Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kinabukasan ng Wenchuan, mas maganda at mas maunlad

(GMT+08:00) 2011-05-19 16:25:43       CRI

Ang ika-12 ng Mayo ng taong 2011 ay ika-3 anibersaryo ng malakas na lindol sa Wenchuan ng lalawigang Sichuan. Ano ang kalagayan ng mga nilindol na purok ngayon? Ano ang pamumuhay ng mga mamamayang lokal? Imbitahan natin si Joshua, na kamakailan ay bumisita sa purok kalamidad sa Sichuan, upang isalaysay sa atin ang kalagayan ng mga ito matapos ang 3 taong rekonstruksyon.

Part I: Kalagayan ng rekonstruksyon sa nilindol na purok

Sa kasalukuyan, maayos ang pamumuhay ng mga lokal na residente sa nilindol na purok, may hotel at inns, malinis ang pagkain at napakalakas ng signal ng cellphoes kahit malayo ang lugar sa centro ng Sichuan. Dahil sa rekonstruksyon, halos wala talagang makitang bakas ng paglindol. Napakaayos ng paligid at napakasaya ng mga tao dahil may bago na silang tirahan at pamumuhay.

Ang mga bakas na iniwan ng Lindong Wenchuan

Sa Beichuan old county na ginawang isang museo, hindi na inayos ang lugar dahil nag-aalangan na sila sa tibay ng lupa dito, kaya't upang alalahanin ang nangyari noong mayo 12, dumarayo ang mga residente dito bawat taon.

Pinakataas na palapag ng gusaling ito ang naiwan

Part II: Prospek ng pagunlad ng mga nilindol na purok sa hinaharap

Marami silang paraan na ginagawa upang paunlarin ang sariling pamumuhay. May mga bahay din doon na ginawang nang inns para matirhan ng mga turista. Marami din silang mga gawang kamay na souveniers na hindi nila alam dati na pwede silang kumita ng pera sa pamamagitan ng paggawa nito at ngayo'y ginagawa na nilang business.

Punung-puno ng kumpiyansa sa sarili, punong-puno sila ng pag-asa sa buhay. Marami sa kanila ang umaasa ngayon sa turismo. Kaya't ginagawa nila ang lahat upang makaakit ng mas maraming turista para sa ikagiginhawa ng kanilang pamumuhay at sa mga susunod na henerasyon.

Ang resulta ng dekamay na pagbuburda ng mga lokal na residente

At syempre tinutulungan din sila ng pamahalaan upang matamo ang kanilang mga layunin. Nagkaloob ang pamahalaan at iba't ibang sirkulo ng lipunan ng malaking tulong sa kanila. Halimbawa nalang ay ipinangako ng pamahalaan ng Tsina na gagastos ito ng 1 trillion yuan o $146.5 bilyon sa panahong iyon sa tatlong taong hinaharap upang muling itayo, ayusin, pagandahin ang mga nasalantang lugar.

Ilan sa mga presentasyon sa loob ng Ba Naqia Commercial Street

Sa tulong ng pamahalaan at sa pagtulong nila sa sarili, siguradong magbabago nang malaki at magiging mas maganda ang kinabukasan doon.

Ang pagkulay sa iba't ibang guhit ng mga kabataan dito

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>