|
||||||||
|
||
Host: Ang paksa natin sa gabing ito ay ang katotohanang, gustuhin man natin o hindi, tayo ay haharap sa pagtanda. Lahat tayo ay tatanda sa malao't madali, eka nga nila.
Q: Naisip mo na ba kung ano ang gagawin mo sa iyong pagtanda? Naisip mo na ba ang iyong pagreretiro?
A: (background music)
B: (background music)
Host: Alam ba ninyo, substansiyal ang pagdami ng matatanda sa daigdig.
Materyal:
Ayon sa estadistika ng United Nations (UN), sa taong 2050, aabot sa halos 2 bilyon ang bilang ng mga matatanda na may edad na 60 taong gulang pataas. Ang bilang na ito ay bubuo sa 21% ng buong populasyon ng daigdig, at lalampas sa bilang ng mga batang may edad na 14 na taong gulang pababa.
Sa Tsina, 167 milyong matatanda na ang nasa edad 60 taong gulang pataas at hanggang sa 2020, magiging 248 milyon ang bilang na ito. Ayon sa ibat-ibang imbestigasyong lumabas kamakailan na pinag-usapan, at pinag-uusapan pa rin sa maraming porum, gaya ng telebisyon, radyo at ibat-ibang website sa world wide web (www), ang ikinababahala ng mga matanda ay iyong kawalan ng mag-aalaga sa kanila.
Q: Sino ang magsasabalikat sa mas mabigat na responsibilidad sa pag-aalaga sa mga matatanda, ang lipunan o ang mga indibiduwal na pamilya?
A: Lipunan
(1) Kailangan ang may kinalamang batas.
Materyal: Hapon
Ang pagtanda sa bansang Hapon ay kapansin-pansin. Animnapung porsiyento ng mga manggagawa sa industriyal na sektor ay nasa 65 taong gulang na pataas.
Noong 1963, itinakda ng Hapon ang "Elderly Welfare Law" at ibayo pa itong sinusugan nitong mga nakalipas na taon. Ang nilalaman nito ay kinabibilangan ng pagtatatag ng pamahalaan ng Nursing Houses na magkakaloob ng serbisyo para sa mga may dementia, bed-ridden at iba pang matatanda na mahina ang katawan; itatatag din nito ang paraan at sistema na angkop sa pag-aasikaso sa mga matanda; lilikha ito ng mas maraming trabaho para sa mga matanda; magsasagawa ito ng patakarang preperensiyal sa badyet na piskal ukol sa pag-aalaga sa matatanda at iba pa.
(2)Kailangan din ang social insurance.
Materyal: Estados Unidos
Sa Amerika, ang social insurance system ay isang sistema upang ang lahat ng mga employer at employee ay inoobligang magbayad ng buwis para sa "Social Security." Noong 2010, ang halaga ng "Social Security" ay 19.63% ng buong piskal na badyet ng bansa: mas malaki sa halaga ng badyet sa depensa na umabot lamang sa 18.74% ng kabuuang piskal na badyet.
B: Pamilya.
Ang lipunan ay nagkakaloob ng material na pag-aalaga sa mga matatanda, subalit ang mas malaki nilang pangangailangan ay ang spiritual na pag-aalaga.
Discussion:
Ang mga anak ay inaalagaan ba ang mga matatanda?
Sila ba ay nangungulila?
Mayroon bang generation gap?
Host: E.U.
Materyal:
Ayon sa plano ng isang organo sa Chicago, Illinois na tinaguriang "Magkakasamang Pagtatamasa ng Tahanan," nakipag-ugnayan sila sa mga matanda na walang anak, at naghanap sila ng mga taong puwedeng mag-aruga sa kanila. /end//
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |