Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Wedding Ceremony ng aking lolo at lola noong 1950s

(GMT+08:00) 2011-07-20 17:34:46       CRI

Noong ikasal sila ng aking lolo, hindi sila umiibig sa isa't isa. Nagpakasal sila dahil iniibig ng tatay ni grandma si grandpa.

Noong bata pa si grandpa, siya ay isang employee ng Department of Road Networks, isang departamentong pang-estado. Alam mo, dito kasi sa Tsina, kapag nagtatrabaho ka sa departamento ng gobyerno, ibig sabihin, matatag ang iyong suweldo, napakaganda ng welfare, at napakataas ng social status. Kaya, napakapopular ni grandpa sa mga binibini.

Pero,bago ipinasiya ng aking great grandpa na magpakasal sina grandpa at grandma, hindi sila magkakilala. sabi ng lola:

"Ang tatay ko ay isang magaling na sastre, sikat siya sa buong county. Madalas namang pumunta sa pagawaan ng aking tatay ang iyong lolo para magpagawa ng uniform. Dahil dito, nagkakilala ang aking tatay at ang iyong lolo. Bago ang kasal, hindi pa kami magkakilala ng iyong lolo at nagkikita lang kami sa pagawaan ng aking tatay. Nang tanungin ng tatay ko ang iyong lolo, kung gusto niyang magpakasal sa akin, sumang-ayon agad ang iyong lolo."

Ipinasiyang magpakasal sina grandpa at grandma, pero, hindi kayang bumili ni grandpa ng isang bagong damit para kay grandma. Kasi, noong bagong tatag ang Tsina, kulang ang lahat ng bagay. Kung gusto mong bumili ng anumang bagay, dapat may specific na coupon ka. Coupon para sa itlog, karne, asukal, textile, bisikleta, TV set, at iba pa.

No matter how rich you are, dapat may coupon ka, at kakaunti lamang ang mga coupon. At dahil nagalit ang pader ni grandpa sa nakatakdang pagpapakasal niya sa isang babaeng mula sa karaniwang pamilya, hindi nagkaroon ng wedding ceremony, walang bagong damit, walang sinumang bisita, walang tirhan. Sakay ng bisikleta, umuwi si grandpa at grandma sa isang bahay na hiniram mula sa isang kaibigan.

Sa pagkakaalala ko, noong bata pa sila, lagi silang nag-aaway dahil mainitin ang kanilang mga ulo at dahil mahirap ang buhay. Minsan umabot pa doon sa puntong nagpasya silang mag-split. Pero, ngayong matanda na sila, paganda nang paganda ang kanilang relasyon. Noong nagdaang Hunyo, dinala ni grandpa ang lahat ng savings niya, pinaplano niyang mag-travel sa buong Tsina, kasama ni grandma, bilang pagpapasalamat. Hindi ko makalimutan ang pananalitang sinabi ni grandpa:

"Buong buhay na kaming nagsasama ng inyong lola, pero, kahit minsan ay hindi pa kami nakakapaglakbay sa malayong lugar. Sa pagkakataong ito, bukas ay dadalhin ko ang mahigit 20 libo, at pupunta kami ng iyong lola sa Shanghai, Nanjing, Suzhou, Hangzhou, at kung puwede, dadalaw din kami sa HongKong, Macao, Guangzhou at Xiamen.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>