|
||||||||
|
||
Kumpara noong nakararaang ilampung taon, nagiging mabilis at madali ang pagpunta ng mga mamamayang Tsino mula isang lunsod patungo sa iba. Sumasakay ang mga tao sa mga long distance bus, kotse, at eroplano, pero, ang tren ay nananatili pa ring pangunahing paraan ng paglalakbay.
Unang una, mas mabilis ngayon ang mga tren kaysa noong dati. Halimbawa, ang tulin ng karamihan ng mga tren ay umaabot sa mahigit 160 km/h. Ibig-sabihin, kung pupunta kayo mula Beijing hanggang sa Tianjin, halos 20 minuto lamang ang kailangan, at kung pupunta sa mga karatig na lunsod at lalawigan, mga 6 na oraslamang ang gugugulin. Ngayon, ang tulin ng isang uri ng tren na gumamit ng pinakasulong na teknolohiya ay umabot sa mahigit 300km/h. Ibig sabihin, kung pupunta kayo mula Beijing patungo sa Shanghai, halos 4 na oras lang.
Ikalawa, sa Tsina, mas ligtas ang pagsasakay ng tren sa eroplano at ibang mga sasakyan, at kakaunti lang ang insidente ng pagka-delay sa mga tren, kumpara sa eroplano.
Ikatlo, mura ang ticket at ito ay abot-kaya ng halos lahat ng mga Tsino na gaya ng mga estudyante, magsasaka, migrant workers at iba pa.
Ikaapat, May mga stops ang tren, samantalang sa eroplano ay wala. Ibig sabihin nito, mas accessible ito para sa mga ordinaryong mamamayan. At kung mahilig kayo sa sight-seeing, mas enjoy ang pagsakay ng tren.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |