Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China ika-14 2011

(GMT+08:00) 2011-04-26 14:44:37       CRI

Magandang-magandang gabi. Happy Easter sa inyo! Ito muli si Sissi, ang inyong ever happy DJ, na sabik na sabik na makapiling kayo sa Pop China especially ngayong bisperas ng Pasko ng Pagkabuhay.

According to the Canonical gospels, Jesus rose from the dead on the third day after his crucifixion. His resurrection is celebrated on Easter Day or Easter Sunday dahil ang Easter ay isang kapistahang may kinalaman sa tag-sibol at resurrection. Noong ika-19 na siglo sa Estados Unidos, si Gt. Dolly Madison, asawa ng ika-4 na Pangulong Amerikano ay naghandog ng isang egg roll sa Washington, D.C. at inimbitahan niya ang lahat ng bata sa Washington na pagulungin ang nilagang itlog sa grassland ng bagong Capitol building o White House at nagpatuloy ang kaugaliang ito hanggang sa kasalukuyan. (liban noong mga taon ng digmaang panloob.)Ang Easter ay tanging araw sa buong taon na puwedeng maglakad-lakad ang mga turista sa damuhan ng White House.

Kayo'y nasa China Radio International, programang Pop China na inihahatid sa inyo ng inyong happy DJ na si Sissi. Babalik tayo sa music chart at iri-reveal muna natin ang tatlong pinkapopular na kanta sa mga nakaraang linggo.

Ika-3, kantang "Old Boy" na ibinigay ng bandang Brother Chopsticks.

Ika-2, "What's the time" na kaloob ng queen of Pop na si Amei.

Ang winner is…"Battle", na kaloob ng Flying Warrior, Kobe Bryant at king of Pop, Jay Chow.

Sa Alemanya, ALPS, sa umaga ng Easter, nagbibigay ang babae ng tatlong pulang itlog sa lalaki, at ito ay nangangahulugang in-love siya sa lalaking iyon. Sa Hungary naman, kung Lunes ng umaga, sinisimulan nila ang Water Sprinkling festival, pero, tanging ang lalaki lang ang nagwiwilig ng tubig sa babae—lalong lalo na sa magandang babae. Ayon sa alamat na lokal, noong nabuhay namag-uli si Jesus Christ, para mapigil ang mga babae sa Jerusalem na ikalat ang balita tungkol sa resurrection ni Jesus Christ, binubuhusan daw sila ng tomb keeper ni Jesus Christ ng tubig para i-disperse sila.

May ilang tao, na sapul ng ipanganak ay natatakot nang tumingin nang deretso sa mata ng iba. May ilang tao naman na hindi alam ang pagkakaiba ng tawa at luha, at may ilang tao naman na bagama't 30 taong gulang na ay patuloy pa ring nag-aaral kung paanong mangumusta at makipagkilala sa iba. Ang naririnig niyo ay theme song ng World Autism Day na inawit ni Jue Chow. Sa kanta, sinabi niya na "you are the only one in this world and how pure and beautiful this world is. You are the only one in this world, magpainit ang aking puso."

Ang naririnig ninyo ay kantang "Magandang Gabi" na hatid ng new generation idol singer na si James Lin. Kung sa gabi, bago matulog, may maririnig kayong magnetic voice na nagsasabing "Good Night" sayo, tiyak na may isang mapayapa at masayang pangitain-- lalong-lalo na kung siya ay isang poging batang lalaki.

Sa unang episode ng Gramophone, binalik-tanaw natin ang clssic hit "When Will You Come Again" na ibinigay ni forever super star na si Teresa Teng. Actually, kasabay ni Teresa, may isa pang popular na babaeng singer na nananatiling aktibo sa sirkulong musikal ng wikang Tsino. Siya ay si Fong Feifei. Baka hindi siya kilala ng mga kabataan, pero, tiyak na pamilyar kayo sa kanyang mga classic hits. Susunod, kasiyahan natin ang isang obra na kumakatawan sa kanya-Dream Chaser.

Hindi katulad ni Teresa na may isang natural born na golden voice, dahil isinilang sa isang maliit na nayon, hindi maganda ang kanyang pronunciation at buong lakas na nagsisikap siya at nag-aaral mula sa mga beteranong composer. Maski hanggang ngayon, mahigit 50 taong gulang na si Fong feifei, pero patuloy pa rin siyang gumigising nang maaga, tumatakbo at nagpapraktis kumanta araw-araw.

Sa rehiyon ng Bavaria, sa Alemanya, ang mga residente ay nagdaraos ng torch relay bilang pagdiriwang sa resurrection ni Jesus Christ. At bilang tanging pambansang minorya ng Alemanya, tuwing Easter, ang mga Serbian ay sumasakay ng kabayo na napapalamutian ng bulaklak, makukulay na ribvbon at puting kabibi, at magkakaamang kumakanta ng song of praise. Pagkaraan ng 40 araw ng Semana Santa, anong gagawin niyo para salubungin ang resurrection ni Jesus Christ? OK, huwag kalimutang pakisabi sa akin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng mensahe sa aming website:Filipino.cri.cn o pagteteks sa 09212572397. muli, Happy Easter, in advance. See u next week.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>