Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Eroplano, sinaksakyan ng parami nang paraming Tsino

(GMT+08:00) 2011-07-05 16:02:45       CRI

Walang duda, ang tren ang pangunahing paraan ng pagbibiyahe sa pagitan ng mga lunsod ng Tsina. Pero, kasunod ng pag-unlad ng sistema ng transportasyon at pagtaas ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino, tinatangkilik ng parami nang paraming Tsino ang pagsakay sa eroplano para sa kanilang paglalakbay, bakasyon, negosyo, at marami pang iba, dahil sa ito ay mas mabilis kaysa tren.

Patuloy rin ang pag-unlad ng pagpapalagayan ng mga Tsino at dayuhan, ito ay isa sa mga dahilan kung bakit maraming Tsino, sa kasalukuyan ang pumupunta sa ibayong dagat para mag-aral, magtrabaho, at maglakbay. At ang pangunahing paraan ng kanilang pagpunta sa ibayong dagat ay ang pagsakay sa eroplano sa halip na tren.

Bukod sa pagpunta sa ibang bansa, dahil malaki ang Tsina, gusto ng mga taong sumakay ng eroplano upang maglakbay sa mga malayong lugar ng bansa, dahil kung sasakay ng tren, mas mahaba ang oras na kakailanganin at mas nakakapagod.

Ngayon sa Tsina, madaling makikita ng mga bata sa paliparan, kasama ang kanilang mga magulang at mga kaibigan upang magbakasyon o maglakbay, pero bago ang taong 2000, ang eroplano ay pangunahing ginagamit lamang para sa trabaho at pagpunta sa ibang bansa. Ito ay nagpapakita na parami nang paraming Tsino ang kayang bumili ng tickets ng eroplano, at pagtaas ng lebel ng kanilang pamumuhay.

Pero, kumpara sa tren, ang eroplano ay mayroong ilang kakulangan. Una, ang paliparan ay palagiang nasa labas ng lunsod, kaya kailangang gumugol ng mahabang oras bago makarating doon, nariyan din ang mataas na pamasahe sa mga taxi papunta sa paliparan. Para sa tren naman, ang mga istasyon nito ay malapit at accessible sa lahat ng tao at nakadugtong din ito sa mga istasyon ng subway, dahilan kung bakit mas kumbinyente at mura ang pagpunta sa mga ito.

Ikalawa, madaling maapektuhan ang eroplano ng pagbabago sa panahon. Kung may malakas na pag-ulan, niyebe, hangin at iba pa, ito ay ilan lamang sa mga dahilan upang makansela o ma-delay ang flight. Ikatlo, may kamahalan ang ticket ng eroplano. Sa Tsina, kung hindi naka-sale ang presyo ng ticket ng eroplano, ito ay ilang ulit ng presyo ng ticket sa tren. Kung bababa ang presyo ng ticket ng eroplano, siguro mas maraming tao ang sasakay dito.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>