|
||||||||
|
||
Longmen Grottoes
Ang Longmen Grottoes ay matatagpuan sa 12 kilometro sa dakong timog ng Lunsod ng Luoyang. Ang mga nililok dito'y pawang may kinalaman sa relihiyong Budismo. Ang mga grotto ay matatagpuan sa matatarik na dalisdis ng dalawang magkatapat na bundok sa magkabilang pampang ng Ilog Yishui na kung saan ang Bundok Longmen sa silangang pampang at Bundok Xiangshan sa kanlurang pampang.
Longmen Grottoes sa pampang ng Ilog Yishui
Humigit kumulang sa isang kilometro ang haba ng Longmen Grottoes mula timog hanggang hilaga. Sinimulang tabtabin ang Longmen Grottoes noong 493 AD sa panahon ng Dinastiyang Hilagang Wei dahil ang emperador nito ay isang matapat na mananampalataya sa Budismo at hanggang sa kasalukuyan, ang Budismo ay nanatiling pinaka-pangunahing relihiyon sa Tsina.
Pinakamalaking istatuwa sa Longmen Grottoes
Mga maliit na istatuwa
Pagkatapos ng Hilagang Wei, ang mga dinastiya ng Tang, Song at 3 pa ay nagtabtab din ng malaawakn doon ng mga grotto. Tumagal ng mahigit 400 taon saka natapos ang pagtatabtab. Sa ngayo'y may 2345 grottoes at niches , mahigit 100 libong istatuwa ng Buddha, 43 pagodas at mahigit 3600 tablets at steles ang matatagpuan sa Longmen Grottoes.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |