![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Sa darating na Hulyo uno, sasalubungin ng Partido Komunista ng Tsina ang ika-90 anibersaryo ng pagkakatatag nito. Hindi ako party member at walang anumang espesyal na damdamin sa Partido Komunista ng Tsina, pero, bilang isang music fan, dapat kong kilalanin na totoong masarap pakinggan ang ilang awiting nagbibigay-puri sa mga dakilang rebolusyonaryong tulad nina ang ilang theme song na pinapurihan ang mga dakilang revolutioner tulad nina Chairman Mao, Premiyer Zhou at iba pang kamander. Baka ito ang power of belief, di ba? Noong panahong iyon, kumakatha ang mga kompositor ng mga himig para maipahayag ang kanilang pangarap at kinakanta naman ito ng mga mang-aawit by heart. Kapag ngumingiti sila habang kumakanta, ngumingiti sila dahil dalang nakakaramdam sila ng kaligayahan; at kapag lumuluha sila, lumuluha din ang lahat ng music fans.
Kayo'y nasa China Radio International, programang Pop China na inihahatid sa inyo ng inyong happy DJ na si Sissi. Balik tayo sa music chart at i-reveal muna natin ang tatlong pinakapopular na kanta sa mga nakaraang linggo.
Sa Ika-3, ang awiting " Deliberately" na ibinigay ng rocker boy na si Wang Xiaokun.
Sa ika-2, "Eagerness is Power" theme song ng isang charity work na kaloob ng bandang Shuimunianhua.
Ang winner ay "Rhapsody", tingan kung paanong maglaro ng Arnis si James Hsiao sa saliw ng Rhapsody.
Parang isang karaniwang damit, kung suot ng isang model, nagiging fashionable at lumalakas ang dating. Simpleng lyrics at melody, pero, dahil sa damdaming pino-project ng great singer, nagiging masterpiece ang kanta. Sina Tu Honggang at Na Ying ay dalawang pangunahing singer sa sirkulong musikal ng mainland Tsina. Paraang Madonna at Michael Bolton ng Amerika, kasi, punong puno ng expectations ang mga music fans sa kanilang collaboration. Sa bagong kanta nilang "Aking Tao", parang they are singing separately, pero, perfect ang harmony. Sila ang taong puwedeng magbigay-buhay sa kanta.
Long time no see, long time no hear from you. Tuwing babalakin kong tawagan ka, naiisip kong mabuti pang magtagpo na lang tayo. Pero, pagkaraan namang ilapag ko na ang telepono, hindi matuluy-tuloy ang ating pagkikita, dahil, sa puso ko, ikaw ay akin from the very beginning.
Pagkaraan ng Nanquan mama, muling buong lakas na isinulong ni Jay Chow ang isa pang bandang binubuo ng dalawang lalaki na pinangalanang Brother Spoondrift—artistic young boys na nagkakilala sa isa't isa dahil sa pagmamahal sa musika at dahil kay Jay. Noong unang dako ng Hunyo na-publisize nila ang kanilang bagong kantang "Nalaman ko pagkaraang masugatan ang aking puso". Ipinagpatuloy nila ang malinis, purong istilo ng school music, na nagpapaalala sa puppy love ng school life.
Sa bahagi ng Gramophone ngayong gabi, isinalaysay ko ang hinggil sa isang espesyal na singer, hindi tulad ng iba pang Chinese singers na pumasok sa sirkulong musikal sa pamamgitan ng paglahok sa singing contests. Kung mababanggit si Zhou Bingqian, siya ay matatawag na completely kinatawan ng academy ng Chinese pop singers mula noong 1970s hanggang 1980s. Noong 9 na taong gulang pa lamang, sinimulan na ang karerang musikal ni Zhou sa pagtugtog ng Erhu o Chinese fiddle, hanggang mai-publisize niya ang kanyang unang song album. Siya ang sikat na Chinese fiddle player na maraming music fans sa Hapon. Ang naririnig niyo ay ang kanyang pinakapopular na hit na pinamagatang "Miss na Miss Kita".
Ang kanta ay espesyal na kinatha para kay Zhou. Ang naririnig ninyo ay tunog ng Chinese fiddle. Siyempre, si Zhou mismo ang tumugtog niyon.
Sabi nila si Zhou ang Teresa Jr. Ano sa palagay mo? Uuum, parang gutom ata ako. Pagkatapos ng programa, ano kaya ang dapat kong kainin? Siguro dapat gumawa ako ng ibang programa tungkol sa ika-2 paborito kong masarap na pagkain.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |