Nitong ilang araw na nakalipas, sinimulang itanghal sa telebisyon ang isang teleplay na pinamagatang "Naked Wedding Times" sa iba't ibang purok ng Tsina, bagay na nakatawag ng malaking pansin ng mga tao, lalung-lalo na iyong mga isinilang pagkatapos ng taong 1980. Ang "Naked Wedding" ay tumutukoy na isang simpleng porma ng pagpapakasal o pagsasama ng isang lalaki at babae na walang sariling bahay, kotse, at walang wedding ceremony --- higit sa lahat, walang wedding ring. Ang salitang ito ay isang bagong termino na lumabas lamang simula noong taong 2008. Dahil sa malaking presyur sa pamumuhay at pagbibigay ng palaki nang palaking diin sa "kalayaan" at "pagsasarili" ng pagpapakasal ng mga tao, patuloy namang humihina ang lebel ng kahalagahan ng wedding ceremony sa mga kabataan. Kaya, ang "Naked Wedding" ay nagsisilbing pinakabagong porma ng pagpapakasal ng mga taong isinilang pagkatapos ng 1980. Ito ang tampok na paksa para sa ating programa ngayon, ang "Naked Wedding." Mayroong dalawang taong sa programang ito na ang sumusunod: Una, ano ang inyong palagay hinggil sa "Naked Wedding"? Ikalawa, sang-ayon ba kayo o hindi sa "Naked Wedding"?
Sina Rhio at Joshua ang ating panauhin sa programa.
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig