|
||||||||
|
||
Kanal ng Wuxi sa gabi
Ang Wuxi ay isang makasaysayang lunsod sa Lalawigang Jiangsu sa silangang Tsina at dumaraan dito ang Beijing-Hangzhou Grand Canal. Ang lunsod na ito ay isa sa 10 pinakamagandang tourist cities ng Tsina at kilala ito dahil sa Lawa ng Taihu at kanal.
Kanal, tumatawid sa Wuxi
Kanal at mga makasaysayang arkitektura sa dalawang pampang nito
Mayroon nang kanal sa Wuxi bago pa man magkaroon ng Beijing-Hangzhou Grand Canal. Ang kanal na ito ay hinukay noong 3000 taon na ang nakaraan para sa irigasyon at pag-iwas sa baha. 11 kilometro ang kabuuang haba ng kanal na ito na tumatawid sa lunsod. Sa panahon ng konstruksyon ng Beijing-Hangzhou Grand Canal, inilakip bilang bahagi ang kanal sa Wuxi. Ang kanal at mga makasaysayang arkitektura sa dalawang pampang nito ay dalawa sa mga pangunahing elementong panturismo sa Wuxi.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |