Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China ika-25 2011

(GMT+08:00) 2011-07-11 14:33:41       CRI

Alam ng lahat na malaki ang pagkakaiba ng kulturang Tsino sa kultura ng mga bansang kanluranin at sa tingin ko, ang red songs ang maituturing na katutubong pop music ng Tsina, dahil ito ay popular sa buong bansa at ito may mga modernong katangian kumpara sa mga tradisyonal na musika na gaya ng Beijing Opera. Bukod dito, tulad ng sinabi ko sa programa sa nagdaang sabado, ang red songs ay tumutukoy, pangunahin na, sa nilalaman ng awitin sa halip ng estilo.

Kung si Chairman Mao ay namuno sa mga mamamayang Tsino tungo sa pagtatatag ng isang nagsasarili at malakas na bansa, si Deng Xiaoping naman ay namuno sa mga mamamayang Tsino tungo sa kanilang pagyabong. Sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas, umunlad na nang mabilis ang kabuhayan at lipunan ng Tsina at mas yumaman at bumuti ang pamumuhay ng mga Tsino, kaya nagbago ang nilalaman ng "red songs" at nagsimula itong tumuon ngayon sa pagbati sa kasalukuyang magandang pamumuhay, sariling damdamin at mabuting hangarin sa kinabukasan.

Ang una ay isang awitin na may pamagat na "On the Field of Hope" na inawit ni Peng Liyuan, kilalang mang-aawit ng Tsina

Ang awiting ito ay hindi lamang naglalarawan sa magandang lupang tinubuan, kundi humahanga din sa magandang pagbabago ng lupang tinubuan pagkatapos ng reporma at pagbubukas ng Tsina sa labas. Noong unang makilala ang awiting ito sa Tsina noong 1980s, mabilis na kinilala ito ng buong bansa bilang awiting nagpapakita ng magandang hangarin sa hinaharap. Ang mangaawit nito na si Peng Liyuan ay mabilis na naging popular sa buong bansa.

Ang susunod ay ang awitin na may pamagat na "Moon in Mid-Autumn"

Ang awiting ito ay hinggil sa mga kawal na itinagala sa hanggahan ng bansa. Pero, kumpara sa tradisyonal na awitin hinggil sa mga kawal, ito ay medyo soft at naglalaman ng pangungulila, pag-ibig at pasasalamat ng mga kawal sa kanilang asawa, magulang at lupang tinubuan, kaya popular na popular ang awiting ito. Gayuman, noong una, ang awiting ito ay theme song ng isang TV program, pero, ngayon, mas natatandaan pa ng karamihan sa mga mamamayang Tsino ay ang awiting ito sa halip ng TV program.

Sa katotohanan, kasunod ng pag-unlad ng Tsina, ang estilo ng mga red songs ay nagiging samut-sari at unti-unting lumapalit sa komong palagay ng mga kanluraning bansa hinggil sa estilo ng pop music. Halimbawa ay si Cui Jian, uanang rock singer ng Tsina at ang kanyang rock red song na may pamagat na Rock & Roll On The New Long March noong 1989.

Ang awiting ito ay kauna-unahang gumamit ng rock version para magsalaysay ng long march mula taong 1934 hanggang 1936, isang mahalagang insidente sa kasaysayan ng CPC. Sa katotohanan, ito rin ay itinuturing na palatandaan ng pagsilang ng rock music sa Tsina. Ang awiting ito ay nagpapakita ng bagong pagkilala at pagkaunawa ng mga kabataan noong panahong iyon sa insidenteng ito.

Bakit nagiging popular ang red songs sa Tsina?

Una, ang ganitong awitin ay nagpapakita ng mahalaga at magandang diwa at hangarin ng mga mamamayang Tsino sa isang henerasyon. Halimbawa, noong panahon ng anti-Japanese war o World War II, popular iyong mga awiting nagpapasigla sa diwa ng mga mamamayang Tsino sa pakikibaka laban sa pananalakay at pagsasakatuparan ng pagsasarili at pagyabong ng Nasyong Tsino.

Ikalawa, ang ganitong awitin ay naglalayong maenkorahe ang mataas na moralidad at magandang asal, kaya madali itong magustuhan ng higit na nakararaming mamamayan.

Mangyari pa, ang ganitong awitin ay may mahigpit na kaugnayan sa mga magagandang domestikong pelikula na nakakaakit ng maraming manonood at sa mabisang pagsasahimpapawid sa mga radio, TV at internet.

Kahit ang awitin ay isang uri ng sining lamang, ito naman ay gumaganap ng malaking papel sa pagpapasigla ng diwa ng mga tao at pagkakaisa ng kanilang mithiin.

Sa kasalukuyang lipunan ng Tsina, kahit may natatamong kapansin pansing bunga sa iba't ibang larangan, malubha rin ang mga isyung panlipunan na gaya ng paglaki ng agwat ng mga mayayaman at mahihirap, korupsyon, polusyon ng kapaligiran at paglaki ng presyur sa pamumuhay.

Kaya ang pagiging popular ng mga red songs ngayon sa Tsina ay para, pangunahin na, mapasigla ang kompiyansa ng mga mamamayan sa pamumuhay at magbuklod-buklod ang lahat ng mga sirkulo ng lipunan upang mapaganda ang kinabukasan ng Tsina.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>