|
||||||||
|
||
Para sa mga babae, mahalaga ang first impression at ang mga katangian ng isang lalaki, na gaya ng matangkad, guwapo, macho, humorous.
Pero, hindi ito ang lahat ng mga katangian ng tipong lalaki. Lubos kasing pinahahalagahan ng mga babaeng Tsino ang kalooban ng lalaki na gaya ng pagiging mabait, maginoo, magalang sa mga magulang, mahusay sa pag-aasikaso, at iba pa. Ito kasi ang mahalagang pundasyon para sa matagal at matatag na pag-iibigan. Ito ang palagay ng mga babae at lalaking Tsino.
Para sa isang karaniwang lalaking Tsino, ang unang hakbang para magustuhan sila ng mga babae ay to make the girl want to know you more. Kaya masasabing dapat maging funny ang mga lalaki at marunong masyadong mag-express ng nararamdaman sa harap ng mga babae.
Siyempre, mahalaga rin ang paraan at pagsisikap para ipakita ang nararamdaman ng isang lalaki at saka mahalga din ang mga bulaklak, regalo, papuri, at iba pang mga bagay na magpapakita ng pagsinta.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |