|
||||||||
|
||
Sa kasalukuyang lipunang Tsino, nagiging popular ang pagbili ng mga bagay sa internet (shopping on the internet)。 Kasunod ng napakabilis na pag-unlad nito, unti-unting lumilitaw ang penomenon ng "Group-buying" sa internet. Ang "Group-buying" ay isang porma ng pagbibili ng mga nagkakaisang mamimili para mapalaki ang kanilang kakayahan sa pakikipagtalastasan sa mga nagbebenta at makuha ang pinakamaliit na presyo ng mga paninda o serbisyo. Ayon sa dahilang "small profits but quick returns," ipinagkakaloob ng mga nagbebenta ang napakalaking discount sa mga paninda o serbisyo sa mga mamimili. Kaya, nagiging mas mura ang mga paninda o serbisyo sa "Group-buying." Bagama't hindi pa ito ang pangunahing modelo ng konsumo, unti-unting lumilitaw ang kasiglahang taglay nito. Sa kasalukuyan, ang "Group-buying" ay nagaganap, pangunahin na, sa internet.
Q: Nasubukan nab a ninyo ang "Group-buying?"
Q: Sa tingin ninyo, ano ang bentahe at kakulangan sa "Group-buying?"
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |