|
||||||||
|
||
Noong, itinuturing na of the world ang Beijing, pero ngayon, sa Beijing, at ibang mga lunsod sa Tsina, makikita ninyong kakaunti na lamang ang mga bisikleta. Higit pa wala na rin ang mga bicycle lanes sa mga malaking kalye sa mga naturang lunsod.
Pero mula 1950s hanggang 2000, ang bisikleta ay ang pangunahing kasangkapan sa paglalakbay ng mga Tsino. Noong panahong iyon, kakaunti pa ang kotse at taxi, kaya, sumasakay din ang mga dayuhan sa bisikleta sa kanilang paglilibot sa Beijing. Mahal din ang presyo ng bisikleta na nagkakahalaga ng ilang buwang suweldo ng isang karaniwang manggagawa. Ito ang ginamit para pumasok sa paaralan at tanggapan, pumunta sa mga shopping malls, maglakbay sa mga malapit na purok, at ginagampanan nito ang papel ng mga kotse ngayon sa Tsina.
Sa kasalukuyan, mabigat ang presyur sa transportasyon sa Beijing at iba pang mga lunsod ng Tsina, patuloy ding tumataas ang lebel ng polusyon sa hangin na dulot ng mga kotse.
Subalit, patuloy pa rin ang pagdami ng mga sasakyan na ito, dahil sa patuloy ding pagtaas ng kita ng mga mamamayang Tsino. Nariyan din ang isyu ng pagiging kombinyente ng pamumuhay kung may isang kotse.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |