|
||||||||
|
||
Walang duda, malaki ang pagbabago ng Tsina, sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas. Ang Tsina sa ngayon ay bansang may ika-2 pinakamalaking GDP sa daigdig, pinapabuti nito ang pamumuhay ng kanyang mga mamamayan, at nagtamo ito ng mga kapansin-pansing bunga sa palakasan, kultura, siyensiya, teknolohiya, at iba pa.
Mayroong ilang dahilan sa pag-unlad na ito. Una ay ang pagbubukas sa labas, pag-aaral ng karanasan ng ibang bansa, at pakikisangkot sa proseso ng integrasyong pangkabuhayan ng buong daigdig, dahil ang pagbubukod ng bansa sa komunidad ng daigdig ay magdudulot lamang ng karukhaan at pagkaatrasado.
Ikalawa, ang epektibong pagtitipon ng pamahalaang Tsino ng halos lahat ng mga available resources ng lipunan at pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan, pagbibigay tarabaho, pananaliksik, imprastruktura, paglutas sa mga malaking biglaang pangyayari, at pinakapangunahing isyu.
Halimbawa, sa iba't ibang antas ng CPC at pamahalaang Tsino, may mga leading groups na namamahala sa mga pinakapangunahing gawain at nagtitipon ng mga materyal para rito, pero, ang pangunahing tungkulin nila ay ang pagpapasulong ng kabuhayan, paghihikayat ng pondong dayuhan, at pagpapatatag ng kalagayan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |