|
||||||||
|
||
White Horse Temple sa Luoyang
Lunsod ng Luoyang sa gabi
Ang Luoyang ay isa sa mga lunsod na may pinakamahabang kasaysayan sa Tsina at sinasabing dito nagsimula ang sibilisasyon ng Nasyong Tsino. Ang kauna-unahang lunsod na naitayo noon 2070 BC ay ang Luoyang ngayon at ang unang tatlong dinastiya ng Tsina ay pawang nagtayo ng kani-kanilang kabisera sa lugar na ito. Pagkaraan nito, ang Luoyang ay naging kabisera rin ng ilang mahalagang dinastiya ng Tsina at nananatili itong isa sa mga pinakamahalagang lunsod sa kasaysayan ng bansa.
Bulaklak na Peony
Ang Luoyang ay kilala rin dahil sa isang uri ng bulaklak na tinatawag na peony. May mahigit 1400 taon na ang kasaysayan ng pagtatanim ng peony sa Luoyang at dahil dito kaya't tinagurian "The City of Peony" ang Luoyang. Dahil sa angkop na angkop na lupain at klima sa lokalidad, ang bolyum ng mga peony na naitatanim sa Luoyang ay pinakamalaki sa Tsina at isa rin ito sa pinakamagandang bulakalak sa Tsina.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |