Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Happiness: learn to love from the start

(GMT+08:00) 2011-05-10 18:28:50       CRI

Noong ika-12 ng Abril ng taong ito, isinapubliko ng lupong pang-edukasyon ng Beijing ang burador ng kurso hinggil sa Mental Health ng mga University Students. Sa burador na ito, may isang kabanata na nagtuturo ng pakikipagrelasyon sa kabilang kasarian o lovelife at kung papaano haharapin ang mga isyung katulad nito. Ito ay nangangahulugan na ang kurso sa pakikipagrelasyon sa kabilang kasarian ay may pag-asang maging kompulsaryong kurso sa mga kolehiyo at pamantasan sa Beijing.

Question1: Kailangan ba ang pagtatatag ng isang kurso hinggil sa pakikipagrelasyon sa kabilang kasarian sa mga pamantasan at kolehiyo?

Opinion: Masasabing ang pagmamahal at pakikipagrelasyon sa kabilang kasarian ay isang habang-buhay na karanasan at hindi ito maiiwasan at sa totoo lang, hindi mapipigilan kung talagang lalapit at darating ang pagmamahal dahil lagi itong nagmumula sa kaibuturan ng puso. Kaya, kailangang-kailangan ang ganitong uri ng aralin, ang dapat malaman ng mga etudyante sa kursong ito ay iyong mga saligang prinsipyo o rules sa pakikipagrelasyon sa kabilang kasarian na gaya ng kung papaano ipapahayag ang pagmamahal o tumanggi sa panliligaw para hindi masaktan ang sarili at kapuwa at iyong iba naman, kung papaano mahihilom ang sarili sa napaparam na pagmamahal at iba pa.

Napapanahon na ang pagkakaroon ng ganitong klase na magtuturo hinggil sa pagmamahal. Kung maituturo sa mga kabataang ito paano harapin ang mga problema hinggil sa pagmamahal sana'y hindi na nangyari ang mga sitwasyon tulad nalang ng isang estudyanteng nag-aaral sa Wuhan university na sa kapaskuhan imbis na magsaya ay nagpasiya siyang magpakamatay sa pangatlong pagkakataon dahil lamang nakipaghiwalay sa kanya ang kanyang nobyo. Isa pa ay sa Zhejing province naman na kung saan lumunok ng pesticide ang isang estudyante dahil lamang nais ng kanyang nobyo na makipaghiwalay sa kanya at tumanggi itong sagutin ang kanyang mga text messages.

Ang kaugalian at katinuan ng isang bata ay sa bahay talaga nagsisimula. Nararapat lamang na ang magulang ang unang magturo sa bata kung paano hindi lang magmahal at kung paano makipag-ugnayan sa kapwa.

Question2: Kung sakaling ito ay ipatutupad, kakaharapin ang mga problema ng pamahalaan at mga paaralan. Ano sa palagay ninyo ang pinamakaling hadlang sa pagpapatupad ng panukalang ito?

Opinion: Ngunit hindi kailangang gawing kumpulsaryo ito dahil nga ang pag-ibig nga naman ay hindi nababse sa libro, ito'y dapat maransan. Maaaring makatulong ang mga nakasaad sa libro ngunit walang nakakaalam kung epektibo nga ito kung hindi mo susubukan.

Ang pinakaimportante sa pagpapatupad ng kursong ito ay kailangang-kailangan iyong mga professional teacher, dapat meron silang professional training sa psychology, lalong lalo na sa psychology ng mga estudyante ng kolehiyo at pamantasan. Bukod dito, kung may mahaharap na problema sa pakikipagrelasyon sa kabilang kasarian ang mga estudyante, dapat lagi silang humanap ng kaukulang tulong mula sa kanilang guro, kaya, mas maganda kung may isang opisina sa kolehiyo o unibersidad kung saan laging puwedeng dumulog ang mga estudyante para makatanggap ng tulong.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>