|
||||||||
|
||
Ngayon, kahit saan kayo ngayon pumunta sa Tsina, maririnig ninyo ang mga mamamayang Tsino na umaawit ng "red songs." Ano ba itong tinatawag na "red songs" dito sa Tsina?
Sa katotohanan, ang red songs ay walang isang maliwanag na konsepto. Ito ay tumutukoy hindi sa estilo ng awitin, kundi sa nilalaman nito. Halimbawa, noong unang panahon, mula ika-3 hanggang ika-7 dekada ng nagdaang siglo, dahil ang Tsina ay dinaluhong minsan ng pananalakay ng Hapones, ng marahas na pakikialam ng mga bansang kanluranin sa mga suliraning panloob at negatibong epekto ng kaisipang makakaliwa pagkatapos ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina, ang "red songs" ay tumutukoy, pangunahin na, sa mga awit na nagbibigay-puri sa magandang inang-bayan, nagbibigay-buhay sa diwa ng mga mamamayang Tsino sa pakikibaka laban sa pananalakay at pagsasakatuparan ng pagsasarili at pagyabong ng Nasyong Tsino at humahanga sa dakilang lider na gaya ni Chairman Mao.
Ang unang awitin ay ang Yellow River Cantata na nilikha ni Xian Xinghai noong 1938.
Dahil noong panahong iyon, dinaluhong ang bansa ng pananalakay ng mga Hapones at isinagawa ng sambayanang Tsino ang magiting na pakikibaka, ang awiting ito ay nagpapakita, sa isang dako, ng magaganda at nag-aalimpuyong tanawin ng Yellow River, inang-ilog ng Nasyong Tsino, at sa kabilang dako, ng pambihirang lakas-loob, deteminasyon at pagsisikap ng mga mamamayang Tsino para magapi ang pananalakay ng Hapon at maigarantiya ang pagsasarili at kabuuan ng teritoryo ng bansa.
Pagkatapos ng pagkakatatag ng PRC noong 1949, dahil natapos ang civil war at pananalakay ng Hapon sa Tsina, kasunod ng pag-unlad ng lipunan ng Tsina, unti-unting nagiging mabuti ang pamumuhay ng mga Tsino, kaya noong panahong iyon, ang mga red songs ay humanga sa magagandang pamumuhay at pamumuno ng CPC.
Eto ang awitin na Let us sway twin oars na nilikha noong 1955
Ang awiting ito ay theme song ng kauna-unahang domestic film ngTsina para sa mga bata. Inilalarawan nito ang paglalakbay ng mga bata sa parke, magagandang tanawin at kanilang masasayang kalooban. Noong panahong iyon, nakakanta ng lahat ng mga batang Tsino ang awiting ito at sa kasalukuyan naman, ito ay nagsisilbing palatandaan ng magagandang alaala ng mga may sapat na gulang sa panahon ng kanilang pagkabata.
Ito naman ang isang awiting may pamagat na "Ode To The Motherland" na kinatha noong 1950 para ipagdiwang ang unang anibersaryo ng pagkakatatag ng PRC.
Ito ay kinanta ng isang magandang dalagita sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games noong 2008. Pero ang awiting ito ay ginawa para ipagdiwang ang unang anibersaryo ng pagkakatatag ng PRC. Inilarawan ng awiting ito ang mga magagandang tanawin ng inang-bayan at nagpapakita ng hangarin para magsikap na hanapin ang mabuting pamumuhay sa hinaharap. Popular ang awiting ito at palagiang ginagamit sa mahahalaga at malalaking aktibidad, kaya ito ay itinuring na ring ikalawang pambansang awit ng Tsina.
Gayuman, ang isang komong katangian ng ganitong red songs ay punong puno ng kasiglahan ang mga ito at nagbibigay-pansin sa konstruksyon ng inang bayan at hangarin para sa magandang pamumuhay sa hinaharap. Sa totoo lang, kasunod ng pagsasagawa ng Tsina ng reporma at pagbubukas sa labas noong 1978, nagsimulang makaranas ang bansa ng malakihang pagbabago at nagsimula ring gumanda ang pamumuhay, kaya naglitawan din ang mga bagong uri ng red songs. Ang mga awiting ito na popular din sa buong bansa ay nakatuon sa pagbati sa kasalukuyang magandang pamumuhay, sariling damdamin at mabuting hangarin sa kinabukasan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |