Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagiging mayaman at mabait, mahirap ba?

(GMT+08:00) 2011-05-26 15:55:51       CRI

Si Chen Guangbiao, Chairman of the Board ng Jiangsu Huangpu Recycling Resources Company, pambansang moral model, ginawaran ng Labor Medal at pambansang model ng Pakikibaka Laban sa Lindol at Gawaing Panaklolo sa Wenchuan noong ika-12 ng Mayo, 2008.

Nitong nakalipas na 10 taon, lampas na sa 810 milyong Yuan RMB ang halaga ng lahat ng donasyon ni Mr. Chen, dahilan, kung bakit tinawag siyang China's Top Philanthropist noong 2008 at 2010. Sa kaniyang sulat kay Bill Gates at Warren Buffet noong 2010, sinabi ni Mr. Chen na ido-donate niya ang lahat ng kanyang mga ari-arian pagkamatay niya.

Kasabay ng pagiging kilala si Mr. Chen, maraming tao ang bumatikos sa kanya, mayroong mga nagsabi na siya ay isang fake philanthropist, hindi naman ganoon karami ang kanyang donasyon, at sabi naman ng ilan, ang kanyang pagkakawang-gawa di-umano ay isang performance o para sa publicity lamang.

Q:Ano ang masasabi ninyo hinggil sa gawain ni Mr. Chen? Batikos or papuri?

R1: Kailangan ng lipunan ang naturang charity. Ang ginawa niya ay nagsisilbing modelo para sa mga mayaman.

Sa blog ni Mr. Chen, sinabi niyang, umaasa siya na sa pamamagitan ng ng media, mas maraming tao ang makakaalam ng kanyang ginagawa at sa pamamagitan nito, sana ay sumunod din sila sa kanyang advocacy na pagtulong sa kapwa.

J1. Ang totoong dalihan ng kanyang charity ay hindi pagbibigay ng tulong sa mga mahirap, kundi, tax evasion o pagpapaalam sa lipunan na siya ay isang civic-minded na mangangalakal, para i-propaganda ang sarili o iyong tinatawag na pagpapapogi lamang.

R2. Hindi mahalaga kung ano ang totong dahilan ng donasyon, ang importante ay iyong resulta nitong tulong sa mga mahirap.

Noong ika-12 ng Mayo, taong 2008, 2 oras pagkatapos ng super lindol sa Wenchuan County, probinsya ng Sichuan, ipinadala ni Chen ang 60 mobile machinery shop, kasama rin siya sa mahigit 120 katao na pumunta sa Wenchuan para isagawa ang gawaing panaklolo. Halos kasabay nilang nagtungo sa nilindol na purok ang tropang Tsino at sila ay isa sa mga kauna-unahang grupong sibilyan na tumulong sa Wenchuan.

Sa Beichuan Middle School naman, ang kanyang grupo ay naging responsible sa paghanap at paghukay ng 208 bangkay mula sa guho ng lindol at nakapagligtas din sila ng 3 bata. Dahil dito, ipinahayag ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina ang kanyang pasasalamat at "salutations" kay Chen.

R3. Kung babatikusin pa ng lipunan ang ginagawang pagkakawang-gawa ni Chen, baka sa hinaharap ay wala nang sumunod sa yapak niya at wala na ring magbigay ng tulong sa mga nangangailangan.

J2: Ang batikos kay Mr. Chen ay nagpapakita ng kakulangan sa sistema ng charity, ang batikos ay makakabuti sa pagsasa-ayos ng patakaran.

J3: Ang pagde-dessiminate ng impormasyon ng media ay dapat ding pabutihin.

/end//

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>