.
Ang winner is…kantang "Wanted" na inawit ng very hot na hip-hop boy nating si Wilber Pan.
Sa ika-23 ng Abril, magpapublisize si Amei ng kanyang bagong album- ang "Are U Watching Me". Ang black and white na prevue ng kanyang MV, 5 second lang at tanging nakitang nag-flash ang isang shadow at narinig ang isang parang ghost na boses na nagsasabing "Are U watching me" sa huling dako ng video. Kumalat ito agad sa Internet bilang pinakamagandang material na ginamit noong April Fool's Day. Bilang tanging Taiwanese singer na nag-appear sa balat ng Times Magazine, si Amei ay nakapagrekord ng maraming great hits. Naririnig ninyo ang title song ng bagong album niya na pinamagatang "What's the time".
Nitong 30 taong nakalipas, sa HongKong, naging popular ang isang 20 taong gulang na kabataan dahil sa kanyang mahusay na pagpapakita sa isang serya ng TV series at pelikula. At naturally, ipinalabas niya ang unang album. Noong panahong iyon, posibleng hindi niya naiisip na magiging super super star siya sa buong Asya. Siya ay si Andy Liu. 30 taong na ang nakaraan, hindi lamang ang kanyang imahe sa iba't ibang classic film ang natatandaan ng mga mamamayan, kundi maging ang maraming classic hits na inawit niya. Noong ika-23 ng kasalukuyang buwan, sisimulan ni Andy ang kanyang Unforgetable World Tour mula sa Beijing. Ang naririnig ninyo ay ang theme song ng nasabing concert na "I don't wanna say goodbye", I don't wanna say goodbye, you know how much I love you. Masasabi naming isinatono niya sa kantang ito ang lahat ng pananalita na gusto niyang sabihin sa kanyang mga tagahanga.
Sa mula't mula pa'y, iniisip kong isagawa ang pagbabago sa porma ng Pop China at mula sa ngayong gabi, bubuksan natin ang isang bagong bahagi sa Pop China na tinatawag na "Gramophone." Sa bahaging ito, babalik-tanawin natin ang mga classic hit na inawit ng mga super star. Posibleng bihira na silang makita ng publiko o sumakabilang buhay na, pero, nananatili iyong melody at alaala na dala ng kanilang boses.
Madalas na nag-iwan ng mesahe sa akin ang mga music fans at sinasabing ang poborito nilang Chinese Singer ay si Teresa, Teresa Teng. At sinabi naman minsan ng kasamahan ko, si Joshua, na si Teresa ay pinakapopular na singer sa puso ng kanyang tatay at nanay. Posibleng kung hindi yumao nang gayon kaaga, malamang na naging pinakapopular na Chinese Singer sa buong daigdig si Teresa. Marunong siya ng Mandrine, Fujianese, Cantones, French, Hapones, Indonesian at bagong isinilang si Sissi, nagdaos ng konsiyerto si Teresa sa Hapon, Malaysiya, Indonesiya, Thailand, Philippines at iba pang bansang Asyano. Ngayong gabi, pinipili ko ang kanyang kantang "when will you come again." Sa saliw ng kanyang matamis at malamig na boses, wish ko na magkaroon kayo ng isang mapayapang weekend.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |